Simula nung umalis si Jade galing sa bahay nila at napag usapan nila ang tungkol sa pag aaral niya ay hindi na ito dumalaw sa bahay. Yung dalawang therapist na lang ang naabutan nia palagi sa bahay mag isang linggo na rin. Panay tawag niya sa number nito ngunit hindi parin ito ma kontak. Iniisip niya kung may nasabi ba siyang masama dito? Baka na galit talaga ito na hindi na siya nag aaral?
Para na siyang mababaliw dahil wala naman siyang maisip na dahilan kung bakit siya nito iniiwasan.
Kaya nung sumunod na linggo ay ma tiyaga nanaman niya itong inantay sa labas ng eskwelahan nito. Kahit wala ang kotse nito sa parking lot. Nagsilabasan na karamihan sa mga studyante pero walang Jade na lumabas hanggang sa mag sara na lang ang eskwelahan. Baka nalingat lang siya at hindi niya namalayang nakalabas na pala ito.
Tinawagan niya ang kanyang tatay na mauna na itong kumain dahil mamaya pa siya makaka uwi. Balak niyang magpa lipas ng sama ng loob at lumanghap ng hanging dagat. Kaya naisipan niyang pumunta sa bay walk.
+++++++++
Tinungo niya ang paborito niyang upoan at bahagya pa siyang nagulat at natuwa sa kung sinong babae ang naka upo duon.
"Ate Rhian?"
"Oh hi baby girl."
Napakamot siya sa kilay niya dahil sa tawag nito sa kanya. Bata talaga ang tingin nito sa kanya e.
"May business meeting nanaman po ba ang asawa niyo ate?"
"Oo eh. Pero ok lang naman handa naman akong mag antay basta para sa taong mahal ko."
"Mahal na mahal niyo ho ang asawa niyo ho ate Rhi?"
"Oo naman sobra."
"Ikaw kumusta kayo ng girlfriend mo?"
"Nalalabuan na ho ako."
"Abay bakit?"
"Ilang araw na hong hindi nag paparamdam."
"Baka naman bz lang?"
"Hindi naman ganun si Jade, kahit sobrang bz nun may oras parin yun para sa akin."
"Ganun naman ang relasyon Althea hindi palaging may happy ending. Pero ang importante, naranasan mong mag mahal at mahalin."
"Hindi pa naman ako sumusuko kay Jade ate."
"Baka may problema lang siya at ayaw ka niyang madamay. Just be positive lang."
"Kayo ho ba dumating sa punto na nag away kayo at sumuko ka?"
"Nope. Kahit kailan hindi ko sinukuan si Glaiza kahit na nung time na ginawa niya sa akin yun."
"Yung alin ho?"
"Sa ngyari nuon gusto ko lang sana ma e parating sa kanya na hindi ko siya sinisisi sa ngyari. Alam ko lahat ng yun ay may dahilan. At sana napatawad na rin niya ang sarili niya. Mahal na mahal ko si Glaiza Althea at wala na akong ibang kayang mamahalin kundi siya lang."
"Ganun din naman ho ako kay Jade. Kahit nung mga bata pa lang kami alam ko ng siya lang ang gusto ko. Kaya laking tuwa ko ng yung pangarap ko lang dati na makausap siya ay mas pa ang ibinigay sa akin dahil naging magkasintahan pa kaming dalawa."
"I'm so happy for you baby girl. Dahil sa murag edad ay nakilala mo na ang taong nakalaan para sayo. Alam kung mahal na mahal mo si Jade kitang kita diyan sa mata mo at kitang kita din diyan sa mata mo kung paano ka nasasaktan."
"Nahihirapan ako ate Rhi, next week mag eexam ako ito na pangarap namin ni Jade ang maka pasa ako. Gusto kung pumasa ate Rhi kaya pinag iigihan ko ang pag aaral."