Masaya naman sila ni Jade, nakikita niya kung pano nito pinag sisikapang makibagay sa kanilang kahirapan.
Nag tapos na din ang kalse nito at dahil bakasyon na, nasa bahay lang ito kasama ng kanyang tatay mag hapon. Siya naman ay nag aaral sa ALS alas syete hanggang alas dose. Nag titinda naman siya sa tanghali hanggang alas otso ng gabi. Kaya naiiwan si Jade at ang kanyang tatay sa bahay. Si Batchi naman ay halos sa bahay na nila tumutuloy kaya hindi naman niya nakitaan ng pagka bagot si Jade. Ito na rin ang pinapahawak niya ng budget sa bahay. Kung dati ay masaya naman sila lang ng kanyang tatay at ni Batchi, ngayon ay mas doble doble pa ang saya na nararamdaman niya. Ang saya na uuwi siya ng bahay kahit pagod ay nawawala pag nakikita niya ang maaliwalas na mukha ni Jade at sasalubungin siya ng yakap at halik kahit nanglalagkit pa siya. Sana hindi na maisipang kunin ng ama nito oh bumalik sa bahay nito.
"Thea?"
"Hmm?" Sagot niya dito. Kasalukuyan silang nakahiga habang ito naman ay naka unan sa kanyang kaliwang braso.
"Ano kaya kung pansamantala muna akong mag hanap ng trabho habang wala pang pasokan?"
Bahagya niya itong inilayo at tinitigang mabuti. "Ano na lang sasabihin ng tatay mo Jade na hindi kita kayang buhayin?"
"Bakit mo ba iniisip kung ano sasabihin ni daddy e hindi naman siya ang nakikisama sayo?"
"Pag iisapan ko Jade. Alam mo namang ayaw kung makitang nahihirapan ka. Ok na sa akin magkanda kuba ako sa kakatrabaho basta maibigay ko lang ang pangangailangan mo."
"Love, kaya nga tayo parttner diba para mag tulungan."
"Andun na nga tayo Jade pero kasi diba dapat ako naman ang bubuhay sayo."
"Bakit? Feeling mo lalaki ka para kaw lang bubuhay satin dalawa? Parehas tayong babae Athea. Mas mapapabilis ang kita natin pag tayo dalawa ang mag tutulungan."
Tama naman ito. Masyado lang siguro siyang ma pride nahihiya kasi siya dito dahil kung tutuusin masarap naman sana ang buhay nito kung hindi siya ang pinili nito. Kaya feeling niya ay responsibilidad niya talaga si Jade lahat aakuin niya mabuhay niya lamang ito.
Niyakap niya ito saka hinalikan sa noo.
"Oo na payag na ako." Mahinang sambit niya dito?
"Seryuso love?"
"Wag mo nang ipa ulit dahil baka mag bago pa isip ko."
"Tuwang tuwa naman ito at pinag hahalikan ang kanyang buong mukha."
"Thank you love."
++++++++++++
Kabado siya kanina habang sinasabi kay Althea ang plano niyang pansantalang mag hanap ng trabaho. Alam naman kasi niya na hihindi ito. Matagal na niyang pinag isipan to at alam niyang darating at darating ang araw na aabot sila sa ganito. Ubos na din ang kanyang kakarampot na perang dala kaya minsan na hindi niya maiwasang maiyak sa sitwasyon. Wala kasi siyang maitulong kay Althea nahihiya na din siya dahil mag hapon lang siya sa bahay at wala namang ginagawa. At alam niyang hindi na din niya kayang ipag patuloy ang kanyang kurso dahil sa malaking tuition sa susunod na pasokan at alam niyang hindi rin kakayanin ni Althea ang gastosin.
Alam niyang nakakapagod din ang ginagawa nito aral at trabaho. Pero wala siyang naririnig na nag rereklamo ito. Palagi itong naka ngiti pag uuwi ng bahay. Ang mag hapon na nakaka bagot minsan ay napapawi pag nakikita na niya itong naka uwi at abot tenga ang ngiti sa kanya.
Hinaplos niya ang mukha nito. Payapa na ang pag tulog nito kaya minabuti niyang sumiksik at matulog na rin.
+++++++++