Matapos nilang kumain ay naisipan nilang mag lakad lakad. Wala naman silang direksyon talaga na tinatahak basta nag lakad lakad lang sila, kwentuhan at asaran. Napansin niyang nawala na ang pagiging mahiyain nito sa kanya. Natural na niya itong nakakausap at nakikipag biruan na din sa kanya.
"Althea sakay tayo diyan." Nguso niya sa LRT. The last time she rode a train ay nung tnry niya ang bullet train from kyoto to tokyo. But not here in philipines masyadong siksikan at marami pang napapabalitang may mga nang hihipo.
Napakamot naman si Althea sa kilay. "Sigurado ka ba diyan Jade? Siksikan diyan saka baka hindi ka sanay."
"Gusto ko lang e try saka andyan ka naman eh."
Dahil nasa may tayuman station sila, naisipan nilang sumakay papuntang monumento.
Siya na ang pumila para kumuha ng beep card dahil may tatawagan lang daw ito saglit ang tatay nito. Nang makuha ang card ay agad siyang lumapit dito st binigay ang card para dito.
"Jade mauna kana dun susunod ako."
Tumango naman siya. "Bilisan mo diyan baka maiwan tayo." pahabol niya bago naunang maglakad papasok.
Ngayon lang siya na excite na sumakay ng train. Hindi dahil sa ngayon lang siya nakasakay ng train kundi dahil na eexcite siya na kasama niya si Althea. Gusto niyang kasama ito sa mga bagay bagay na hindi pa niya na experience. Medyo weird man sa feelings pero yun ang nararamdaman niya. Yung tipong sa lahat ng saya niya ay kasama niya ito. Magaan ang loob niya dito na hindi niya maipaliwanag.
"Ano ba yan di mo alam kung tanga oh hindi marunong mag basa eh. Kita nang nag hahabol ng oras ang tao!"
Napalingun si Jade sa nag sasalita na ale. Hinanap niya si Althea dahil mukhang ilang minuto na din ito baka magkahiwalay pa sila ng sakay.
Maya maya pa ay nakita niya itong palapit sakanya at ga butil butil ang pawis.
Mabilis na kinuha niya ang panyo saka ipinahid sa noo nito. "Oh anong nangyari sayo san ka galing?"
"Ano kasi hindi gumana yung card kaya natagalan." Sabay kamot sa kilay
"Ah ok so tara?" Hinawakan niya ang kamay nito para hindi sila mahiwalay dahil sa siksikan ang mga tao.
Nang huminto ang train sa harap nila ay mabilis at nakipag unahan sila sa mga commuters. Nabitawan niya ang kamay ni Althea kaya hindi niya tuloy alam kung nasaan banda ang babae. Hindi naman niya kayang makipag siksikan dahil halos sardinas na sila loob. Kaya minabuti na lang niyang tumayo saka humawak sa maliit na poste para maka kuha ng balanse sa pag tayo.
Nang huminto sa may bluementritt station ay imbes na mabawasan ay mas lalo pang naging siksikan dahil sa dami pang sumakay kaya mas na diin pa siya sa may dulo. Pagdating naman sa may Abad Santos station ay medyo lumuwang na, pipihit na sana siya para hanapin si Althea ng may humapit sa bewang niya saka siya napa yakap sa may bewang nito at napa subsob naman ang kanyang mukha sa may leeg nito dahil magka pareha lang naman sila ng height. Tiningnan niya si Althea seryuso ito habang naka taas ang isang kamay para maka balanse silang dalawa. Ang isang kamay naman nito ay nakapalibot sa bewang niya. Hindi na rin siya umimik bagkos hinayaan lang niya silang dalawa sa ganuong posisyon. Wala siyang naamoy kahit kunting pabango dito. Magkahalong sabon at lotion lang pero parang nanunuot sa kanyang ilong ang bango nito. At yung feeling na kahit babae ito ay nararamdaman niya na safe siya sa mga bisig nito. Naramdaman niyang lumuwag na ang tao sa loob ng tren. Ngunit nasa ganuong position parin sila. Tinapik niya ito
"Althea baba na tayo nasa monumento na pala."
"Ha?"
Para itong nakatulog habang naka tayo sila. Kaya mabilis na hinila na lang niya ang kamay nito bago pa sila mapagsarhan ng tren.