"Hoy bes umamin ka nga?! Sino ba yang kinalulukuhan mo ha? Wala kanang ibang ginawa kundi ngumiti diyan? Nag da drugs ka ba?" Tanong ni Sally kay Rhian. Ilang araw na itong parang palaging lutang at hindi na rin ito sumasama sa kanila mag lunch.
"Wala kaibigan lang."
"Kaibigan? Aba bes ganyan kaba kiligin pag magka txt tayo?"
"Babae to ano ka ba?"
"Bat parang kinikilig ka? Ano tiboli ka na? Babae na type mo?"
"Ano ka ba kaibigan nga lang ok?"
"Ok, ok masyado ka namang defensive bes. Mata mo oh nag huhugis puso haha."
"Tse!" Natatawang niyang sabi.
Naging routine na nila Althea na pag sabado nag titirik sila ng kandila sa baclaran. Minsan naman ay niyaya niya itong mag lunch pinapaunlakan naman siya nito. Yung dating walang kulay na buhay niya, ngayon ay nagkaroon na ng buhay. Na kung dati ay puro charcoal paint lang siya, ngayon ay natuto na din siyang mag pastel oh watercolor. Ganun ang naging impact ni Althea sa buhay niya.
"Bes may gagawin ka maya pagkatapos ng klase?" Tanong ni Sally sa kanya.
"May lakad kami ni Althea bes, next time na lang ok lang ba?"
"Bat parang gusto ko nang mag tampo dahil diyan sa Altheang yan. Nawawalan kana ng time sakin ah."
"Sus ito naman, yaan muna babawi ako promise."
++++++++++
Natuto na siyang mag ayos sa sarili ng kunti dahil kay Jade. Tinigilan na rin niya ang kakasuot ng baseball cap at tsinelas. Para naman maging presintable siya kahit papaano pag kaharap ito. Magaan itong kasama at hindi maarte tulad ng ibang mayayaman kaya napalagay na rin ang loob niya dito. Tiningnan niya ang relo mag aalas singko na at may usapan sila ni Jade na may pupuntahan daw sila nito, kaya alas kwatro pa lang nag ayos na siya saka nagpaalam sa kanyang tatay na aalis na.
Nag antay pa siya ng halos kalahating oras sa labas ng gate ng eskwelahan nito bago niya nakita si Jade na papalabas. Kinawayan niya ito saka nakita niyang gumanti naman ito ng ngiti sakanya. Sumenyas ito na alis na sila kaya sumakay na siya sa kotse nito.
"San tayo pupunta Jade?" tanong niya habang kinakabit ang kanyang seatbelt.
"Diyan lang sa may Roxas boulevard gusto kung manuod ng sun set Althea?" Nakangiti lang ito at na bumaling sa kanya.
Ilang minuto lang ay narating din nila ang nasabing lugar. Nag park lang si Jade sa di kalayuan saka sila magkahawak kamay na nag lakad lakad.
"Jade."
"Hmm.?"
Upo tayo duon oh." Turo niya sa may bakanteng upoan.
"Saglit lang Jade ah may bibilhin lang ako."
Tumango naman siya dito at ngumiti
Pinauna niyang maupo si Jade saka siya tumakbo sa may di kalayuan ng nag titinda ng fishball.
Binigay niya kay Jade ang pagkain saka nag simulang mag kwento habang naka tanaw sa harap ng asul na dagat
"Alam mo ba Jade may isang babae na palaging naka upo dito mahigit tatlong taon na rin ang nakalipas. Palagi siya g naka upo dito ang lungkot lungkot ng mga mata niya na parang may inaantay siyang tao na darating."
"Hmm mapag masid ka pala. Palagi ka ba dito dati?"
"Hindi naman. Dati kasi nakikiupa lang ako ng paninda kumbaga porsyento lang sa akin dito yung naging routa ko palagi ma benta din naman kasi dito lalo na pag gabi."