Chapter 1

17.1K 427 59
                                    

"Magnanakaw!!!!!!!! Tulong!! Tulong!!!!" Natatarantang sigaw ni Jade. Ang cellphone at ang mga id's nasa bag niya! Palinga linga siya ng may biglang lumapit sa kanya.

"Miss paki tingnan ng paninda ko."

Turo nito sa kanya sa de padyak nito na may karga kargang paninda na fish ball at kung ano ano pa. Saka nito mabilis na hinabol ang lalaking tumangay ng kanyang bag. She doubt it kung mahabol nito ang mag nanakaw dahil masyadong malayo na ito. Pero na amazed naman siya dito dahil ka babaeng tao ay hindi takot sumuong sa ganong pangyayari. Gusto na sana niyang kiligin e kung naging lalaki lang ito. Ang kaso hindi niya masyadong mamukhaan pero alam niyang babae ito dahil sa hanggang bewang na tuwid na tuwid nitong buhok. Ngunit dahil sa sobrang bilis nitong makatakbo kanina ay hindi na niya pinag kaabalahang suriin masyado ang hitsura nito. Mas nakita niya ito sa kung paano ito ka experto gumalaw at makipag habulan sa gitna ng kalye. Hanggang sa hindi na niya makita ang babae at ang lalaki na mag nanakaw dahil lumiko ito sa may eskinita. Napatingin siya sa kanyang relo, may klase pa siya kaya hindi siya pwedeng mag tagal. Isasauli naman siguro sa kanya ng babae ang kanyang bag kung makuha nito ang kanyang bag. Oh baka nga magka sabwat pa yung dalawang yun. Di na kaila sa kanya ang mga mudos ng mga kawatan sa kalye. Sukat maisip yun ay pinasya niyang pumasok na lang sa campus.

+++++++++++

Humihingal na binalikan ni Althea ang babaeng may ari ng bag, ngunit wala na ito sa pinag iwanan niya. Mabilis niyang nilapitan ang kanyang de padyak na may lamang paninda.

Bigla siyang nanlumo sa nakita, nakalimutan niyang bitbitin ang kanya kinita sa naturang umaga. Tinangay pa pati ang lutuan niya na matagal niyang pinag iponan. Nanlumo siya sa nakita pero wala naman siyang magawa. Mabuti na lang ay may naitabi siya kahit papaano na pera kunting sipag lang makakabili din siya ng kalan para sa kanyang paninda. Baka sumidline na lang muna siya sa junk shop nila mang Cesar para kahit papaano ay may makuhaan siya na pang kain nila ng kanyang tatay.

Itinabi niya ang padyak at hinila hila na lang niya ito dahil mukhang pati gulong ay pinagdiskitahan din ng mag nanakaw. Kung bakit kasi hindi mag trabaho nang marangal tong mga tambay na to. Kahit sa sobrang hirap naman ng buhay ay hindi niya naisipang mag nakaw. Kahit pa lumaki siya sa squater area na halos lahat ng kapit bahay nila ay ginagawa ng pang kabuhayan ang pang nanakaw.

Dalawa na lang sila sa buhay ng kanyang tatay at nag iisa lang siyang anak. Matapos kasi mawala ang kanyang nanay ay mag isa siyang itinaguyod ng kanyang ama. Ngunit sa kasamaang palad ay na bundol ito ng hindi kilalang sasakyan na siyang dahilan ng pagka lumpo ng kanyang tatay. Ang masama pa ay tinakbuhan sila ng may ari ng sasakyan. Inilapit niya ito sa pulis ang nangyari, ngunit dahil sa kawalan ng pera ay hindi naman sila inaasikaso ng mga ito dahil wala silang maibigay na tinatawag na pampadulas. Kaya pinili niyang mag trabaho sa lansangan nag babakasakaling ma tyempuhan niya minsan ang sasakyan na naka bundol sa kanyang ama. Tandang tanda pa niya ang plaka ng sasakyan, at huwag na huwag itong mag kakamali na makita niya ang taong iyon na kung sino man ang nag mamaniho nito, dahil siya mismo ang lulumpo din dito.

Mag aalas dose na nang makita niyang naglabasan ang mga studyante sa eakwelahan. Matyaga siyang nag antay sa labas sa babaeng nag mamay ari ng bag. Ang manakaw ang kanyang paninda ay nag bigay sa kanya ng pag kakataon na maka harap man lang ang babae. Matagal na niya itong tinitingnan sa malayuan at matagal na siyang may lihim na pag tatangi sa dalaga.

Simula nung nasa elementarya pa lang ito nung una niyang makita at kasa kasama siya ng kanyang tatay na mag tinda ng tinatawag nilang dirty ice cream. Minsan kasi bumili bumili ito ng dalawa at naka ngiting ibinigay sa kanya ang isa sa binili nitong ice cream. Tuwang tuwa siya dito dahil maliban sa mala anghel na mukha nito ay may mabuting puso din ito. Kaya palagi siyang sumasama sa kanyang tatay mag lako ng ice cream para makita ito araw araw. Hanggang sa mag dalaga ay hindi parin nawawala ang pag tatangi niya sa dalaga. Kaya minsan tumatabay siya sa labas ng eskwelahan nito makita lang ito papasok at palabas ng paaralan ay buo na ang araw niya.

Gugma (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon