"Ikaw?! Ano ibig sabihin nito Althea?!
Napalingun ang dalawa ng mag salita siya.
"So magkasabwat kayo?!"
"Jade mag papaliwanag ako makinig ka muna."
Hinawakan ni Althea ang braso niya ngunit nag pumiglas siya.
"How dare you! I trusted you Althea! Pinag aksayahan kita ng oras at malaman laman ko na lang mag kasabwat kayo ng mag nanakaw na to!?"
"Jade nagkakamali ka!"
"Magkakilala kayo diba? Ano pang pwede mong ipaliwanag? Baka nga isa ka ding snatcher! My God! Tama nga si Sally dapat hindi na lang ako nakipag lapit sa inyo!" Dali dali niyang niligpit ang kanyang mga gamit. Wala ng dapat pag usapan pa. Malinaw naman na magkaibigan si Althea at ang lalaking nang hablot ng bag niya kung saan una niya itong nakilala. Nakita niyang lumabas ng bahay ang lalaki. Kapal ng mukha ni hindi man lang nang hingi ng tawad sakanya!
"Jade pag usapan naman natin to ng maayos."
"Maayos?" Binigyan niya ito ng ng uusig na tingin.
"Ayusin mo muna ang sarili mo Althea! Mukhang isa ka din sa mga mahihirap na kailangang dumikit sa mayayaman at nag babakasaling maka ahon sa buhay! Am I right? Pera lang habol mo diba? Bakit Althea? Masyado bang maliit ang laman ng bag ko kaya kunyari eh kinaibigan muko tapos papahulugin maiinlove and boom! Uutuin para magka pera. Tama diba?!" Hindi ito sumagot sa tanong niya. Nakita niyang nakakuyom ng mariin ang kamay nito na animoy nag pipigil sa galit.
"Umalis kana Jade. Di ko alam ganyan lang pala ka babaw ang tingin mo sa akin. Mahirap lang kami Jade pero ni minsan ay hindi kami ng hingi oh nag nakaw ng gamit sa ibang tao." Mahina pero may diin niyang pag kakasabi kay Jade. Nasaktan siya sa sinabi nito ni ayaw nitong makinig sa paliwanag niya. Hayaan niya na lang kung ano iisipin nito. Talaga nga sigurong mahirap ito abutin.
Gusto niyang maawa sa nakikitang sensiridad sa mata nito. Ngunit mas nangingibabaw parin ang kanyang galit dito. "Goodbye Althea! Salamat nga pala sa effort sa pagpapakikilig sa akin. Baka kasi pati yun ay ka plastikan lang din."
"Makakaalis kana Jade." Walang emosyon na sabi niya kay Jade. Nakayuko siya at tumalikod bago pa makita nito ang kanyang masaganang luha na nag uunahang magsipatakan. Narinig niyang malakas na pag sara ng pinto. Nanginginig ang tuhod na napa upo siya sa sofa at pinakawalan ang emosyon na kanina pa pinipigilan. Mahirap bang makinig sa kanya? Bat mas madali mag bintang sa isang tao kesa pakinggan kung ano man ang paliwanag niya? Oo inaamin niya magkakilala sila ni Alden ang lalaking ng hablot dito ng bag niya. Pero hinding hindi niya kinukinsinti ang maling gawain ng lalaki. Nuong araw na nakita niyang hinablot nito ang bag ni Jade totoong hinabol niya ito. Pero hindi niya naabutan dahil sa bilis nitong tumakbo. Pero alam naman niya kung saan ito hahanapin pinuntahan niya ito sa bahay nito saka binigyan ng magka bilaang suntok saka niya kinuha ang bag. Hindi naman sila mag kaibigan, hindi rin magkaaway. Ayaw niya lang sa pinag gagawa nito dahil palaging nasasangkot sa gulo. Mas bata ito sakanya ng tatlong taon kaya palagi niyang pinapangaralan. Nagkamali lang si Jade ng nakita hinusgahan agad siya. Ayaw naman niyang ipag tabuyan si Alden. Dahil pag ganitong lumalapit ito sa kanya ng pera, nag bibigay talaga siya dahil baka mag nakaw nanaman ito sa lansangan. Yun ang ayaw na ayaw niyang gawin nito yun ang na abutan ni Jade na eksena kanina. Kung kelan na ok na sana sila ni Jade at kung kelan nalaman niya na mahal din siya ng dalaga.
Nakarinig siya ng pag angat ng pinto kaya dali daling pinunasan niya ang muka. Nakita niya ang kanyang tatay at si Batchi habang tulak tulak ang wheelchair ng kanyang tatay. Ganitong walang pasok sa pabrika pag sabado si Batchi inilalabas nito ang kanyang tatay pag umaga. Parang anak na din kasi ni tatay si Batchi dahil sabay silang lumaki.