* Five Years Ago *
"Althea bilisan mo diyan at ma le late kana." Tawag ng kanyang ama.
"Opo tay saglit na lang."
Kasalukuyan siyang kumukuha ng kursong BS in Architecture sa PUP Manila. Nakhua niya ang full scholarship sa naturang paaralan dahil sa siya ang may pinaka mataas na marka sa Alternative Learning System sa may Pamantasan nuong nakaraang taon. Kaya hindi na sila nahirapan ng kanyang ama.
Nakakalakad na din pala ang kanyang ama matapos nitong sabihin na dapat ay e susurprisa nila ni Jade ang magandang balita sa kanya. Pero dahil nga sa ngyari na pagka kulong niya ay tuluyan na nitong hindi sinabi sa kanya. Basta nakita na lang niya itong naka tayo at pa ika ikang kumakapit para maka balanse. Tuwang tuwa siya sa nakita ng araw na iyon, gusto niyang hanapin si Jade at magpasalamat sa ma tyagang pag aalaga sa kanyang ama. Ngunit hanggang ngayon ay umaasa parin siya na babalik ito. Nag iwan ito ng maikling sulat at yun ang pinang hahawakan niya dito. Isang maikling mensahe na humihingi ito ng dalawang taon para sa kanilang dalawa. Dalawang taon at matapos nito ang kurso nito at saka ito uuwi ng pilipinas at para ipagpatuloy nila kung ano man sila dati.
Napangiti siya habang inaayos ang kanyang uniporme. Alam niyang matutuwa si Jade na ipinagpatuloy niya ang pag aaral at with flying colors pa siya noong gumraduate siya ng highschool. Dalawang buwan na lang at uuwi na si Jade, kung kelan palapit ang araw at petsa kung kelan sinabi ni Jade na uuwi ito ay parang mas humahaba naman ang oras bawat araw.
* PRESENT *
"Then make love to me Jade."
"Althea." Mahinang sambit ni Jade sa kanyang pangalan habang naka yuko ito.
Para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Oo nga pala antanga niya, antanga tanga niya. Kunting lapit lang niya kay Jade ay nagagawa nitong tibagin ang ilang taong harang na ginawa niya. Hindi parin nawawala ang epekto nito sa kanya. Ito parin ang Jade na kayang magpa tumbling tumbling ng kanyang emosyon sa simpleng titig lamang.
Tinalikuran niya ito saka mabilis na tinungo ang pinto at walang ka abog abog na lumabas.
Dinala siya ng kanyang mga paa sa tabing dagat. Duon niya pinakawalan ang kanina pa nag uumapaw na emosyon. Napaluhod siya sa may buhanginan saka hinayaan ang katawan na damhin ang lamig ng hangin at ang nakakakiliting hatid ng buhangin sa kanyang balat matapos niyang e higa ang kanyang katawan.
"Altheaa!"
Naririnig niyang sigaw sa may di kalayuan na halatang hinahanap siya. Alam niyang si Jade. Ngunit wala siyang planong makipag usap dito. Tumihaya siya ng higa saka iniunan ang kamay sa kanyang mga braso habang nakatingin sa kalangitan.
"Andyan ka lang pala. Althea pumasok na tayo, hindi ka pwedeng mag babad sa labas dahil mahamog na at may shoot pa tayo bukas."
"Just leave me alone Jade."
"Mapapagalit...
"I said leave!"
"Fine!"
"Kung ayaw mo pang pumasok I'll just wait for you then."
"Bingi ka ba?" Tanong niya dito
Para itong walang narinig. Siguro nga marami ang nainom nito kanina kaya may lakas ito ng loob na makipag usap sa kanya as if walang ng yari 7 years ago.
Nakatunghay ito sa kanya nakatayo habang siya ay naka higa. Kahit gabi ay lutang parin ang kagandahan nito na mas lalong nagpatingkad dahil sa nakalugay na buhok nito na hinahampas ng mahinang hangin.