Chapter 28

4.3K 224 76
                                    

Matapos kumanta ni Althea ay marahang hinaplos niya ang pisngi nito. Isinawalang bahala niya ang na tanggap na txt ng kanyang daddy. Ang importante ay ang ngayon, gusto niyang sulitin ang oras na mag kasama silang dalawa. Hindi niya alam hanggang kailan ang ganitong set up nila.

Hinaplos niya ang mukha nito na nakaharap sa kanya. Tinitigan niya ng mariin ang magandang mukha nito. Ngumiti naman ito sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay na nakalapat sa mukha nito at dinala sa mga labi nito.

"Magaling ka palang kumanta." Nakangiting sabi niya dito.

Para itong batang nahihiya na tinawag ng teacher para pa kantahin sa harap ng mga kaklase.

"Bolerang girlfriend." Natatawang sabi nito

"Totoo love maganda boses mo. Pwede ka nga mag artista eh may looks kana may talent pa. Aba e kabog mo nga si Daniel Padilla kung papogian at kung sa talent lang ang labanan."

Hinapit siya nito sa bewang at sumandal naman siya dito habang magkatabi sila ng upo.

Iniabot nito sa kanya ang microphone. "Ikaw naman love kantahan mo ako. Gusto ko marinig yung kanta mo para sakin."

"Hindi ako singer noh."

"Sige na bes kantahan mo na si Althea ipakita mo ang babae power natin. Go bes kaya mo yan." Pag che cheer pa ni Sally sa kanya.

Nahihiya siya, hindi naman kasi ganun ka ganda ang boses niya tulad ng kay Althea.

Naramdaman niyang pinisil nito ang kanyang kamay at bahagyang nakangiti pa. "Sige na love kantahan mo na ako." Nag puppy eyes pa ito na bahagya niyang ikinatawa.

Kinuha niya ang song book at nag salang ng kanta. Pinisil niya ang ilong ni Althea dahil panay pa cute ito sa harapan niya.

Maya maya pa ay puma ilanlang na ang kanta. Imbes na tumingin sa harap ng tv para tingnan ang lyrics, pinagsalikop niya ang kanilang kamay habang nakaharap siya kay Althea at seryusong tinitigan ito sa mata kasabay ng pag bigkas ng mga letra.

🎶I swear to you.
I will always be there for you
There's nothin' I won't do
I promise you
All my life I will live for you
We will make it through
Forever we will be
Together you and me
Oh when I hold you,
nothing can compare
For all of my life you know I always be
Right there🎶🎶🎶

The more I get to know you
The more I really care
For all of my life you know I always be
Right there🎶🎶🎶🎶

Matapos ang kanta ay naramdaman niya ang bahagyang pag pahid nito sa kanyang pisngi dahil sa kumawalang mga luha. Naibuhos niya pala sa kanta ang nararamdaman niya para dito. At sana kahit anong dumating na unos sa relasyon nila ay makayanan nila. Bahagya siyang yumakap dito at pagkatapos ay ipinampunas niya sa kanyang mukha ang laylayan ng tshrt ni Althea.

Nagpalakpakan naman ang mga kasama niya at inulan sila ng tukso ni Althea. Kinuha ni Sally ang mic sa kanya saka nag agawan ang tatlo sina Wela, Sally at Batchi sa pag kanta.

Iniyakap niya ang mga bisig sa may leeg ni Althea at ibinaon ng bahagya ang mukha sa leeg nito.

"Love wag na kaya tayong bumalik ng manila. Dito na lang tayo." Malambing na sambit niya kay Althea

Napakunot noo naman ito at bahagyang inilayo ang katawan upang mabisitahan ang kanyang mukha kung nag bibiro ba siya.

"May problema ba Jade?"

Gugma (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon