Matapos ang ilang araw na pag a apply ay nakapasok naman siya sa call center. Hindi na sila ganun kadalas mag pang abot sa bahay ni Althea dahil graveyard shift siya. Wala parin namang pasidlan ang saya niya basta kasama niya lang ito. Pag araw naman ng sabado at linggo ay wala siyang pasok at binibigay naman ni Althea ang dalawang araw na yun para mag karon sila ng time sa isat isa. Hi di rin maiwasan na magkaruon sila ng kunting tampohan minsan, pero hindi naman nila pinag papa bukas ito. Madalas ito ang sumusuyo sa kanya kabit siya ang mali, naka imbak pa nga ang tig iisang tangkay ng puting rosas na binibigay nito sa kanya pag kunwari ay nag tatampo siya.
"Love yung cellphone mo kanina pa nag va vibrate." Tawag pansin ni Althea sa kanya habang nag luluto sa kusina. Siya naman ay nag sasampay ng mga nilabhan kaninang hapon ni Althea. Ito rin ang ma tyagang nag luluto ng pambaon niya sa trabaho. Kaya mas lalo siyang napapamahal dito dahil sa simple pero masarap na pagkain na inihahanda nito sa pang araw araw.
Nag punas siya ng kamay saka tiningnan kung sino ang nag txt oh tumawag man sa kanya. May dalawang missed calls at isang txt message galing sa hindi kilalang numero. Napakunot noo naman siya ng mabasa ito, umupo siya sa pinaka malapit na upoan saka bahagyang hinilot hilot ang kanyang sintido.
"Jade anak umuwi kana."
Ni minsan ay hindi naman siya nakuhang tawaging anak ng kanyang daddy. Tanging ang tatay lang ni Althea ang tumatawag sa kanya ng anak. Bigla niyang na miss ang kanyang ama, kahit ganuon ito ay di naman ma e tatwa na kahit papaano ay naging good provider din naman ito sa kanila. Kahit hindi ka lapit ang loob nila sa isat isa ay ama niya parin ito at hindi parin niya ito kayang matiis. Pero mahal niya si Althea, mahal din niya ang kanyang ama. Parehong matimbang sa kanya ang dalawa pero sa ngayon kailangan niya munang sundin ang kanyang puso at yun ay ang manatili sa piling ni Althea. Darating din ang time na uuwi din siya sa kanyang ama pag natanggap na nito si Althea at pag maayos na nila ang kanilang buhay.
"Jade sino yung tumawag sayo?" Nakalapit na pala ito at naka yakap sa kanyang likuran si Althea.
"Si Sally gusto makipag kita one of these days love." Nag aalangang sagot niya dito
"Sama mo na lang siya bukas love."
Oo nga pala nakalimutan niyang may outing nga pala sila bukas. Nag yaya itong mag swimming sa batangas para naman daw masulit nila ang tag init. Kasama din si Batchi at si Wela. Hindi naman siya maka tanggi dahil si Wela ang may ari ng van na gagamitin nila. Maybe she can ask Sally na mag dala na lang ito ng sasakyan para duon na lang sila ni Althea.
"Tanungin ko kung libre siya bukas love para duon na lang tayo maki angkas kay Sally kesa makipag siksikan kina Wela."
"Jade ano kaba naman, nag magandang loob na nga yung tao. Saka nakakahiya din sa kaibigan mo noh ipag da drive pa tayo e ang layo layo ng batanggas sa manila."
Oo nga baka hindi pa ito sumama kung mag dadala pa ito ng sasakyan. Tamad panaman yun mag drive.
+++++++
Kinabukasan ay maaga silang nag handa alas kwatro pa lang ay dumating na si Sally. Mas mainam kasi maaga silang bumyahe para hindi ma ipit sa traffic. Nag hire din si Wela ng driver kaya naman nagkaruin ito ng chance na tabihan ang girlfriend niya. Sina Batchi, tatau at Shena ay nasa likod ng driver side. Sila namang tatlo ni Wela, Althea at siya ang nasa likod. Napagitnaan nila si Althea ayaw niya sanang tumabi ito sa kanila pero sino ba siya eh kay Wela itong sasakyan. Kaya shut up na lang siya. Inaayos na lang niya ang upo ni Althea para hindi ito sumagi kahit braso lang kay Wela. Ganun talaga siya ka selfish pag sakanya, dapat sa kanya lang.
Matapos ang ilang oras ay narating din nila ang Aquatico Exclusive beach resort. Sinagot na ni Sally ang kanilang overnight stay sa nasabing lugar. Nag abot pa si Althea ng pera dito para makihati pero tinanggihan ito ni Sally. She know Sally very well na kahit matapobre ito ay galanti naman ito sa mga kaibigan.