Masaya siyang nagka ayos na sila ni Althea. At mas masaya siya dahil simula ng dumating ito sa buhay niya, marami siyang natutunan sa buhay na hindi naman pala lahat ay material na bagay ang nakakapag pasaya sa isang tao. Marahil sumasaya tayo sa panandalian sa material. Pero iba parin ang hatid sa puso natin ang isipin na sa bawat araw ay may kasama tayong tao na karamay natin sa hirap at ginhawa. Kung naging lalaki lang sana ito baka matagal na niya itong pinakasalan wala na siyang mahihiling dito. Sa kabila ng kahirapan nito ay nakukuha siyang pasiyahin kahit sa maliliit na bagay na alam nito. Halos araw araw siyang ma tyagang binibigyan ng love letter nito. Alam niyang ka kornihan pero sa tuwing binabasa niya bawat sulat nito ay para siyang ipis na di mapakali. Ani pa nito ang pag susulat nito ng liham para sa kanya ay ginagawa nitong practice para mahasa sa pag susulat. Mas pansin niya kasing masyado itong tutok sa pag babasa. Nagugulat na lang siya sa mga libro na binabasa nito. Tinanong niya kung saan nito nakuha ang mga naturang mga libro. Hiningi lang daw niya sa junk shop. Kaya pala nakakagulat minsan pag nag salita ito na mas marami pang alam kesa sakanya. Pumapasok na din ito sa elementarya dahil gusto niyang maranasan nito formal school sytem, sapilitan pa ang unang pasok nito sa paaralan dahil nahihiya nga daw ito dahil ito lang ang pinaka matanda sa kanilang klase. At bilang girlfriend ay siya naman ang nagpapalakas ng loob dito para pumasok. Pero wala din siyang nagawa dahil nang pangalawang linggo ay umayaw na ito.
Binu bully daw siya ng mga ito kahit ito pa ang nangunguna sa klase. Kaya kinailangan niyang kausapin ang teacher nito para tanggapin uli ito sa klase."Miss Tanchingco I will tell you frankly about Althea's condition. Ang taong dyslexic miss Tanchinco mga tulad ni Althea they have a high IQ scores usually they are gifted at napapansin ko yun kay Althea. Wala namang ginawa yan kundi matulog sa klase. In her case miss Tanchingco di maiwasang hindi siya ma bully dahil sa kanyang edad at alam mo ng mga kabataan ngayon. Kaya mas mainam na e enroll niyo na lang siya sa ibang school."
"Then it's your responsibilities to scold your students who bullied my girlfriend ma'am."
"Wag mo naman akong pangunahan miss Tanchingco. Alam ko at ginagawa ko ang tungkulin ko bilang guro."
"Pero hindi naman ho ata tamang e reject niyo si Althea sa school. Nakausap ko naman ang girlfriend ko, willing naman siyang pumasok basta lang pag sabihan niyo ang ibang kaklase niya na huwag namang mam bully."
"Kakausapin ko ang principal ng eskwelahan miss Tanchingco."
Napasimangot naman siya dito. Di naman ata dahil dun lang ang dahilan kung bakit ayaw na tanggapin si Althea. At kung bakit ayaw na din pumasok ni Althea.
Kaya matapos ang pag uusap nila ng teacher nito ay minabuti niyang dumeritso sa bahay ni Althea.
+++++++++++
Nag mano siya tatay nito at hinanap si Althea. Inginuso naman nito na nasa papag nag papahinga. Kaya minabuti niyang umakyat at kausapin ito. Nakita niyang naka dapa ito at may hawak hawak na libro na literature.
Seriously literature?
Kinuha niya ang libro na hawak nito at marahang humiga sa tabi nito at tiningnan ang mukha nito na nakaharap sa kanya. Kahit mag damag niya itong titigan ay hindi siya mag sasawa. Mula sa kilay nito na kurting kurti kahit hindi na mag eyeliner. Ang mata nitong bilogan na nawawala pag ngumingiti. Ang ilong nito na perpekto ang tangos. Ang labi nito na parang palaging nag aanyaya ng kamunduhan.
Hinagkan niya ito sa labi para magising. Bahagya itong humiwalay sa kanya. Parang na alimpungatan at tiningnan pa siya ng mariin saka ito na ang humalik sakanya pa balik.
Naramdaman niyang nag lilikot nanaman ang kamay nito sa pambaba niya kaya marahang inilayo niya ang katawan dito saka hinarap sa totoong pakay niya dito.