Matapos ang tanghalian ay kanya kanya ng trabaho ang kanyang team. Siya naman ay inihanda ang kanyang gagamitin na camera. Sinipat niya si Althea kung saan ay naka upo at naka suot ng roba habang nilalagyan ng kulorete ang mukha. Naka pikit lang ito at walang pakialam kung ano ang pinag lalagay sa mukha nito.
Itinuon niya dito ang lente ng kamera saka panakaw na kumuha ng iilang anggulo dito.
"Psssst hoy, akala ko ba hindi mo type?"
Napa igtad siya at napalingun sa taong kumalabit sa kanyang gilid. Napasimangot naman siya dito, dahil huling huli siya nito na panakaw na kumukuha ng litrato kay Althea. Siya lang kasi sa kanilang team ang ayaw umamin na may crush din kay Althea. Kanya kanyang post ang mga ito sa instagram at facebook ng mga kuha ng mga to na panakaw. Nakita pa niyang nag viral ang inupload na video ng pagkanta ni Althea ka gabi at kaninang umaga nga ay halos mag isang million na ang views nito. Hindi na siya mag tataka kung magdagsaan ang offers nito sa music industry pag balik nito sa manila. Di hamak naman kasi na mas may ibubuga naman ito sa pagkanta kesa sa ibang artista na nag li lipsync lang.
"Tinry ko lang kunan dun dahil maganda ang view banda." Pag papalusot pa niya
"Yung view oh yung model?" Mapanuksong sabi nito.
"Mag trabaho ka na nga." Pag tataboy niya dito. Ano pa kaya pag malaman ng mga ito na naging ex niya si Althea. Malamang uulanin siya ng katanungan ng mga ito. Naiiling na lang siya.
Lumapit siya sa make up artist ni Althea at bahagyang sininyasan na takpan ang ng make up ang pisngi nito na may pasa. Mukhang nakatulog nga ang dalaga dahil nakapikit parin ito na nakasandig sa upuan. Marahil ay napuyat ito sa pag aalaga sa kanya ng nakaraang gabi. Alam niyang ito ang nag ligtas sa kanya nuong malunod siya dahil hindi niya maipag kakaila ang unang beses na lumapat ang labi nito sa labi niya. Nakahiyaan na niyang mag pasalamat dito ng magising dahil hindi na niya alam pano ito lalapitan na hindi sila nag babangayan.
Sinipat niya ang pambisig na relo dahil mag sisimula na sila, tiningnan niya si Althea na parang anghel na natutulog gusto niyang haplusin ang pisngi nito na alam niyang may pasa dahil sa ginawa ni Jerome dito. Buti na lang at na takpan ng concealer at make up. Mahimbing parin ang tulog nito parang gusto niya tuloy gisingin ito sa pamamagitan ng kanyang labi.
Really Jade? Nahihibang kana naman sa kanya. Kastigo niya sa sarili, naiiling na lang siya sa naisip. Tinutok niya ng malapitan sa mukha nito ang lente ng camera at kinunan ito ng mabilis bago niya tinapik sa braso para gisingin ito.
Bahagya itong nagising at akmang kukusutin sana nito ang mata nito na tulad ng bagong gising. Ngunit naging maagap ang kamay niya para pigilan ang kamay nito sa pag kusot sa mata nito.
"What?!" Paangil na tanong nito ng pigilan niya ang kamay nito.
"Wag mong tangkain kusutin ang mata mo kung ayaw mong masira ang make up mo." Mariing sabi niya dito.
"Fine! Ano matagal pa ba yan? Bakit antagal niyo magsi kilos tatamad tamad." Pabalang na sabi nito. Saka bumaba ang tingin nito sa kamay niya na nakahawak pa pala sa kamay nito. Kaya bigla siyang napabitaw dito na parang na kuryente.
"Magsi kilos kayo mga punyeta tatamad tamad daw. E sino kaya ang tutulog tulog diyan sa upoan."
Narinig niyang turan ni Jessa na isa sa photo editor nila. Kaya tinaasan niya ng kilay si Althea at hinawakan ito sa braso at bahagyang pinisil.
"Yan ba ang nakuha mo sa amerika ha Althea?" Mahinang bulong niya dito para hindi marinig ng mga kasama niya.
"Bakit Jade? Ikaw ba, yan din ba ang natutunan mo sa amerika ang magpaasa?"