Numbness.
Nanginginig ang kamay ko habang pinipindot ang aking cellphone. Hanggang sa itutok ko iyon sa aking tenga ay hindi pa din mabawas bawasan ang kabang nararamdaman ko habang hinihintay na ang taong sasagot mula sa kabilang linya.
"Hello." I smiled sadly upon hearing her broken voice. I know mommy. It's been a while. And I am sorry. "Yra anak. Alam kong ikaw iyan. Kamusta ka na?" I silently sob upon hearing her loud cry. "Your dad is stable now. You're always welcome to visit him, anak. Don't ever blame y....." Hindi pa man niya natatapos ang sasabihin ay pinutol ko na iyon.
"I missed you mommy. You and dad. I missed you both. Say hi to daddy, mommy. I'll come home once our thesis is done. Pasensya na po at busy lang sa schoolworks." Palusot ko. But knowing mom? I know she wasn't conviced with whatever excuses I make.
"You don't have to hide your scars on me, Yra. I am your mom. You can lean on me. Huwag mong kimkimin lahat anak. I missed you so much too. Kung pwede lang bisitahin ka namin ng daddy mo. But knowing how stubborn you are, hindi ka magpapakita." Malungkot niyang pahayag sa akin.
A sound coming from the gate of the house made me looked outside while still talking to my mother. Kumunot ang noo ko at napatingin sa aking relong pambisig. It's past ten in the evening, bakit ngayon lang siya? And he looks wasted.
"Mom. I need to hang this up. Mukhang lasing ho ang kasama ko." Napakagat ako ng labi. I heard her deep sigh. She knew who I was talking about.
"Take care of him, anak. He's as broken as you." Napasimangot ako sa sinabi ng ina ko. After all the things that guy had caused me. Hindi ko pa din maintindihan kung bakit hindi man lang nagalit ang mga magulang ko sa kanya.
"You know what I want mommy. And definitely, taking care of him was not on my list. Bye mom. I love you." Hindi ko na siya nagawang hintayin dahil baka masermonan pa ako. Pinakalma ko muna ang sarili bago ko ibinulsa ang phone ko. Pinakatitigan ko siya hanggang sa mapansin niya na ang presensya ko. Nag angat siya ng tingin at napamaang ang labi niya na parang isa akong multo sa harapan niya.
"I won't ask why you're drunk. It seems like you enjoyed partying anyway. Suit yourself. Goodnight." Pagkasabi ko iyon ay tinalikuran ko na siya pero hindi pa man ako nakakarating sa hagdanan ay sumigaw na siya na para bang nagwawalang baliw.
"Bring me back my Sabirah! Bring her back to me. I beg you. Bumalik ka na." Sukong suko siyang napaluhod sa sahig. And all I did was stare him expressionless. Yumuko siya at nagpunas ng sariling luha. "It wasn't my intention to cheat. Mas lalong ayaw kong may madamay na tao sa kasalanan ko. I never wanted to deceive you, baby. Ilang sorry pa ba ang kailangan ko para mapatawad mo ako? Kailangan ko din bang maaksidente? O.. O mamatay?" He looked up just so he can meet my eyes. Nanginig ang buong katawan ko sa huli niyang sinabi. I closed my fist, trying to control my anger but I failed to. Nagngitngit ako sa galit.
"Kulang pa ang kamatayan mo para maibalik ang taong nawala sa akin. And to think that I almost lost an important person in my life other than her is beyond forgiveness, PJ. And on the process of it, I lost myself too. Napaniwala mo akong ako lang. Pero hindi ka nakuntento, bumigay ka kay Aya at nakalimutan mong may taong naghihintay sa'yo sa pag uwi mo! I hate you to death. You can no longer bring the old Sabirah because you killed her the moment you killed my child. Intentionally or not. I lost her. I lost her, and it is all because you cheated." Matigas kong paalala bago siya tuluyang iniwan doon na bigo at punong puno nang pagsisisisi. Isinara ko ang pinto pagkarating ko sa kwarto. Napahawak ako sa aking dibdib. Hinihintay na sumuko ito. Na baka sakaling mapaiyak akong muli sa sobrang sakit. Hinintay kong may makapang awa o pagmamahal na natira para sa kanya pero wala. Wala akong nahintay. All I can feel now is numbness. Marahil ganoon nga siguro. Dumadating sa puntong kapag sobrang napagod at nasaktan, wala ka ng mararamdaman.
"Talk to me. Sigawan mo ako. Ilabas mo lahat ng sama ng loob mo. Lahat lahat. Makikinig ako. At kahit ibato mo lahat sa akin ng sisi. Sasaluhin ko lahat." Napakislot ako pagkarinig ng basag niyang boses mula sa labas ng aking pintuan. Napapikit ako ng mga mata habang nakikinig lamang sa pag iyak niya at pagmamakaawa. "Alam kong sobrang bigat pa din ng nararamdaman mo lalo na at inangkin mo at sinarili lahat ng sakit. Ibato mo sa akin lahat ng nararamdaman mo at ako na lang ang makakaramdam para matanggal lahat ng sama ng loob mo. Lahat ng sakit mo, sasaluhin ko. Parang awa mo na." Muli siyang humikbi. "Patawarin mo na ako. I'll be a good man, I promise." Humihikbi niyang litanya. "Baby, please. Kausapin mo ako." Muli niyang pakiusap.
"Matulog ka na, PJ. Maaga pa ang pasok mo bukas. Lasing ka pa." Mahinahon kong utos. He sobbed again like a child deprived of his parents' love. Napailing ako.
"Iyon ba ang gusto mo?." Mahina niyang bigkas. Hinintay ko ang pagsuko niya. Napabuga ako ng hangin pagkarinig nang papaalis niyang yabag.
Bakit ba ang hirap hanapin sa puso ko ang kapatawaran? But then by just remembering what happened years ago answered my question.
"Oh. Shit." Hingal na hingal niyang sabi sa bestfriend ko. Napahikbi ako habang nakikinig sa mga ungol nila. Napaatras ako at sa hindi inaasahan ay may natabil akong vase kaya nahulog iyon at nabasag. Napatingin ako doon bago sa kanilang direksyon. Nanlaki ang mga mata nila pagkakita sa akin.
"Yrah. It's not what you think it is." Agad niyang depensa at akmang tatayo na sana para ipaliwanag sa akin ng mas klaro pero pinigilan siya ni Aya at muli itong hinalikan. Hindi ko na nagawang hintayin pa ang paliwanag niya. Kusang may utak ang mga paa ko sa ginawang pagtakbo nito papalayo sa kanilang dalawa.
"What happened?" Nag aalala niyang tanong sa akin noong mabunggo ko siya sa may lobby.
"Daddy." Iyak kong banggit sa pangalan niya. Nag aalala niya akong dinaluhan at niyakap.
"What happened, darling?" Masuyo niyang tanong habang hinahaplos ang buhok ko. Hindi ko masabi sa kanya ang dahilan. Pinilit niya ako pero siya din ang sumuko. Isinakay niya ako sa kotse pagkarating namin sa parking area. He held my hand tightly as he drove. "I know something bad happened, but I will not force you to speak. I understand where you're coming from." May pang unawa niyang sabi bago ako masuyong nginitian. I smiled back. I didn't expect that it will be the longest time that I will ever see my dad's lovely smile.
Nabalik ako sa huwisyo. I closed my fist tightly, remembering the past made me rebellious and numb. I wanted to visit my parents, so bad. But everytime I do, binabalik ako ng mga paa ko sa sarili kong kalagyan. Ang mamuhay ng wala sila. Because a daughter like me, doesn't deserve them at all. Nang dahil sa akin, muntikan ng mawala si daddy kay mommy. Nang dahil din sa akin, muntik na akong mawalan ng ama.
BINABASA MO ANG
The Bad Boy (Completed)
General Fiction2ND GENERATION SERIES I For only one mistake, everything changed. And because she asked for it , he became a bad boy. #PHILIP JOAQUINE TEJARES & SABIRAH DE SILVA