FLASHBACK..
"What did you say?"
Matalim ang titig ni dad kay PJ noong aminin naming dalawa ang pagdadalang tao ko. Napakapit ako sa braso niya dahil sa takot sa kanya. Andito kami ngayon sa sala ng bahay namin. Napatalon ako sa gulat noong biglang tumayo si daddy at kwinelyuhan si PJ dahilan upang mapatayo ito. Napaigik kami ni mommy sa sobrang gulat lalo na noong suntukin niya si PJ. Agad na niyakap ni mommy si dad upang kalmahin samantalang ako ay napaupo sa sahig upang tulungang bumangon si PJ. Malalim ang paghinga ni daddy dahil sa sobrang galit.
"Putanginang hayop ka! Ipinagkatiwala ko sa iyo ang anak ko tapos bubuntusin mo ng pagka aga aga! Ni kaka eighteen lang ng anak ko! Wala pang masyadong alam sa mundo! Gago ka!"
Galit na galit at gigil na gigil pa si daddy habang isinisigaw niya iyon kay PJ. Nakayuko namang tinanggap lahat ni PJ ang mura ni daddy. Hindi pumatol. Itinuro turo siya ni daddy.
"Tang'na. Pakasalan mo ang anak ko agad agad bago pa lumaki ang tyan niyan!"
Dugtong niya pa. Nanlaki ang mga mata ko sa narinig mula sa bibig ni daddy. Namawis ang kamay ko sa sobrang kaba. Napatingin ako kay PJ na ngayon ay nakatitig sa akin, tila ba binabasa ang nasa isipan ko at naghihintay ng utos ko upang umamin kami.
"Wayne. Stop it. You're forcing them. Ikakasal naman na talaga sila in few months. Bakit di na lang natin hintayin?"
Mahinahong sabad ni mommy habang hinahalikan ang batok ni daddy upang pakalmahin ito.
"Baby, I am at the verge of my anger and here you are seducing me?"
Kunwari ay galit ni daddy. Sumimangot lang si mommy bago binitawan na si daddy.
"You wished! Kung ayaw mong kumalma, bahala ka!"
Singhal ni mommy. Napatanga si daddy sa kanya.
"Inaaway mo ako? Diba dapat kakampi kita kasi etong, etong lalakeng ito, binuntis ang anak natin?"
Pabebeng sabi niya pa. Inirapan siya ni mommy.
"Ang dami mong alam, hay nako Wayne, ganyan na ang mga kabataan ngayon, marurupok."
Napatingin pa si mommy sa kuko niya noong sinasabi iyon. Napanganga kaming tatlo sa sinabi niya.
"What the fuck?" Are you telling me, you're allowing this bastard in your daughter's life without marrying her first??"
Nanlaki ang mga mata namin noong magmura si dad. Agad na natampal ni mommy ang bunganga nito at akmang magsasalita sana si mommy pero ginulantang kami ni PJ noong magsalita siya.
"Kasal na po kami. Asawa ko na ang anak ninyo."
Nakapikit pa niyang sabi. Napanganga kaming lahat sa kanya. Maya maya ay lumuhod na siya at nakayukong nagsasalita.
"I am in love with your daughter, ma'am, Sir."
Nakatulala akong nakatingin sa kanya. It is his first time calling my parents like that.
"Indecisive as it may looked, but nonetheless, I intend to own her. She is mine as I am to her. I am asking both for your forgiveness and blessings. Your forgiveness of not telling you about our sudden marriage and your blessings for our chosen path together. I cannot promise too much but to always love and ensure to prioritize her happiness first before anything else. I have been keeping this love for a long time dahil sa takot na madisappoint ko kayo, I respect you too much at ayokong masira ang tiwala ninyo sa akin, but I am only a man, who's in love to your daughter. Hindi ko po intensyong mabuntis siya pero hindi ko naman po ipagkakailang masaya ako na nabuntis si Yrah dahil sino ang niloloko ko? Because right now, I am too happy that I got her pregnant. I am sorry sir, ma'am for disappointing you but I am not sorry that I married her kahit na wala ang basbas ninyo. Mahal na mahal ko po ang anak ninyo."
BINABASA MO ANG
The Bad Boy (Completed)
General Fiction2ND GENERATION SERIES I For only one mistake, everything changed. And because she asked for it , he became a bad boy. #PHILIP JOAQUINE TEJARES & SABIRAH DE SILVA