Choice.
"Ano ba yan. Talagang yung kasal ko lang ang ipinunta mo dito sa Pinas no? Ni hindi ka man lang ba talaga magtatagal? Like, hintayin mong makabalik kami ni Jeth from our honeymoon, para naman makapag bonding muna tayo?"
Tampung tampong saad ni Axia sa akin. Ngumisi ako sa kanya bago sumagot.
"You'll be spending a month of honeymoon in Europe, alangan namang hintayin kita dito ng isang buwan? Seryoso ka?"
Natatawang saad ko sa kanya. Inirapan naman niya ako.
"Pwede yun! You can stay on your parents' house anyway. I'm sure matutuwa sina tito at tita kung magtatagal ka pa. And you can actually spend more time with them!"
Giit niya pa! Napailing naman ako pero may ngiti sa labi.
"Mom and dad will be just fine with or without me. I want them to spend more time alone together since my father just got back from you know."
Napalunok ako sa huli. Still, I can't name it. Damn it!
"Hey. Stop blaming yourself. Hanggang ngayon pa din ba?"
Bigla ay nag aalala niyang tanong sa akin. Ngumiti ako sa kanya at umiling.
"No. I'm fine now. I just can't voice it out."
Nag iwas ako ng tingin. Nakakaintindi naman siyang tumango. Pinilit kong ngumiti upang itago ang pait na nararamdaman.
"Anyway, I really need to go. I will miss you."
Pag iba ko na ng usapan. Malungkot naman siyang ngumiti bago ako niyakap.
*
"Ma'am, sorry po pero wala po yung apelyido mo sa system namin."
Kumunot ang noo ko sa narinig.
"How come na wala? Naka alis ako sa US, na yun ang gamit ko. And I booked a roundtrip ticket!"
Seryoso kong sagot. Nag iwas ito ng tingin.
"Let me then, just double check ma'am."
Medyo nataranta pa niyang sabi. Tumango na lamang ako. I saw her typing. Bagot akong naghintay.
"I really apologize ma'am; but I saw in our system that your flight has been cancelled."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
"What? How did that happen?! I need to talk to a higher management."
Mukhang kalmado pero nag aalburuto na sa galit kong sabi. Mukha namang nataranta ang babae sa nakitang ekspresyon ng mukha ko. Agad siyang nag dial sa telepono. Ilang ring pa lang ay may sumagot na doon. Nag usap pa sila ng ilang minuto bago ibinaba ang tawag.
"Thank you for waiting ma'am. Our manager will come in a short while."
Propesyunal naman niyang imporma sa akin. Kumunot ang noo ko.
"Is it not supposed to be, I'll be sent in an office or somewhere private? Dito talaga?"
Sarcastic kong sagot. Napalunok naman siya. Bago pilit na napangiti.
"Sabi po kasi he'll tell our manager to just go downstair po. Tinawagan ko po ang manager namin pero ang mismong boss po namin ang nakasagot."
Nahihiyang sabi niya. Hindi naman na ako umimik pa. Kunot noo lang akong naghintay.
"Sir!"
Bigla ay mukhang nagulat pa ang mukha ng kanina ay natataranta lang na empleyado. Marahil hindi ineexpect yung boss nila ang mismong bababa. Kunot noo akong tumingin sa likuran ko na agad kong pinagsisihan. Nanlaki ang mga mata ko noong magtama ang tingin naming dalawa.
BINABASA MO ANG
The Bad Boy (Completed)
General Fiction2ND GENERATION SERIES I For only one mistake, everything changed. And because she asked for it , he became a bad boy. #PHILIP JOAQUINE TEJARES & SABIRAH DE SILVA