24

2.3K 53 2
                                    

FLASHBACK..

I stared blankly at the two lines in front of me. I blinked several times because  I still cannot absorb what I am seeing. I am pregnant. Mariin kong naipikit ang aking mga mata. This can't be. Am I ready to become a mother? Are we ready for this huge responsibility? We should have been careful when we did that. Hindi dapat kami nagpadalos dalos. Now I don't know how am I gonna tell this to my parents and to him. Will they be happy? Is he going to accept the baby growing inside me?


"Baby? Are you okay?"

Isang mahinang katok ang nagpabalik sa akin sa kasalukuyan mula sa mahabang pagmumuni. Napamulat ako ng mga mata at nanginginig ang mga kamay na kinuha ang pregnancy kit sa may lababo. Mabilis ko iyong ibinalik sa kahon nito at ibinulsa. Inayos ko ang sarili bago nagpasyang buksan ang pintuan.

"What took you so long? Akala ko may nangyari ng masama sa'yo sa loob. Hinahanap ka na nina mommy. Kakain na daw."

Nag aalala niyang sabi sa akin. Tipid akong ngumiti sa kanya bago nagsalita.



"Ayos lang ako. Dito ka ba magdidinner sa amin ngayon?"

Kalmado kong tanong kahit sa loob loob ko ay kinakabahan na ako dahil baka may mahalata siyang mali sa akin. Takang taka ang paraan ng pagtitig niya pero hindi na siya nagtanong pa. Tumango lamang siya at sinagot ang tanong ko.

"Yap. I will have dinner here. And also dito ako matutulog. Nakapagpaalam na din ako sa kanila. Miss na miss na kaya kita. Ilang araw ng hindi kita katabi."

Nakanguso niyang sabi sabay lapit sa akin upang mahalikan sa labi. He kissed me passionately that I almost lost my control again. Hindi ko maintindihan ang nangyayari sa tuwing hinahawakan niya ako ay tila ako sinisilaban. Simula noong may mangyari sa amin almost a month ago ay kusang bumibigay ang katawan ko sa simpleng paghawak niya sa akin.

"Fuck. I want you right now, but I can't touch you, baka magtaka sila kung bakit ang tagal natin dito sa kwarto mo."

Hirap niyang sabi sa akin bago humiwalay at akayin na ako palabas ng kwarto. Tulala akong nagpatangay sa kanya.

"What took you so long to go down?"

Tila imbestigador si dad noong itanong niya sa amin iyon. Isiniksik naman ni PJ ang kanyang mukha sa leeg ko habang pigil ang sariling humalakhak sa tanong daddy. Sinamaan ng tingin ni dad si PJ. Tinabig ko siya upang ilayo ang mukha sa leeg ko. Sumunod naman ang mokong! Umingos siya sabay akbay sa akin.


"Ang tagal niya po kasing nasa banyo dad! Tumae ata!"

Sagot ni PJ. Pinanlakihan ko ng mga mata si PJ pero ang damuho, kay daddy at mommy nakatingin! Nasanay na ang mga magulang ko sa pagtawag ni PJ ng daddy at mommy sa kanila. Noong una ay umaayaw at binubulyawan siya ni daddy pero kalaunan ay mukhang wala na lamang ito sa kanya. Hindi din sila aware na totoong ikinasal na kaming dalawa sa huwes. He is too eager to tell though but I was the one who told him not to tell to anyone for now.


"Hoy. Anong tumae, pinagsasabi mo?!"

Pinanlakihan ko siya ng mga mata.

"Joke joke lang baby! I love you. Tara, upo na tayo, hindi daw magandang pinaghihintay ang pagkain."

Pag iiba niya ng usapan sa huli na siyang ikinatawa ni mommy. Napapailing na lamang si daddy sa kanya. Naging maayos naman ang dinner namin.

"Dad, mom, dito daw matutulog si PJ."

Simula ko ng bagong usapan noong nasa kalagitnaan na kami.

The Bad Boy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon