Prologue

9.6K 125 1
                                    

#1 PHILIP JOAQUINE TEJARES.

"Andyan na siya." Napaangat ako ng tingin noong marinig ko ang tilian ng mga babae sa bandang pintuan ng classroom. Napabuga ako ng hangin noong pumasok na siya at magtama agad ang mga mata namin. Napailing iling na lamang ako bago nag iwas ng tingin at ipinagpatuloy ang pagbabasa ng librong hawak ko.

"PJ, dito ka sa tabi ko." Malanding utos sa kanya ni Trixia, kasalukuyang girlfriend niya. Flavor of the month niya. Kumbaga. Nagsalubong ang mga kilay ko habang naiisip iyon. Dumiin ang pagkakahawak ko sa libro.

"I don't want to sit beside you. Break na tayo." Napasinghap ang mga tao sa paligid. Ako naman ay nahinto sa ginagawa. Nag angat ako ng tingin sa direksyon nila at muli ay nagtama nanaman ang mga mata namin. Napakunot noo ako sa kanya at umiling iling. Tsss. Ano pa ba ang bago sa isang Philip Joaquine Tejares? Napatingin ako kay Trixia. Tulala lamang siya at nakabukas ang kanyang bibig. Marahil nagulat ito sa sinabi ni PJ. Oh oh. Did I hear it right? PJ just dumped Trixia Santos? Hah. Big news!

"How dare you?" Hindi makapaniwalang bulyaw ni Trixia kay PJ noong mahimasmasan na siya. "You're dumping me? I am the captain of the cheerleading team, you should think twice. Men will definitely die to take your place!" Gigil na gigil niyang sabi. Mahina akong napatawa pero hindi ko inaasahang maririnig pala nila iyon. Napatingin silang lahat sa akin. Napatiim ako ng labi. Mukhang mapapaaway ako nito! "What are you laughing at De Silva?! De Silva?. Tss. I am not a De Silva, sweetie. Not by last name. But let's play your game.

"You." Mabilis na sagot ko bago bagot na itinuon ang mga mata sa libro at kunwari ay nagbabasa. "You're desperate, pathetic, air headed biatch, Trixia." Dagdag ko pero sa libro ako nakatuon. Muling napasinghap ang mga tao sa paligid.

"Excuse me?!" Matinis na boses niyang saad. Mukhang mag aalburoto na siya sa sobrang galit. Nag angat ako ng tingin. Sinulyapan ko saglit si PJ. Nakaangat ang sulok ng labi niya. He's enjoying this. I know. Asshole! Inirapan ko siya. This would be the last time that I'm gonna save your dirt, Tejares.

"It seemed that you're just his flavor of the month. Just a little reminder missy. Today is October 30. And tada. He broke up with you. Bukas iba nanaman ang girlfriend niya. So accept it and move on." Ngisi ko sa kanya. Napatingin ako sa kuko ko at tila bagot na tinitignan iyon. "And isa pa, this is a nursing department. Ano ang gagawin dito ng isang engineering student? Kaklase ba natin siya sa subject na ito para makiupo sa tabi mo? Hindi diba?" Taas kilay kong dugtong. Gigil na gigil si Trixia habang nakatingin sa akin noong iangat ko ang aking paningin sa kanila. Tahimik lamang ang mga tao sa paligid. Mukhang naghihintay lang sa susunod na eksena. Of course, I would no longer let that happen again.

"Bakit ka ba palaging nakikialam tuwing may ibrebreak si PJ?! Ano ka ba niya ha?!" I smirked when I heard what she'd said. Napailing iling ako sa kanya.

"Honestly speaking, honey. I don't care about Tejares. Masyado lang akong naiingayan kapag nasa paligid siya. And I am just saving you, or any other girls, from a painful break up. You know how Tejares' play. He plays dirty and not fair. He will only break your heart, which I think is happening now. Trixia, ikaw na din ang nagsabing captain ka ng cheerleading team. So I am perfectly aware na may sportsmanship ka. Hindi ba?" Taas kilay kong sagot. Bigla naman siyang natameme. Bulls eye! Napatingin ako kay PJ at madilim na tinitigan siya. I just saved your ass again!

"You are right, De Silva." Pagsuko bigla ni Trixia. Napataas naman ng mga kamay si PJ. Parang biglang nagpasalamat sa Diyos dahil nabawasan nanaman ang babaeng magkakandarapa at hahabol sa kanya. "But before anything else. I just want to do this." Dugtong niya bago sinampal ng malakas si PJ. Napangisi ako pagkakita sa ginawa niya. Nagsinghapan muli ang mga tao.

"Fuck!" Mura ni PJ at matalim na tinitigan si Trixia. Tumingin siya sa akin na para bang nanghihingi ng tulong. Inirapan ko siya at hindi na muling umimik pa. "Damn it!" Salita niyang muli bago padabog na umalis sa classroom. Napapailing na lamang ako sa kagaguhan niya. When will he ever stop womanizing? But then again, I remembered why he became one. Why he is messing his life. Tsss. Poor Tejares. You can no longer bring the past back, no matter how much you break yourself. Continue destroying your reputation. I don't give a damn.

"Sabirah." Napatingin ako kay Trixia noong tawagin niya ang pangalan ko. "Thank you." Agad siyang nag iwas ng tingin noong magpasalamat siya sa akin. Napangiti na lamang ako at umiling iling. Tss. Nahiya pa.

*

"Thank you for cleaning my mess there." Nahinto ako sa paglalakad noong marinig ang malalim niyang boses. Huminga ako ng malalim bago malamig na tumingin sa likuran ko. Right behind me is no other than the playboy himself, Philip Joaquine Tejares.

"I didn't save you. I saved the girl. Stop assuming." Irap ko. Tumalikod ako sa kanya at nagpatuloy na sa paglalakad pero mabilis niya akong naharangan. Napatingin tingin ako sa paligid. Tsaka lamang ako napatingin ulit sa kanya noong marinig ang hirap niyang pagbuntunghininga, na parang mabigat na mabigat ang loob niya. Kinunutan ko siya ng noo.

"Walang ibang tao. Walang makakakitang nag uusap tayo. Just.." Bumuntunghininga ulit siya. "Just give me five minutes to be with you. Let me talk to you without arguments, please?" Tila nanghihingi siya ng permiso sa akin. Na pumayag ako sa gusto niya pero ayoko.

"Is there anything to talk about? Wala naman diba? So my answer is no. I'll go home now." Malamig kong paalam pero bago ko pa man magawang kumawala sa presensya niya ay agad na niyang nahablot ang braso ko. Nanlamig ako sa paghawak niya habang siya naman ay tila napaso dahil agad niyang inalis iyon sa takot na baka magalit ako.

"I'm sorry. I'm sorry." Paulit ulit niyang salita. Hindi na ako magtataka. His bloodshot eyes made me numb instead of pitying him.

"Don't ever lay your dirty hands on me. You wouldn't want to see me pack, right?" Makahulugan kong salita. Yumuko lamang siya at tumango. "Good. I'll go now." I said dismissing myself.

"What can I do to change your mind? Tell me. I'd risk everything." Mahihimigan ang pagmamakaawa niya base sa klase ng pananalita niya. I closed my fist before leaving the words that will definitely cut him off.

"Nothing. There's no way, I'm gonna let myself live in hell ever again. Just continue with your life without me. I don't give a damn care about you, anyway." Harsh iyon pero sanay na siya sa mga salitang binibitawan ko. I wonder why is he still holding on to something. He is aware, there will be no chance of winning.

Created: October 14, 2016

This is a work fiction. Any resemblance to the names, places, events, etc. used is entirely coincidence. Any form of copying without the author's permission is considered a crime.

THEBADBOY Copyright © 2016 by sweetsag

All Rights Reserved.

The Bad Boy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon