Thank you for reading. This is the last one. Till next time.
"Jusko kang bata ka. Joaquine! Huwag matigas ang ulo! Kailangan nating lumipat dahil mas malapit iyon sa kumpanya ng daddy mo, okay?!"
Napasimangot ako sa narinig mula kay mommy. Isiniksik ko lalo ang sarili sa gilid ng kama ko sabay maktol at sagot sa kanya.
"Ayoko, 'my! Andito ang mga kaibigan ko eh! Sino magiging ka-play ko doon!"
Mangiyak ngiyak kong sabi. Dinig ko ang nahihirapang pagbuntunghininga ng aking ina sa matinding pagkairita sa akin.
"Madami doong bata! Makakakilala ka din doon ng bago mong friends. Kaya magbihis ka na kasi kung hindi, iiwan ka na talaga namin dito. Bahala ka mamuhay mag-isa!"
Pananakot ni mommy. I remember, I was five years old when we moved. Wala akong nagawa kung hindi pabalyang sumama. I was on my baddest mood at that time because I didn't really want to move house. I made friends in our old town. And transferring from another place could only mean, needing to adjust again! And I don't want to adjust! Ilang araw akong nagmukmok lamang sa bago naming nilipatang bahay.
"You don't want to go outside and play with them? Madaming bata sa labas ngayon anak. Naglalaro sila."
Minsan ay pumasok si mommy sa kwarto ko. Natigil ako sa paglalaro pero hindi ko pa din siya kinausap. Malalim siyang napabuntunghininga bago umupo sa kama malapit sa kinauupuan ko.
"I know it is hard for you. You miss your friends and I understand that. But you also need to understand that it'll be more accessible for your dad kasi mas malapit na tayo sa kumpanya. You are still young, anak. Madami ka pang makikilalang friends mo. Why don't you try making friends from now on?"
Pamimilit sa akin ni mommy pero hindi pa din ako nagsalita hanggang sa mapagod na lamang siya. Umalis siya pagkatapos. Napabusangot ako dahil sa boredom noong maiwang mag-isa. Sa inaraw araw na pagkukulong ko sa kwarto ay nanawa ako. Saktong umalis ang mga magulang ko isang araw, napagpasyahan kong lumabas ng bahay. Unang tumambad sa akin ang malawak na kalsada kung saan madaming bata nga ang naglalaro. Iba't ibang grupo marahil dahil bawat street ay magkakaibang grupo ang naninirahan. Narinig ko kay daddy na sa village namin ay mga kaibigan din niya ang kapit bahay namin. Sa ibang street ay magkakaibigan din pero ibang grupo. Nakakamangha nga dahil medyo kakaiba ang tema ng village na ito. Malawak at kakaiba.
Naglakad lakad ako habang nakamasid sa mga batang naglalaro. Sa sobrang pagkamangha ko sa iba't ibang grupo ng makakaibigang mga bata ay napadpad ako sa isang village na mas angat yata sa lahat. Tingin ko, sa street na ito nakatira ang may ari ng buong village. Mangha akong nakatingin sa mga kabahayan. Ang ganda!
"Hoy! Sino ka?"
Napatalon ako sa gulat noong biglang may magsalita mula sa kung saan kaya napatingin tingin ako sa paligid. Noong una ay wala akong makita hanggang sa may tumatawang bata na bumaba mula sa isang punong mangga.
"Para kang tanga kanina. Hindi mo talaga ako nakita?"
Tatawa tawa niyang sabi sa akin. Napakamot ako ng ulo. He chewed his bubble gum as he looked at me amusingly.
"Are you new here? But I am sure you are not from here, right?"
Bigla ay ingles naman na niya sa akin. Sinimangutan ko siya at akmang aalis na lang sana kasi ayaw kong makipag usap. Pero natigil ako noong batuhin ako ng bunga ng mangga. Kunot noo akong napatingin sa kanya at bwisit na aawayin na sana kung hindi lamang may tumawag sa kanyang babae. I didn't know what made me stucked at that moment, but that was the very first time, I ever heard her angelic voice.
BINABASA MO ANG
The Bad Boy (Completed)
General Fiction2ND GENERATION SERIES I For only one mistake, everything changed. And because she asked for it , he became a bad boy. #PHILIP JOAQUINE TEJARES & SABIRAH DE SILVA