FLASHBACK..
"Hiding from me?"
Halos mapatalon ako sa gulat noong biglang may nagsalita sa aking likuran. Mariin kong naipikit ang mga mata ko noong maunawaang si PJ iyon. Gigil ko siyang hinarap pero sobrang lapad ng ngiti niya habang nakatitig sa akin. May bakas pa ng ngisi sa kanyang labi bago kinagat iyon. Napamaang na lamang ako. Gwapo pala ang isang ito? Ngingiti ngiting isinara niya ang bibig kong nakabukas na pala.
"Isinara ko na at baka may pumasok na langaw. Dila ko lang dapat pumapasok dyan. Possessive ako eh."
Halakhak niya na parang nakakatuwa naman iyon! Sinamaan ko siya ng tingin bago asar na sinapak siya sa balikat.
"Bastos ka talaga kahit kailan!"
Sinangga niya ang patuloy kong pangsasapak hanggang sa maikulong ako sa may pader.
"Baby, okay lang na saktan mo ako physically, ayos lang iyon basta ba ang puso mo, akin ha? At tsaka hindi ako bastos, bastos kung hinubaran kita dito ng wala ang pahintulot mo."
Nakangisi niyang saad bago inagaw ang shoulder bag ko.
"Hoy! Akin na yang bag ko! Bading ka ba?"
Pilit kong inaabot iyon pero imbes na makuha ay kinuha niya lamang ang aking kamay at pinagsiklop iyon sa kanya. Natameme ako at napatingin sa magkahugpong naming kamay.
"Kinilig na yan. Ui."
Halakhak niyang sabi. Wala na akong masabi kaya hindi na ako nagsalita. Nakarating kami sa kanyang sasaktan na may ngiting tagumpay sa kanyang mukha habang ako ay hindi maipinta. Pasipol sipol pa niyang pinagbuksan ako ng pintuan. Papasok na sana ako pero pinigilan niya ako bigla.
"Ano nanaman ba? I let you do...."
Hindi ko natapos ang sasabihin ko noong may iabot siyang isang stem ng rose sa aking harapan.
"Happy 5th monthsary baby."
Masayang saad niya. Napakamot siya ng ulo. Tila ba nahihiya pa siya sa akin. Muli akong napamaang. I could not really believe, until now, that the mighty Philip Joaquine is bending too low just to please me.
"Thank you for letting me be your boyfriend kahit pilit lang."
Halakhak niyang dugtong pero may halatang kaba sa kanyang boses. Muli siyang napakamot pero sa batok naman ngayon.
"Kahit ayaw mo sa akin, andito ka pa din sa harapan ko. Alam kong wala ka din naman kasing choice kasi hindi naman kita binigyan ng pagpipilian."
Patuloy niyang pag amin habang muntangang nakikinig lang ako sa kanya. Inilapit niya ang sarili sa akin. Hinaplos niya ang aking pisngi gamit ang malaya niyang kamay.
"I love you so much. I don't know when will I get tired saying those words or will I ever get tired of saying it. I just know, before, today and forever, you will always have this."
Inabot niya ang kamay ko at ipinatong iyon sa kanyang dibdib kung saan nakatapat ang kanyang puso. Nanlaki ang mga mata ko dahil sobrang lakas ng tibok nun. Napahalakhak siya sa nakitang reaksyon ng mukha ko.
"Nerbyos yan. You're flattering yourself too much baby."
Inagaw ko ang kamay ko kaya lalo siyang humalakhak. Inabot niyang muli iyon at ibinalik sa kanyang dibdib kasama ang rosas. Bahagya siyang yumuko sabay halik sa aking kamay. Hinimas niya pa iyon bago walang sabi sabing niyakap ako ng mahigpit.
BINABASA MO ANG
The Bad Boy (Completed)
General Fiction2ND GENERATION SERIES I For only one mistake, everything changed. And because she asked for it , he became a bad boy. #PHILIP JOAQUINE TEJARES & SABIRAH DE SILVA