37

2.8K 74 0
                                    

Home..

"Anak."

Niyakap ako ni mommy pagkakita sa akin noong makarating kami sa bahay. Seryosong nakasunod ang aking ama habang ang tingin ay nasa aking likuran. Napatingin ako doon pagkatapos akong yakapin ni mommy. Nagtatakbo si Quen palapit sa lolo at lola noong tuluyang makawala sa pagkakahawak sa ama.

"Lolo. Lola. I missed you po. And I will miss you because we only came here to say goodbye. Because daddy will get us na po. And we will stay with him. We will be a happy, complete family na po."

Nalaglag ang panga ko sa inosenteng pagkakasabi ng anak namin. Marahas na tinitigan ni daddy si PJ. Nagkamot ito ng ulo sabay lapit sa amin. Niyapos niya ako agad sa bewang bago tumikhim.

"What does that even mean?"

Kunot noong tanong ni daddy sa kanya. Nangingiti pa din si Quen habang  manghang nakatingin sa ama. Lumapit pa ito sabay yakap sa binti ng ama.


"My son was telling the truth, mommy, daddy. Kukunin ko po ang mag-ina ko. Napag-usapan na po namin ito ng anak po ninyo. She agreed with it for a fact that she's still madly in love with me."

Matapang na saad niya na may halong yabang. Lalong nagsalubong ang kilay ni daddy. Si mommy naman ay pasimpleng napapangiti. Noong panlakihan ko ng mga mata ay inismiran ako sabay irap.

"And what made you think, I will allow you do that? After what you've done to my daughter?"

Walang emosyong tanong ni daddy.  Akmang sasagot sana ako kaya lang biglang lumapit si PJ sa kanya at lumuhod. Napatakip ako ng bibig sa sobrang gulat. Lumabo ang aking mga mata sa papalabas nanamang luha. God. When will I ever stop from crying?


"Because I love her until now. I waited for her to come back. I did not chase her because I was hurt or she asked for it. I just gave her enough time to find herself. Patawarin po ninyo ako kung hindi ko siya naalagaan ng mabuti. Nasaktan ko siya sa paraang hindi ko naman po ginusto. However, partly, it was still my fault because I decided to shut her down because of my senseless jealousy towards Chandler."

Nakayukong saad niya. Ang mga kamao ay nasa sahig. Ni hindi natinag noong pilitin ko siyang itayo.

"Daddy. Why are you kneeling?"

Inosenteng tanong ng aming anak sabay upo sa tabi ng ama. Ang mga kamay ay nasa tuhod at sinisilip ang nakayukong si PJ.

"Because your father hurt your mom."

Masungit at matigas na saad ni dad. Pinanlakihan ko siya ng mga mata pero sinimangutan lang niya ako. Siniko siya ni mommy pero lalo itong bumusangot.


"But mommy already forgave my dad. Why can't you do the same, lolo?"

Matalinong sagot ni Quen na ikinahagalpak ni mommy. Nagpeace sign na lang siya noong panlakihan ko ng mga mata sabay hawak sa braso ni daddy at itinago ang mukha sa likod nito. Umaalog ang kanyang balikat tanda na tawang tawa pa din.



"Dad. I know you already forgave PJ even before we came here. Kunwari ka pang galit dyan. Alam kong tawang tawa ka sa kanya ngayon na nakaluhod. You were the one who was pushing me to believe him before remember? Oh, just to rephrase it, it's always, not before."

Nangingiti kong singit. Napabuntunghininga naman siya sabay lumambot na ang hitsura. Napatingin siya kay PJ na ngayon ay maang na nakatingala sa kanya mula sa pagkakaluhod. Huminga ng malalim ang aking ama bago nagsalita.

"You made my daughter suffered and weeped alone in the States while she was carrying your son inside her womb. But I saw you died without her also. I saw you succeed, but I felt how meaningless that success to you because she was not there to witnessed you, stepped on the ladder. Pareho kayong nasaktan dahil inuna ninyo ang selos at kawalan ng tiwala, which I understood so well because your mom and I went through with that before. Nakikita ko kayong dalawa sa amin dati. Nasaktan ko ang mommy ninyo at totoong nakipagrelasyon sa iba noong iwan ako, makalimutan ko lamang siya, pero sa iyo, wala naman talagang namagitan. You were framed up. Though I know it was also  part of your own reckless decision 'caused by stupid jealousy, however again, you were only a man, a human who commits mistake. Kaya sino ako para ipagkait ang kapatawaran na hinihingi mo?"

The Bad Boy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon