FLASHBACK...
Naitalukbong ko ang kumot noong may marinig akong ingay mula sa labas ng bahay. Tunog iyon ng tila inaayos na music instruments. Nahinto ang ingay sandali kaya hindi na ako nag abalang silipin pa mula sa veranda ng kwarto ko.
Kung tayo ay matanda na......
Agad akong napabalikwas noong marinig ang unang lyrics. Naunawaan ko agad kung sino ang walanghiyang may ari ng boses na iyon.
Sana'y di tayo magbago
Kailan man
Nasaan ma'y ito ang pangarap ko
Makuha mo pa kayang"Hoy, Tejares! Umagang umaga nambubulabog ka! Sa gabi ka humarana hijo! Huwag umaga. Parang tanga naman 'toh!"
Sigaw ni tito Blue mula sa kabilang bahay. Nagdidilig siya ng mga halaman ni tita Sab. Wala siyang suot pang itaas. Nakaboxers lang siya. Pasilip silip siya sa bakuran namin habang inaasar at sinisigawan ang lalakeng walang pakialam sa pinagsasabi niya. Natatawa akong tumambay sa veranda habang patuloy pa din sa pagkanta si PJ.
Ako'y hagkan at yakapin, ooh
Hanggang pagtanda natin
Nagtatanong lang sa iyo
Ako pa kaya'y ibigin mo
Kung maputi na ang buhok ko"Hoy De Vera! Huwag mong winawala sa focus netong anak ko! Hindi to makatulog ng maayos kagabi. Excited humarana sa magiging asawa niya!"
Pagdating ng araw
Ang 'yong buhok
Ay puputi na rin
Sabay tayong mangangarap
Ng nakaraan sa 'tinHalakhak na depensa ni tito Juan Luis, papa ni PJ. Ngayon ko lang siya napansin. Nasa likuran siya ni PJ kasi. Napahalakhak na ako pagkakita sa ginagawa niya sa likod ng kanyang anak. Minamasahe niya ito na parang pambato sa isang boksing.
Ang nakalipas ay ibabalik natin, mmm
Ipapaalala ko sa 'yo
Ang aking pangako
Na ang pag-ibig ko'y laging sa 'yo
Kahit maputi na ang buhok ko"Nak-kow! Basted na yan sa inaanak ko! Kapanget ng boses! Hoy inaanak! Huwag mong sasagutin yang sintunado na yan!"
Natatawang pambwisit ni tito Blue habang patuloy pa din sa ginagawang pagdidilig ng mga halaman. Doon nahinto si PJ sa pagkanta at nakasimangot na tinignan si tito Blue.
"Tito! Isusumbong kita kay tita Sab pag di ka pa tumigil dyan!"
Papadyak na sigaw ni PJ. Tumawa lamang si tito Blue pero agad na nawala ang tawa niya noong marinig si tita.
"Anong kaganapan dito?"
Naka robe lamang si tita noong lumabas. May towel pa sa ulo.
"Baby! Bakit ka lumabas ng ganyan lang ang suot?!"
Nanlaki ang mga mata ni tito. Tumaas lang ang kilay ni tita bago tumingin sa direksyon nina PJ at nung dala niyang banda na di ko alam kung saan niya pinulot. Nagliwanag ang mukha ni tita pagkakita kay PJ.
"Ui! Hijo! Kaaga mo namang humarana?"
Hagikgik na lapit ni tita sa may bakod ng bahay nila. Hindi mataas ang bakuran lahat ng mga bahay sa amin. Pasadya talaga dahil lahat ng nakatira sa villa dito ay puro magkakaibigan. My dad and his bestfriends decided to build a villa exclusive only to people with same circles. Tinawag nilang NMB ang villa short term ng no more bachelors. Sina tito Blue ang unang tumira dito hanggang sa sumunod sila tito Louie, Terrence, Vincent, si papa, at iba pa nilang mga kaibigan. Sila lang dati hanggang sa may isang grupo ng magkakaibigan ang nagkaroon ng interes. Each streets, isang grupo ng magkakaibigan ang nakatira. Sa street namin ay sila papa at mga kaibigan niyang sila tito Blue. Kaya di na ako magtataka kung araw araw na bumibisita dito sa bahay sina tita Sab since ang bahay nila ang kaharap ng bahay namin. Ayaw ni papa noon pero knowing tito Blue, the bully, pinilit niya talaga.
"Hoy bumalik ka na sa streets nyo! Umagang umaga naninira ka ng araw!"
Maktol na sigaw ni tito Terrence sa may bintana ng bahay nila. Napatingin ako sa katabing bahay. Pupungas pungas pa ng mga mata si tito habang buhat sa may bewang ang pang pitong anak nila ni tita Danielle. Grabe din ang dalawang ito! Lumabas siya sa malawak na veranda ng kwarto nila pagkatapos sumilip sa bintana.
"Tita Sabsab! Inaaway ako ng magkapatid."
Parang batang sumbong ni PJ kay tita Sab. PJ is close with her too. Simula kasi noong lumipat sina PJ dito ay laging nakatambay sa harap ng bahay namin iyan kaya naman napansin ni tita. Noong una ay inaalok lamang siya ni tita ng mga inumin at pagkain hanggang sa naging kasundo na din nito ang lalakeng anak ni tito Blue na si Sage. Kaya tuwang tuwa si tita sa kanya.
"Hoy kayong magkapatid! Panira kayo ng diskarte netong bata ha!"
Nakapamewang na saad ni tita. Napanguso naman si tito Blue habang malagkit na tinitignan ang asawa. Pinanlakihan niya ng mga mata si tito noong makita ang klase ng tingin.
"Hoy Asul ha! Kakatapos mo lang humirit. Wag kang maniac dyan. Tigil tigilan mo ang paninira sa diskarte ni PJ. Pasok!"
Utos ni tita na agad namang tinalima ni tito pero bago tuluyang pumasok ay sumagot pa siya.
"Ikaw Philip Joaquine! Huwag na huwag mong masaktan saktan ang inaanak ko. Patay ka sa akin."
Saad niya pa sabay hila kay tita Sab papasok ng bahay. Naiiling na lamang ako. Laging inaanak ang tawag sa akin ni tito, di ko naman siya ninong. Parang baliw yon!
Ang nakalipas ay ibabalik natin, hmmm
Ipapaalala ko sa 'yo
Ang aking pangako
Na ang pag-ibig ko'y laging sa 'yo
Kahit maputi na ang buhok koPinagpatuloy ni Pj ang pagkanta habang minamasahe siya ni tito mula sa likuran nito.
"Pwe!. Ang baduy. Makapasok na nga at makagawa ng pang walong anak! Asaan na ba ang asawa ko! DANIELLE????"
Tawang tawa ako sa sinabi ni tito Terrence. Loko talaga iyon. As if naman makakahirit pa! Matanda na kayo ni tita, tito! Ui!
"Ui! PJ hijo. Kamusta? Pasok. Pasok kayo!"
Tawag ni mommy noong lumabas siya ng bahay. Nakangiting nilapitan niya si PJ. Katatapos lang mambulabog at manira ng tenga. Niyakap niya si mommy at hinalikan sa gilid ng ulo. My heart warmed at the sight of it. My mom adores PJ. PJ respects my mom too. Botong boto nga si mommy sa kanya kaya laking tuwa talaga niya noong malamang kami na ng mokong.
Mabilis akong pumasok sa CR ng kwarto para magtoothbrush at maghilamos. Inayos ko muna ang medyo magulo kong buhok bago mabilis na bumaba ng bahay.
"Luis! Nasaan si kumare?"
Hagikgik na tanong ni mommy noong tuluyan silang makapasok sa bahay. Nasa sala na sila ngayon.
"Nasa bahay. Nagluluto ng pagkain. Ipupunta dito at hihingin na daw netong binata namin ang kamay ng anak mo."
Napabuga ng iniinom na kape si daddy pagkarinig sa sinabi ni tito.
"Are you okay, baby?"
Nag aalalang tanong ni mommy habang iniaabot ang tissue si daddy. Mabilis na kuha iyon ni daddy para pampunas sa bibig at sa hitang nabugahan niya ng kapeng iniinom. Noong makarecover na ay napasigaw si daddy.
"Tang ina! Inaalok mo ba ng kasal ang anak ko?!"
Napatingin ako kay PJ. Bigla siyang napalunok at pinagpawisan.
Nako. Patay ka ngayon PJ! Gigil mo si daddy.
BINABASA MO ANG
The Bad Boy (Completed)
General Fiction2ND GENERATION SERIES I For only one mistake, everything changed. And because she asked for it , he became a bad boy. #PHILIP JOAQUINE TEJARES & SABIRAH DE SILVA