23

2.4K 58 3
                                    

FLASHBACK..

"Yanna."

Natigil siya sa paglalakad noong tawagin ko ang pangalan niya. I can feel her burning hate even if she doesn't say so. She looked at me indifferently. Na para bang iba akong tao sa kanya. Is she throwing our friendship away just because I am marrying the man she likes? Alam ko may pagtingin siya kay PJ. Hindi man niya iyon sabihin.

"What do you want?"

Malamig niyang litanya sa akin habang nakakunot noo.

"Can we talk?"

I asked calmly.

"Are we not talking right now? Huwag mo ng patagalin pa. Just spill what you want to say, I have more important things to do."

Malamig niyang saad sa akin. Huminga ako ng malalim bago nagsalita.

"You left last night without saying goodbye. You are my bestfriend, Yanna. Nakakatampo lang at umalis ka na lang ng..."

Hindi niya ako pinatapos magsalita. Sarkastiko siyang tumawa.

"Stop acting like you don't know why I left! Alam mo, alam mo na may gusto ako sa kanya Sabirah! You knew it even when I didn't tell you! Sana nakiramdam ka!"

Nanginginig siya sa galit habang sinasabi iyon. May namuong luha sa gilid ng kanyang mga mata.

"I love him eversince, Yrah. I tried to hide it for years and just looked up to him. You saw it! You've been there everytime I try to make a move, everytime I fail to tell him how much I am in love with him! Naramdaman mo naman hindi ba? Pero bakit? Bakit mo ginawa sa akin ito! You were my bestfriend!"

Punong puno sa galit niyang turan sa akin sabay turo sa akin na parang naninisi o nanunumbat. Hindi ko alam.



"I'm sorry. I did not mean to hurt you. Hindi ko naman siya inagaw kung iyon ang naramdaman mo. I fell in love, Yanna. At hindi ko alam kung paano aahon. I tried to stop my feelings too pero hindi ko nagawa. Inisip kita kaso masyado akong nahulog. I am sorry."

Napayuko ako sa sobrang kahihiyan. Masakit din sa akin na makitang nasasaktan siya pero mas masakit ata kung umiwas ako sa nararamdam ko kay PJ. Natakot akong makita siyang magmahal ng iba.



"You are so selfish! Lahat na lang ng gusto ko inaagaw mo! Pati atensyon ng kuya ko kinuha mo! Mahal na mahal ka ng kuya ko. Inisip niya ang kinabukasan ninyong dalawa kaya siya umalis at mag aral sa ibang bansa! Hindi mo siya inintindi! Sarili mo lang ang inisip mo! Wala kang karapatang magsabi na mahal mo si PJ dahil hindi ka naman marunong non! But okay, let's see kung hanggang kelan iyang sinasabi mong pagmamahal. We'll see. Kapitan mo siya ng mabuti. Yung sobrang higpit. At siguraduhin mong hindi mo siya bibitawan kung sakaling magkamali man siya dahil kapag ginawa mo iyon, lalo mo lang pinatunayang hindi ka kailanman nararapat sa pagmamahal niya."

Humahagulgol siyang umalis sa harapan ko. Wala akong nagawa kundi tignan lang siya paalis.

...

"She unfriended you? Anong nangyari?"

Napatalon ako sa gulat noong may biglang nagsalita sa likuran ko. PJ slightly bended para magpantay kaming dalawa. Itinukod niya ang isa niyang kamay sa may mesa. Ang isa naman ay nasa likuran ng upuan ko.


"Baka bago niyang account ito. Balita ko dineactivate niya yung isa."

Pagsisinungaling ko na lang. His forehead creased.



The Bad Boy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon