30

3.2K 84 3
                                    

Child.

Pagkahatid niya sa akin ay agad na pinaharurot niya ang kanyang sasakyan, na parang gustong gusto niyang lumayo sa akin. Sa sobrang sama ng loob ko sa ginawa niya ay mabilis kong binuksan ang gate ng bahay at umiiyak na pumasok sa loob. It's a good thing everyone is already sleeping kaya nakaakyat ako sa kwarto ng walang nakakarinig. I cried the entire night until I got tired and fell asleep.

Nagising lamang ako noong may maramdaman akong maliliit na daliring nakahawak sa aking pisngi.

"Quen?"

Wala sa sarili kong tawag sa pangalan ng anak ko.

"Mommy."

Doon ako tuluyang nagising. Napabalikwas ako sa kama at agad na niyakap ang anak kong ilang linggo ko ng hindi nakikita simula noong bumalik ako sa Pilipinas.

"Baby, you're here. Sino ang kasama mo?"

Naiiyak kong tanong habang mahigpit siyang kayakap. He giggled.

"Si tito dada po."

Pagkasabi niya doon ay siya namang pagpasok ng lalakeng sinasabi niya.

"Good morning sweetheart."

Nakangiting bungad ni Chandler sa akin. Mabilis siyang lumapit sa amin at niyakap kaming dalawa ni Quen.

"We need to talk."

Seryosong saad ko. Tumango siya pagkatapos. Ibinaling namin ang tingin kay Quen. Dahil matalino ang bata, agad niyang naunawaan ang ibig naming sabihin. Hinalikan niya kami sa pisngi bago tumakbo palabas at tinawag si mommy.




"So how was it?"

Agad niyang bungad na tanong sa akin. Mapait akong umiling at paiyak nanaman sana pero pinipigilan ko lang ang sarili.

"Do you need help?"

Nag aalala niyang tanong.

"No. Okay lang. Nag usap kami kagabi, pero nauwi lang sa matinding away. Hindi pa rin naayos."

Pilit kong sagot dahil nahihirapan nanaman akong huminga sa sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon.

"It'll pass soon. Sumusuko ka na ba? Ni hindi mo pa nga siya naipapakilala."

Sunod niyang saad. Tinitigan ko siya ng mabuti. He held my cheek as he gazed at me apologetically.

"I am sorry for everything Yrah. I know isa ako sa mga naging dahilan kung bakit kayo humatong sa ganito. But I promise you, I'll help you out. Magkakaayos din kayo."

Paghingi niya ng tawad. Ngumiti na lamang ako at niyakap siya.

"Thank you."

Saad ko sabay hiwalay din sa pagkakayakap.

"Kamusta nga pala ang mag ina mo? Kasama mo ba sila?"

Nakangiti kong tanong.



"Yes. They came with me. Dadalaw sila bukas dito. Pasensya na at di sila nakasama ngayon, napagod kasi si Lana sa byahe kaya nagpapahinga pa sila ngayon. Ang anak mo lang ang may energy pa rin hanggang ngayon. Excited makita ka at ang lolo't lola niya."

Mahaba niyang sagot.


"Kamusta na ang kapatid mo?"

Napalunok kong tanong. Umiling iling siya.

"I don't know where is she now. Huling usap ko sa kanya noong umalis siya pagkatapos mong iwan si PJ. Though, she tried getting your husband's attention by offering herself to be his mistress, do you know that?"

The Bad Boy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon