22

2.4K 54 4
                                    

FLASHBACK..

"Tito. Relax lang. Nag.. nagbabakasali lang naman po."

Agad na depensa ni PJ sa nanginginig pang boses. Gusto kong matawa sa nakikita. He asked my father to relax when he cannot even do it to himself.

"Pero kung.. kung ayaw pa po ninyo ibigay ang kamay ng anak ninyo, kamay ko na lang po ang ibibigay ni dad."

He tried to joke around to ease the situation but unluckily my father did not buy it. Sobrang sama ng tingin niya kay PJ.

"Kumpare."

Singit ni tito Luis. Marahas na napatingin si daddy sa kanya. Napangiwi naman si tito.

"Kelan ang kasal?"

Lahat ata kami ay nalaglag ang panga noong itanong iyon ni daddy. Kalmado na siya habang kami ay gulat na gulat na napatingin sa kanya.

"Did you just ask when, baby?"

Hindi makapaniwalang tanong ni mommy. Tumingin si daddy sa kanya at marahang kinintalan ng halik sa labi. Napangiwi ako.

"Daddy."

I protested. Napatingin siya sa akin. Ngumuso siya at nagsalita.

"You're turning eighteen next month honey. We will announce your engagement on your debut."

He ended the conversation just like that. I looked at PJ. He smiled from ear to ear. Tila ba nanalo sa lotto.

"Dad! Thank you. Lab mo talaga ang son in law mo! Pangako di ko sasaktan ang anak mo.! Labyu dad!"

Tuwang tuwa niyang saad. Tumango tango lang si daddy pero alam kong sa loob loob niya ay tawang tawa siya kay PJ. Pinipigilan niya lang ang sarili para mukhang hindi under kay mommy.

Lumipas ang ilang araw hanggang sa dumating na nga ang araw ng debut ko. I am at my room with Yanna on the bed checking something on her ipad. Nakadapa siya doon habang busy sa pagtingin tingin sa kung ano man. She is not informed yet about the engagement na magaganap mamaya. Gusto ko mang sabihin pero natatakot ako sa magiging reaksyon niya.

"Yanna."

Tawag ko sa kanya.

"Hmn?"

Tugon niya lang habang busy pa din sa kakakalikot sa ipad.

"I want to tell you something."

Saad ko habang pinupunasan ang basa kong buhok.

"Ano?"

Parang di pa siya interesado.

"I and..."

I was not able to tell her because a soft knock interrupted us. Napabuntunghininga na lamang ako bago nagpasyang pagbuksan iyon.

"Yrah anak. Andito na ang make up artist mo."

Masaya at excited na saad ni mommy.

"Inang Jasper!"

Tuwang tuwa kong sabi. I've never seen inang for quite a long time now. Sa US na kasi siya nakatira kasama ang napangasawa niyang lalakeng amerikano.

"Anak! Happy birthday. May regalo nga pala ako sa'yo pero nasa reception na. Mamaya mabubuksan mo. Congrats din pala anak. Ikakasal ka na."

Bulong na tili ni inang. Napangiti na lamang ako at niyakap siya. Mukhang di naman narinig ni Yanna dahil seryoso lamang siya sa ipad niya.

The Bad Boy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon