FLASHBACK..
Napatingin ako sa lalakeng nasa harapan ko noong marinig ko ang kanyang malakas at sinadyang tikhim. Masama kong tinitigan ang bulaklak na nasa harapan ng kanyang mukha. Napailing na lamang ako habang mabilis na inayos ang libro para makaalis na agad sa library. How he was able to have found me was beyond my expectations.
"Mr. Tejares, look, if you're bored with your life, find something interesting. Hindi yung araw araw mo akong bwinibwiset. Now, if you may excuse me, tumabi ka. Huwag kang haharang harang sa dinadaanan ko."
Pigil na pigil sa gigil kong sabi pero halatang iritado na ako sa kanya. Napaingos lamang siya at nagpacute!
"Ang sungit mo naman mahal. Eh papaano ba ako hahanap ng mas interesting pa sa'yo? Eh mukha mo pa lang sobrang interesting na. Bakit ba kasi ang ganda mo? Sobra talaga."
Taas baba pa ang kanyang kilay habang sinasabi iyon. Napahugot ako ng malalim na hininga.
"Okay, what do you want me to do just to get rid of you in the coming days? Tell me."
Paghahamon ko sa kanya. Napasimangot naman siya bago nag isip ng isasagot. Maya maya ay tumikhim siyang muli at nagpangalumbaba sa lamesa. He smirked and winked at me. Napaikot ako ng mga mata. Pacute ang gago. Akala mo naman ikinagwapo niya yun!
"Be my girlfriend then, and I promise to stop pestering you."
Napataas ako ng kilay. Mukhang pinagloloko ako neto ha.
"And what will I get in return? Ilang buwan mo gusto? After ba nun, titigilan mo na ako?"
Matatag kong tanong sa kanya. Napaisip siyang muli sabay himas sa kanyang baba.
"Until I say so."
He smiled evilly. Pinanlakihan ko siya ng mga mata hindi dahil sa gulat kundi sa sobrang inis na. Humalakhak siya na tila tuwang tuwa sa pambwubwisit sa buhay ko. Bago ko pa siya masinghalan ay muli siyang nagsalita.
"Easy! Relax lang. Eto naman, di talaga uso sa'yo ang salitang joke noh? Ang boring siguro talaga ng buhay mo no? Buti na lang talaga naging kapitbahay mo ako, nagkakulay na kahit papaano ang malungkot mong mundo."
Humagikgik siya sa kanyang walang kwentang biro. Sinamaan ko lamang siya ng tingin. Nagtaas siya ng mga kamay.
"Baby, come on. Let go. Just give in to me. Hindi naman kita sasaktan eh. You know what i feel about you. Simula noong magkakilala tayo, alam mo na iyon, hindi ko naman itinago o itinanggi diba? Do you remember what I told to my mom when I first met you? That someday, I'll marry you. Hindi pa iyon natutupad! Alam ko, but, I intend to fulfill that dream. Sa lahat ng gusto kong abutin na pangarap, ikaw ang gusto kong mauna."
He smiled genuinely after that. Napasinghap ako sa nakikitang pagsuyo sa kanyang mga mata. Para bang nagsasabi talaga siya ng totoo. Hindi ko alam kung papaano niya ako napapayag. I just found myself being with him for the past two months after that.
"Are you okay,hmmn, baby?"
Napatitig ako kanya noong tanungin niya ako. Napabalik ako sa huwisyo dahil doon. Nasa may school cafeteria kami ngayon kasama ang team mates niya. Pinupunasan niya ang gilid ng labi kong may sauce ng spaghetti. Naghiyawan ang mga kasama namin sa may table. Tinabig ko ang kamay niya. Imbes na magtampo siya ay ngumiti lamang siya sabay yakap sa akin. Lalo namang naghiyawan ang mga kasamahan namin. Pilit kong inilalayo ang katawan ko sa kanya kaso hinigpitan niya lang lalo ang kanyang yakap. Humiwalay lamang siya noong may tumikhim sa harapan namin. Napatingin kami doon. Napamaang ang labi ko noong makita si Aya.
"Woah. Aya. Anong masamang hangin ang nagdala sayo sa parlor para gumanda ka ng ganyan? Maganda ka pala talaga?"
Pang aasar nila kay Aya. Kiming ngumiti lamang si Aya pero ang mga mata ay agad na natuon sa amin ni PJ.
"Ganoon talaga pag gusto mong mapansin ka ng taong gusto mo. Gagawin mo lahat."
Wala sa sarili niyang saad habang nakatingin na sa kamay namin ni PJ na nakapatong sa may mesa. Napatingin ako doon. Tska ko lang narealized na magkapatong nga pala ang kamay namin. Etong Tejares na to, para paraan talaga!
"Woah! Sinong gusto mo Aya? Andito ba sa grupo namin?"
Pangsasakay naman ni Paolo sa kanya. Napatingin si Aya sa kanya bago tipid na umiling. Tumingin si Aya sa akin bago nagsalita.
"Pag aari iyon ng iba ngayon. Pero susuguraduhin kong magiging akin siya balang araw."
She paused for a bit. Natahimik naman ang grupo sabay tingin sa amin lahat. Mukhang nagkaroon sila ng ideya.
"Siya nga pala Sabirah, uuwi na si kuya sa sabado galing states. Hinahanap ka. Miss ka na daw. Okay pa ba kayo?"
Biglang hinawakan ni PJ ang kamay ko. Napatingin ako sa kanya. Umigting ang kanyang panga sa narinig.
"Ace and I are in good terms Aya. Bago siya umalis nagkaintindihan na kami. He wanted to study abroad. Mas pinili niya iyon kaysa sa kung ano man ang meron kami noon. Wala na kaming dapat pag usapan. Magkaibigan lang naman kami. Hanggang doon lang iyon."
Walang emosyon kong saad. Pinantaasan niya ako ng kilay.
"But you are pretty aware what my kuya feels for you. He told me na kapag nakauwi na siya ay liligawan ka daw niya."
Napatingin ako kay PJ. He clenched his jaw while looking out of nowhere. Chandler Ace is Aya's older brother. Mas matanda lamang siya ng isang taon sa amin ni Aya.
"Why are you suddenly telling this Aya? You are not even that close to your brother, what is your reason behind, telling her this?"
Maanghang na singit tanong ni PJ bigla. Napatingin si Aya sa kanya. Napalunok pa siya at tila nasaktan sa sinabat ni PJ.
"PJ. We both know what they feel for each other. Kuya and Yrah were in love. You saw it before your eyes. Huwag kang magpakatanga sa kanya. PJ. Alam mo iyon."
Mahinang saad niya pa. Tumayo bigla si PJ dahilan upang matumba ang kanyang kinakaupuan.
"Sabirah is mine. No one, not even your brother, can take her away from me. Nakaraan lang ang kuya mo. I am Yrah's present and future. So stop this stupidness and just mind your own business, woman. Huwag kang mangialam. At huwag na huwag mong masabi sabi ang pangalan ng kuya mo lalo na pag nasa harapan mo ako. Baka makalimutan kong babae ka. Akin lang si Sabirah. Akin.lang."
Napanganga ako sa narinig mula sa kanya. Hinatak niya ako patayo sabay halik sa akin sa may labi. Nanlaki ang mga mata ko. Humiwalay siya ng halik at masuyong hinaplos ang magkabilang pisngi ko.
"Akin." He kissed me on my head.
"Ka." He kissed my nose.
"Lang." He kissed my lips again.
BINABASA MO ANG
The Bad Boy (Completed)
Ficção Geral2ND GENERATION SERIES I For only one mistake, everything changed. And because she asked for it , he became a bad boy. #PHILIP JOAQUINE TEJARES & SABIRAH DE SILVA