Deserve.
Sobrang tahimik noong nasa loob na kami ng sasakyan niya. Hawak niya ng mahigpit ang isa kong kamay habang nakahawak naman ang isa sa may manibela. Saglit, ay bibitawan niya para kumambyo, pagkatapos ay muli niyang kukunin ang kamay ko para pagsuklipin sa mga daliri niya. Hindi ko na alam ang gagawin. Hindi ko alam kung magsasalita ba ako o hayaan na lamang manaig ang katahimikan dahil ramdam ko ang galit, pagkapikon at asar niya dahil sa umiigting niyang panga. Pinili ko na lamang tumingin sa labas ng bintana. Maya may ay narinig naming pareho ang pagtunog ng phone niyang malapit sa dashboard. Napatingin kaming pareho doon.
Baby calling.......
Napasinghap ako pagkakita doon. Sinulyapan niya ako saglit bago sana bitawan ang kamay kong hawak niya. Pero mabilis kong hinigpitan iyon sabay iwas ng tingin. Napakagat ako ng kuko. Nakatungkod kasi ang kanan kong braso sa may bintana. Alam kong napapatingin siya saglit bago ibaling ang mga mata sa daan at sa phone niyang kanina pa ring ng ring!!
"Press the answer button and loudspeaker then."
Napatingin ako sa naging utos niya. Pinantaasan niya pa ako ng kilay sabay gayak ng ulo niya at nguso niya sa may phone niya. Nanginginig ang kamay kong pinindot ang answer button. Noong may sumagot ay isinunod ko na ang loudspeaker, gaya ng utos niya. Napailing iling pa siya pero wala akong pake!
"Joaquine! Where are you?"
Tila tarantang tanong nito sa kanya. Sinulyapan ako ni PJ bago sumagot.
"Don't worry By, I am fine. I just need to get some air."
Kalmadong tugon niya. Tumingin akong muli sa labas pero alertong alerto naman ang mga tenga ko.
"You know what'll happen to you if you won't control your...."
Hindi ko na narinig ang sumunod niyang sinabi dahil mabilis ng binitawan ni PJ ang kamay ko para makausap ng pribado iyong babae. Napatingin ako sa kanya. Nakakunot noo na siya habang kausap ito.
"Don't worry too much. I can handle it."
Natigil siya saglit at matamang nakikinig sa kausap.
"Thank you By, really. I don't know what to do without you."
Mahinahong sagot niya. My heart clenched in pain. Napakagat ako ng labi upang pigilan ang nagbabadyang luha sa aking mga mata. He sighed heavily.
"Okay, bye. I will go tomorrow, for some tests."
Humina ang boses niya sa huling sinabi kaya hindi ko na naintindihan kung ano ang usapan nilang dalawa. Ibinalik niya sa may phone stand ang phone at akmang magsasalita sana ngunit naunahan ko na.
"Ibaba mo na lang ako sa may tabi."
Matigas kong utos pero hindi nakatingin sa kanya.
"Ayoko. May pupuntahan tayo."
Doon na ako napatingin sa kanya.
"Saan mo ako dadalhin? Gusto ko ng umuwi! Tska diba may pupuntahan ka bukas? Baka malate ka pa dun! Anong oras na. Dapat natutulog ka na!"
Galit na galit kong sabi. Hindi ko na alam kung ano ang pinagsasabi. Pinantaasan niya ako ng kilay.
"Yes. I have somewhere to go tomorrow. But before that, may pupuntahan muna tayo."
Kalmado niyang litanya na siyang nagpabwisit sa akin lalo.
"Ayokong sumama sa'yo! Gusto ko ng umuwi! Tska maaga ang flight ko bukas."
Galit kong sabi. Hindi naman bukas ang flight ko sana pero nagbago na ang isip ko! I need to run again. It slipped off my mouth. Nanlaki ang mga mata ko noong marealized ang sinabi. Pagak siyang natawa. Yung tawang walang tuwa.
"So, you are still leaving huh."
Madilim niyang litanya. Napasinghap ako para makahinga ng maluwag dahil naninikip nanaman ang dibdib ko. Pinalo palo niya ang manibela na siyang nagpagulat sa akin. Mabilis niyang inihinto ang sasakyan sa may tabi. It created a screeching sound. Mabilis ang paghinga niya. Mas lalong dumoble ang galit na nakikita ko. Bigla ay nahintakutan ako. Tahimik lang akong nakamasid sa susunod niyang gagawin. Isinandal niya ang ulo sa may headrest at mariing pumikit.
"Is that really what you want?"
He asked monotonously. Naguguluhang napatanga ako sa kanya. Nagmulat siya ng mga mata at tumitig sa akin.
"Is leaving, will it make you happy?"
He asked again with such mixed emotions after. Maging ako ay ramdam ang sakit at hinanakit niya.
"Ilang taon ka nga ulit nawala? Four? Five?"
Mapakla siyang natawa sabay iling.
"Tang ina.!"
Galit na galit niyang sigaw sabay hampas sa manibela. Napatalon ako sa gulat. Naihalamos niya sa mukha ang kanyang mga kamay sabay sabunot sa buhok. Napatungo siya sa manibela pagkatapos at mahinang inuuntog untog ang ulo doon.
"PJ."
Kinakabahan kong sabi habang iniaangat ang mukha niya mula sa pagkakayukyok doon.
"Don't call me that!"
Singhal niyang saad sa akin. He slightly bent down near the steering wheel. Tila hirap na hirap at ayaw na niya akong kausap.
"Stop calling me, that. I don't want to hear that name anymore, especially when it comes from your mouth."
Nawalan bigla ng emosyon sa kanyang mga mata noong tumingin siya sa akin. Napasinghap ako.
"I'll drive you home."
Umayos na siya ng upo bago pinaandar ang sasakyan.
"Di ba sabi mo may pupuntahan pa tayo?"
I asked out of nowhere. Pagak siyang natawang muli.
"I changed my mind. You don't deserve that place anyway."
Nasaktan man ako sa sinabi niya ay wala na akong naging imik pa. Pinigilan ko na lamang ang sariling huwag mag breakdown sa harapan niya. How stupid of me wanting to see my old PJ in him? Sa totoo lang parang dalawang katauhan ang nakikita ko sa PJ na kasama ko ngayon. Hindi ko na siya kilala. What do I expect anyway? Ilang taon ba akong lumayo? Sa tagal na wala ako sa tabi niya, malamang madami na ding nagbago, isa lang ang hinihiling kong hindi nagbago sa kanya. Iyon ay ang nararamdaman niya para sa akin, pero bigo yata ako. Dahil kahit ano yatang hiling na gawin ko, hindi na siya babalik. Para lang iyon basang posporo. Kahit anong punas mo upang makasindi iyon ng panibagong apoy, wala na, hindi na makakagawa. Akala ko bumalik lang ako dahil kasal ni Axia. Hindi ko naman inaasahang sa pagbalik ko, baon ko pala ang pag asang magkikita kami at sana magkaayos. Pero mukhang wala naman na akong babalikan. Gusto ko mang isingil sa kanya iyong pinangako niya sa akin na maghihintay siya, mukhang hindi ko naman na iyon masasabi dahil siya na ang mismong pumuputol doon. Ipinikit ko na lang ang mga mata ko upang huwag tuluyang maiyak. Kasabay ng pagpikit, unti unti akong hinahatak pabalik sa nakaraan. Kung paano kami nagsimula.
Note.
Okay. Next update will bring you to where they started. Haha.
BINABASA MO ANG
The Bad Boy (Completed)
General Fiction2ND GENERATION SERIES I For only one mistake, everything changed. And because she asked for it , he became a bad boy. #PHILIP JOAQUINE TEJARES & SABIRAH DE SILVA