9

2.6K 73 6
                                    

Changed.

"You need to attend my wedding or else itatakwil talaga kitang kaibigan."

Pagtatampo ni Axia noong mag video call kaming dalawa. I smiled at her before giving my response.

"Oo na. Oo na. Uuwi ako bago ang kasal. Wow. Who would have thought, kay Jeth ka pala talaga babagsak eh diba halos isuka mo na yung tao noong college tayo sa sobrang disgusto mo sa kanya?"

Nakangisi kong asar. Inirapan niya lang ako.



"Heh. Huwag mo nga ako inaasar ng ganyan, mamaya magbago pa ang isip ko."


Ngumisi ako sa sinagot niya. Bigla akong nakarinig ng yabag. Agad akong napatingin sa may pintuan noong magbukas iyon. Sumilay agad ang aking ngiti noong makita ang lalakeng mahal ko. Tumingin ako sa screen ng laptop at napagpasyahang magpaalam na kay Axia.



"Oh siya. Papatayin ko na to ha. May gagawin pa ako."

Pagpapaalam ko. Nakarinig muna ako ng sobrang daming talak bago niya ako pinatayan. Oo. Siya ang unang pumatay ng tawag. Natatawang napa iling iling na lamang ako sabay balik ng tingin sa may pintuan. Pupungas pungas siya ng mga mata habang nakatayo lamang sa may hamba. Napagpasyahan kong tunayo na at nilapitan siya upang mahalikan. Agad naman niya akong niyakap pagkatapos.

"I love you."

Bulong niya sa akin bago kami lumabas ng kwarto.



Manila International Airport.

"Oh my God, Yrah. Ang ganda ganda mo lalo sa personal. Buti di ka nahahaggard sa work?"

Walang tigil sa katatalak na tanong ni Axia pagkasalubong niya sa akin sa may arrival area ng airport. Natatawang niyakap ko siya pabalik.



"Hindi. I love my job kaya siguro hindi naman ako haggard. Kamusta nga pala ang pagiging nurse kay Jeth?"

Nakangisi kong pang asar sa kanya. Sinamaan niya ako ng tingin. Alam niya kasi kung ano ang ibig kong sabihin. Simula noong maging kaibigan ko siya,seven years ago, ayaw na ayaw niya kay Jeth. Sino ba ang mag aakalang sila pala ang para sa isa't isa sa huli?


"Nasaan nga pala si Jeth?"

Dugtong ko noong pasakay na kami ng van nila. Napatingin siya sa akin ng maigi. Ngumiti ako sa kanya habang naghihintay ng sagot. Medyo matagal siya kaya nag cellphone na muna ako at tinignan ang facebook messenger kung may tawag o message si Quin sa akin.




"Nasa kumpanya ni PJ."

Natigil ako sa pagtipa sana noong marinig ang pangalan niya.



"Ganon ba. Kamusta naman siya?"

Casual ko lang na tanong habang ipinagpatuloy na ang pagtipa.


"He built an empire and is really successful in his business but he got worst with playing women."



Alam kong pinapakiramdam niya ang magiging reaksyon ko. Hindi man namin napag usapan ni Axia sa kung ano ang meron kami noon ni PJ, ay alam kong may naikwento na si Jethro sa kanya.



"He's dating ramdom women. Lagi nga iyon laman ng balita pero wala naman siyang pakialam."

Dugtong pa niya. Napatango na lamang ako bago nagsalita.

"What do you expect from an old playboy? Old habits die hard."

Natatawang sabi ko. Napapailing pa ako . It has been years. Siguro naman masaya na siya sa ginagawa niya ngayon sa buhay niya. Though I can clearly remember all his beggings for me not to leave him. Lahat ng mga salita ng pagmamakaawa, lahat natatandaan ko. Bumalik man ang dating masayahing ako, may isang hindi nagbago, ang desisyon ko para sa aming dalawa.


"Five years na din pala ano?"

Pinantaasan ko siya ng kilay sa sinabi niya. Napabuntunghininga siya.



"Five years na wala ako dito?"

Naguguluhan kong sabi. Napangiti siya ng may parang ibang gustong ipahiwatig.


"Five years na may suot siyang singsing. Pero last week napansin kong wala na iyon sa palasingsingan niya."


Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa narinig o hindi. I am pretty much sure na wala ng bisa ang kasal namin bago ako umalis. Bakit naman sana susuotin ang singsing na magpapaalala sa kanya ng mapait na nakaraan. Napagpasyahan kong huwag na lamang magsalita. Nagpatuloy lamang siya sa kakakwento.





"I wonder kung kanino siya ikinasal. Five years ago kasi diba kumalat yung balitang kasal kayong dalawa, sa University."

Walang preno niyang tanong. Napamaang ako ng tingin sa kanya.



"I know now the story between the two of you. At sa panahon na nakasama ko siya dahil kay Jeth, nakita ko lahat ng pinagdaanan niya noong umalis ka, Yrah. He was such a messed. Yung walang patutunguhan sa buhay. He was drawn in alcohol and even smoked weed. He was rehab too but nakalabas din ng ilang buwan. And when he came back, ibang tao na siya. Ni hindi namin makitang ngumiti man lang. He got back to school and focus in his studies. May mga babaeng lumalandi at pinagbibigyan niya naman at wala siyang pakialam kung saan man niya sila galawin. We even saw him banging a girl in the corridor. Nagviral iyon noon sa youtube kaso nawala din pagkalipas ng ilang araw, baka ginawan ng paraan ng mga magulang niya. Muntikan na siyang hindi grumaduate noon, Yrah kung hindi lamang siya nagpursige na tapusin ang mga kailangan niyang habulin na subjects. He became distant and cold. He worked really hard to establish his own company without his parents' help. Hindi namin alam kung kanino pa niya iyon ginagawa. Tuwing tatanungin namin siya kung may balak ba siyang magkaroon ng anak, lagi niya lang sagot, I already have my child and he will come home soon. Nakakakilabot ang mga sagot niya akala nga namin nagdrudrugs siya."


Biglang kumalabog ang puso ko sa huling nalaman. It can't be. Papaano?



"Yrah, namumutla ka."

Bigla ay sabi sa akin ni Axia.




"Wala to. Napagod lang ako sa biyahe. Axia."

Tawag ko sa pangalan niya.


"Hmn?"

Maikling sagot niya.


"Did he often travel in states for the past years?"


Out of nowhere ay naitanong ko.



"Hmn. I think yes. Last month nasa Nevada siya."



Lalong kinabahan ako sa narinig.


"May business meeting ba siya doon?"


Dugtong kong tanong. Kunot noo siyang tumingin sa akin.


"I don't know. Probably. Pero may picture siyang naipost sa facebook niya. Nasa isang school siya sa Nevada. Ang caption pa nga, hide and seek. Ang creepy."

Mas lalong lumakas ang kabog ng aking puso. No. No. Hindi kaya..... Hindi naman niya alam na sa Nevada kami nakatira diba? Sinabi ko noon sa kanya na sa New York ako pupunta. At alam ko namang hindi na iyon susunod pa dahil sobra sobrang sakit ang iniwan ko sa kanya. Kaya imposible.


"Okay ka lang ba talaga? Are you uncomfortable with us talking about him?"


Nananantyang tanong niya. Napailing ako sa kanya.





"No. I'm okay with it. Pero pwede bang umidlip muna ako? Pagod kasi talaga ako sa haba ng binyahe ko."


Pag iiba ko na ng usapan. Pinakatitigan muna niya ako bago tumango na lamang.



Bago ako makatulog ay naisip ko si Quen. Hindi sila pwedeng magkakilala ni PJ. Dahil iba na siya ngayon. PJ has changed.











The Bad Boy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon