11

2.7K 76 6
                                    

Walk out.

"Lahat po ng single ladies, pumunta po sa gitna."

Hayag ng emcee. Nasa reception area na kami ngayon.

"Go Sabirah!"

Tiling tawag sa akin ni Axia. Sinamaan ko siya ng tingin pero humagikgik lang siya sa naging reaksyon ko. Napatingin ako sa paligid. Nag uunahan pa yung ibang babae sa gitna para lang saluhin ang bulaklak ni Axia. May humila sa akin papuntang gitna.



"Hey. I don't want to join. I'm taken."

Singhal ko pero tinawanan lang nila ako. Napatingin ako sa direksyon ni PJ na ngayon ay sumisimsim lang ng alak sa kanyang pwesto. May kumakausap sa kanyang babae na ngayon ko lang din napansing maganda ito. Napairap na lang ako at wala na ding nagawa noong nasa gitna na ako.



"This is exciting hubby."

Dinig kong tiling ngisi ni Axia sa asawang si Jeth. Iiling iling na lang si Jeth bago hinalikan ang gilid ng ulo ng siraulo kong kaibigan. Inalalayan ni Jeth si Axia papunta sa harapan namin. Naghalikan muna silang dalawa bago ito bumalik sa upuan para sa kanilang dalawa. Si Axia naman ngising nakatingin sa akin habang hawak ang bulaklak. Tiningnan niya iyon bago ibinalik ang tingin sa akin. Pinaningkitan ko siya ng mga mata. Humagikgik lamang siya.


"So who would be the lucky girl who will catch the flower? Are you ready girls?"


Nagtilian pa ang mga kasama kong nasa gitna. Ang buong paligid naman ay puno ng hiyawan. Narinig ko pa ang pangalan ko mula sa tabi. Napapailing na lamang ako. Tumalikod si Axia hudyat na magsisimula na siyang itapon patalikod ang bulaklak. Ibinato niya iyon at talagang sinigurado ata niyang sa akin mapupunta iyon ng walang kahirap hirap. Napakurap kurap ako.



"Oh my. What a beauty."

Agad na bungad ng baklang emcee noong lumapit sa akin.


"And your name, girl?"

Excited na tanong nito sa akin. Magpapakilala sana ako pero inunahan na ako ni Axia.



"She's Sabirah. Next na tayo. Sa may garter na."


Hagikhik niyang singit bago pumunta sa asawa at hinila ito papuntang gitna. Inagaw pa niya yung mikropono.



"Boys, gather yourselves here. David, Paulo, Daniel, Sean,Yvo, PJ....."


Talagang tinawag pa niya ang mga kakilala niya. Iiling iling ang mga ito sabay kamot. Hinalikan niya muli ang asawa bago ako hinila sa may isang upuan sa harapan.


"Dyan ka lang. Hintayin natin ang asawa mo ay este yung makakakuha ng garter."

Hagikgik niyang salita bago itinuon ang atensyon sa asawang nakikipaghalakhakan sa grupo ng lalakeng pagbibigyan niya nung wedding garter pagkatapos kunin iyon sa hita ni Axia, gamit ang bibig.



"Hubby galingan mo ha! Ibigay mo sa asawa ay este sa mapapangasawa! May premyo ka sa akin pag nagawa mo ng tama."

Hagikgik niya. Sinamaan ko siya ng tingin kahit na hindi siya sa akin nakatingin. Iiling iling pa akong napatanga sa gitna. Muli akong napatingin kay PJ. Napamaang ang aking labi noong makitang nakatingin siya sa direksyon ko. Agad siyang nag iwas sa akin bago tinapunan ng masamang tingin ang mga lalakeng kasama niya. His adams apple moved. His jaw clenched a bit. I swallowed hard as I watched the wedding garter being thrown out of the air. And just like what happened to me a while ago. Parang ibinigay lang din ni Jeth kay PJ ang wedding garter ng walang kahirap hirap.




The Bad Boy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon