15

2.8K 88 8
                                    

Jealous.

"Sabirah."

Napatingin ako kay mommy mula sa salamin noong tawagin niya ang pangalan ko. I applied my blush on while waiting her to come near me.

"You are so gorgeous hija. Manang mana ka talaga sa akin."

Bungisngis niyang saad sa akin. Napangiti naman ako sa narinig. Sinuklay suklay niya ang mahaba kong buhok habang nakangiting nakatingin sa akin sa salamin.

"Masyado mo namang pinaghahandaan ang pagkikita niyo mamaya, anak. Ui. Wag ganon."

Pang aasar niyang litanya. Bigla ay nawala ang ngiti ko sa isinunod niya. Napahagikgik naman siya. Tila ba kinikilig sa hindi ko malamang dahilan.

"Huwag ka masyadong magpaganda anak at baka madaming aaligid sa'yo niyan. Nako, lagot silang lahat sa asawa mo.... este. Ex mo. Ex husband."

Kinakabahan niyang tawa. Pinanliitan ko siya ng mga mata kaya bigla ay naging malikot din ang mga mata niya. Itinaas taas pa niya ang buhok ko.

"Mom!"

Inis kong singhal. She only pouted and bent down to kiss my cheek before she aggresively left me with total confusion. Hindi ko siya maintindihan minsan talaga. May pagkasaltik yata talaga ang isang Selena? Buti na lang kay daddy ako nagmana! Napapailing na lamang akong ipinagpatuloy ang pag aayos sa sarili. Ilang minuto pa ang iginugol ko bago ko makuha ang gusto kong make up kaya naman laking tuwa ko noong natapos ko din. Napangisi ako noong makita ang sarili sa salamin. Maglaway ka ngayon, PJ! Hayup!. I got up away from my vanity mirror and headed to my closet to get my emerald green gown. Tumapat ako sa mahabang salamin sa loob ng walk in closet at itinapat iyon sa aking katawan. I smiled evilly, even more. Let's see kung sino sa amin ang mas angat ang ganda mamaya ng baby mo?! Tse!.



*

"Sabirah. Bumaba ka na. Andito na ang sundo natin anak, fresh from the hotel!"

Tatawa tawang tawag sa akin ni mommy mula sa ibaba. Inayos ko ang aking hikaw bago isinuot ang heels. Muli kong tinitigan ang sarili mula sa salamin at napangiti lalo noong makita ang kinahinatnan ng aking pag aayos. Dalawang oras ba naman! I get my clutch on the table before going down. Nakita kong nag uusap si mommy at daddy sa may living area. Naghaharutan pa nga kung tutuusin. May ibubulong si daddy tapos hahagikgik si mommy. Tumikhim ako ng pagkalakas lakas upang marinig nila ako. Kumalas naman agad si mommy mula sa pagkakayapos nito kay daddy. Pinantaasan ko sila ng kilay.

"Pupunta na ba tayo sa hotel? O balak niyo munang magharutan?"

Pang aasar ko. Sinimangutan naman ako ni mommy bago nagpasyang tumayo na. Hinila niya si daddy sabay nangunyapit sa braso nito. Ang lapad naman ng ngiti niya sa ginawa ni mommy kaya napaikot na lamang ako ng mga mata.


"Let's go, honey. May inggit sa paligid. Bitter kasi walang lovelife. Ipakilala mo nga mamaya sa mga anak ng mga kasosyo mo."

Pagpaparinig ni mommy bago ako tinitigan ng nakakaasar na tingin. She even grinned at me. The hell. Daddy just smiled adoringly to her as he kissed her cheek. Hindi ko napigilang ngumiti. Daddy, as always, will always be the sweetest when it comes to showing how much she loves mommy.



*

Pagkadating namin sa hotel kung saan gaganapin ang anniversary ng company, media na agad ang sumalubong sa amin.


"Mr. De Silva....."

Andami ng tanong ng media kay daddy noong lumabas kami ng kotseng sumundo sa amin. Flashes and clicking of cameras almost blinded me. Ni hindi ko na marinig ang mga tanong nila sa sobrang pagkakagulo at sunod sunod na tanong mula sa iba't ibang media personalities.

The Bad Boy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon