13

2.6K 67 3
                                    

Hindi lagi.

"Hhhhhhhhhhhhhhuuuuuuuuhhhh".

Halos mawalan ako ng hininga noong magising ako mula sa isang masamang panaginip. Napasapo ako sa noo at biglang napahagulgol. Akala ko totoo iyon. Para kasing totoo. Noong mahimasmasan ay nagpasya akong bumaba sa kusina para uminom ng gatas. I opened the refrigerator after getting a glass and poured the milk on it. As I was drinking, I saw my father talking to someone on his phone. Nasa veranda siya sa may likod ng aming bahay kung saan tanaw ang swimming pool. Yes. My dad is now fine. Nakarecover na ang katawan niya mula sa aksidente noon.

Ibinaba ko ang baso sa may island counter. Inayos ko ang pagkakatali ng roba ko bago nagpasyang lapitan siya.

"Dad?"

Nahinto siya sa pakikipag usap mula sa hawak niyang phone at hinarap ako.

"Sabirah, bakit gising ka pa? Akala ko tulog ka na."

Agad na tanong niya. Napakunot noo akong nakatingin sa may mesa kung saan nakalagay ang laptop at ibang mga dokumento.

"Nagising lang po ako."

Sagot ko bago ibinaling ang tingin muli sa kanya.

"Kamusta nga pala yung kasal ni Axia? Hindi na ako nakaabot sa dinner kanina. Kadarating ko lang din galing trabaho. Tulog na ang mommy mo kaya dito na muna ako, baka magising pa siya."

Napangiti ako sa kanya at nilapitan upang mayakap.

"I miss you daddy."

Niyakap naman niya ako pabalik at hinalikan sa gilid ng aking ulo.

"I miss you too my princess."

Humiwalay ako ng yakap at malapad na ngumiti sa kanya.

"Axia's wedding was great. Masayang masaya yung lukaret na yon."

Masaya kong balita. Mataman niya akong tinitigan bago ngumisi sa akin ng makahulugan.

"Why are you grinning at me like that,dad?Oh come on."

Humalakhak siya noong makitang naunawaan ko kung bakit siya nakangisi sa akin.

"Yes. He was there also. But that's just that. He's Jeth's friend afterall."

Depensa ko na lalong nagpatawa sa kanya. Naiiyak na nga din siya sa kakatawa bago ako hinawakan sa magkabilang balikat.

"Huwag ng bitter anak. Lahat nakarecover na, move on move on din kapag may time."

Pang asar niya kaya sinapak ko siya sa braso.

"Hindi ako bitter dad. Gusto mong kape?"

Tanong ko sa kanya. Humagikgik siya sa akin.

"Para ano? Para kabahan ako sa sinasabi ko?"

Halakhak niyang sagot. Napangiti naman ako bago bigla siyang niyakap.

"I really miss you daddy. I miss this kind of conversation too. I'm just glad you're safe and fine now."

Bigla ay drama ko. Niyakap niya akong muli at hinalikan sa noo.

"Yes I am. Kaya wala ka na ding dahilan para tumakbo at matakot sumubok ulit anak. Hindi na lang ikaw ang dapat mong isipin. Andyan na siya. At alam nating parehong matagal na niyang gustong makilala niya ito."

Napaiyak ako sa sinabi niya. Napakapit ako sa damit ni daddy. Kung pwede nga lang kaso may iba na siya e. Napapikit ako ng mga mata bago muling inalala ang nangyari kanina sa kasal.


The Bad Boy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon