Celebration...
"Come on Quen. Let's go to your room na."
Pag-aya ko sa kanya habang sinusuklay ang kanyang buhok. Nakahiga ang kanyang ulo sa aking binti. Nasa sala kami dahil kanina pa niya hinihintay ang daddy niya. Kahit pa sobrang inaantok na ay ayaw pa nitong matulog.
"I don't want! Mommy, call daddy. What time will he come home?"
Sagot niya sabay hikab na.
"He'll come home late, baby. Busy ang daddy sa work ngayon dahil kababalik niya lang."
Maayos na sagot ko pero tila di siya kumbinsido.
"Call him na lang 'my."
Makulit niyang ulit. Napabuntunghininga na lamang ako. Inabot ko ang phone sa may side table. I dialed his number. Ring lang ito ng ring. Umalis naman sa pagkakahiga si Quen at umupo. Magkasiklop ang mga kamay at matamang naghihintay sa pagsagot ng ama mula sa kabilang linya.
"He's busy."
Matamlay kong sagot. Nalungkot naman siya at yumuko.
"It's late na, anak. You should be sleeping by now."
Hinagod ko ang kanyang likod. Umiling iling siya.
"I will wait for my daddy, mommy. He promised this morning he will come home early! Where is he now?"
Nagsimula ng mag trantrums ni Quen. Napasapo ako ng noo at muling tinawagan si PJ. I continued calling him until he finally answered it.
"Hello?"
Napakunot noo ako noong marinig ang boses ng isang babae.
"Sino eto?"
Malamig kong tanong. Oh God. Not again.
"Naku pasensya na. PJ, just went to the restroom. By the way, sino ito?"
Hindi niya sinagot ang tanong ko. Binalik niya lang!
"Ako dapat nagtatanong niyan. Sino ka? At bakit mo hawak ang phone ng asawa ko?"
Kontrolado pa ang boses kong tanong.
"Wife? I didn't know PJ is married. He invited me to have dinner. But we're in his office now. Look, miss, I'm the girfriend and, if you just called my boyfriend for the chase, you better stop it. Akin lang siya. You get it? And by the way, remember my name, Rhianne. I am Rhianne Andrada. Bye bye poor girl."
Mapang asar niyang paalam bago niya ako patayan ng tawag. Nanikip ang aking dibdib sa nalaman pero agad din iyong iwinaksi dahil ayoko nanamang pangunahan siya. Sa dami ng babaeng nagkakagusto kay PJ, malamang they will all do desperate measures just to have him. PJ told me to trust him, kahit pa sobrang nagagalit ako doon sa babaeng sumagot, kailangan ko siyang pagkatiwalaan.
"Mommy, ano po sabi ni daddy?"
Nabalik ang atensyon ko sa aking anak na naghihintay ng magiging sagot ko.
"Do you want to go to your dad's company?"
Bigla ay tanong ko. Nagliwanag naman ang mukha niya sa narinig. Magkakasunod ang pagtango niya. I kissed his temple.
"Okay. Do you want to change first? Or you're okay with your pj's?"
Muli kong tanong.
BINABASA MO ANG
The Bad Boy (Completed)
General Fiction2ND GENERATION SERIES I For only one mistake, everything changed. And because she asked for it , he became a bad boy. #PHILIP JOAQUINE TEJARES & SABIRAH DE SILVA