FLASHBACK..
"Ang gwapo talaga ni PJ! Ang galing pa magbasketball!"
Napatakip ako ng tenga pagkarinig sa matitinis na tili ng mga kaklase kong mga babae. Paano, usapan nanaman nila iyong lalakeng iyon. Simula noong lumipat ito sa school namin noong last semester at maging varsity player, wala ng katahimikan ang mundo ko. Kahit saan ako pumunta, siya ang laging topic! Kahit mga lalakeng ka schoolmates ko ay bilib sa kanya. Ako lang yata ang iritadong iritado sa lalakeng iyon! Simula kasi mga bata kami siya na ang laging nambubuwisit sa araw ko! Hanggang sa lumaki kami at mag college ba naman? Akala ko noong magtungo sila ng pamilya niya sa London, para doon siya mag aral ng kolehiyo, matatahimik na ako! Isang taon lang pala ang ibinigay niyang kapayapaan. Ano ba namang buhay eto,oh! Tahimik na nga ang buhay ko ng isang taon eh! Pero pagtungtong ko ng second year college, bumalik nanaman sa dati??! At iyon ay dahil sa lalakeng iyon.
"Baka masira yang ballpen mo sa sobrang diin mo diyan sa may papel."
Natigil ako sa pag iisip noong marinig ang nakakabwisit niyang boses. Marahas akong napatingin sa kanya. At ang matindeh! Nakangisi siya, tila ba tuwang tuwang nakikita ang hitsura kong bwisit sa kanya. I looked at him madly! Napangisi siya lalo dahil sa sumunod kong singhal sa kanya. He even had the guts to chuckle at my heated reaction! Damn this boy!
"Anong ginagawa mo dito?! Diba engineering ka?!"
Asar kong tanong. When all I did is send daggers to him, all he did is smile cutely. Cutely?! Oh come on. Really Sabirah?
"Oo, pero pwede bang pagamot ako?"
Nakangisi niyang sagot sa akin. Kinunutan ko siya ng noo.
"Anong pagamot?! Hindi pa ako nurse! Doon ka sa clinic! Alis!"
Pagtataboy ko sa kanya. Pero imbes na umalis sa harapan ko ay pumirmi pa siya doon lalo. Umiling iling pa siya sa akin ng magkakasunod.
"Hindi ito magagamot ng mga nurse sa clinic!"
Nakangusong sabi pa niya. Napakagat ako sa labi sa sobrang inis na sa kanya. Kahit kailan talaga bwisit ito sa buhay ko eh.
"Ano bang sakit mo? Maliban sa sakit sa utak ha?"
Bwisit kong sagot na siyang nagpahalakhak sa kanya. Alam kong nakatingin sa amin lahat ng kaklase ko pero hindi ko sila inintindi dahil sa lalakeng nasa harapan ko.
"Eto."
Binuksan niya ang butones ng uniporme niya sabay turo sa may bandang dibdib, sa may puso niya. Nagtilian ang mga babaeng kaklase ko noong ginawa niya iyon.
"Bakit mo ipinapakita sa akin ang suso mo?! May cancer ka ba?!"
Pinanlakihan ko siya ng mga mata. Alam kong iyong puso ang tinutukoy niya pero gusto ko na lang mamilosopo para naman makabawi bawi ako kahit papaano. Ngunit ang hayop na lalake, ngumisi lamang siya hanggang sa napalitan iyon ng tuwa at halakhak. Tila kilig na kilig siya sa lagay na iyon ha. Hinampas hampas pa niya ang inuupuan niyang lamesa ng upuan. Nabuwang na.
"Ano bang nakakatawa? May cancer ka? Eh di good. Ng mabawasan ang buwisit sa mundo!"
Natigil siya sa pagtawa sabay ingos sa akin.
BINABASA MO ANG
The Bad Boy (Completed)
General Fiction2ND GENERATION SERIES I For only one mistake, everything changed. And because she asked for it , he became a bad boy. #PHILIP JOAQUINE TEJARES & SABIRAH DE SILVA