Kneel.
"Can I hold your hand?"
He seemed so hesitated to ask sa takot na din sigurong masungitan ko siya. Malalim akong huminga bago inabot ang kamay niya. I intertwined our fingers together which made him looked at me in total shocked. Nagkibit balikat na lamang ako bago siya hinila papuntang cafeteria ng University. At gaya ng inaasahan ko, nakatingin ang lahat sa amin. Sa gilid ng aking mga mata ay napansin kong maang siyang nakatingin sa akin.
"You want me to let go of your hand?"
I looked at him as I asked him that. Bigla naman ay natauhan na siya at naintindihan ang ibig kong sabihin. He obediently looked away but tightened his hold.
"Oh look who are here!"
Masayang pang asar ng mga ka team niya. I smiled at them. Namumula naman si PJ noong tignan ko siya. Kinamot niya ang kanyang batok gamit ang malaya niyang isang kamay bago sinuway ang mga ito.
"Stop it fuckers. Make way for my queen."
Imbes na tumahimik ay lalo lamang naghiyawan ang mga ito. Sinamaan ko silang lahat ng tingin, doon lamang sila natigil.
"Oh. Upo na kayo."
Anyaya ni Jeth. Tumango ako bago umupo. Medyo yumuko si PJ at ibinulong sa akin kung ano ang gusto kong kainin.
"Tang'na pre. Ang tamis!"
Hagikgik na bulungan nila. Napatingin ako sa kanila ulit. Napawi ang hagikgikan nila at umayos ng upo.
"What do you want to eat?"
Malambing niyang tanong ulit sa akin. Nag isip muna ako saglit bago napagpasyahang mag spaghetti na lang at fried chicken. Napangiwi naman siya sa naging option ko.
"But baby, that's unhealthy."
Reklamo niyang pangaral. Sinamaan ko siya ng tingin. Wala akong sinasabi pero bigla ay natakot siya kaya tumango na lamang siya at napabuntunghininga.
"Alright then. What my baby wants, my baby gets."
Sukong suko niyang sabi sa sarili. Bigla namang nabilaukan si Paulo.
"Ano nangyari sayo dude?"
Halakhak na tanong nila Jihan kay Paulo. Jeth gave water to him na agad nitong inabot. Nilagok niya iyon minsanan bago itinuro si PJ.
"Eh paano, tong gagong 'to masyadong matamis. Pota."
Humagikgik nanaman silang lahat habang si PJ ay takot na nakatingin sa akin. Gusto ko mang magpaka poker face ay hinihila ako ng mga lalakeng ito sa kanilang mga tawa. Hindi ko napigilang mapangisi. Nanlaki ang mga mata niya noong makita iyon. He gently smiled in content before leaving para maka order ng kakainin namin.
"Yrah."
Napatingin ako sa tumawag ng pangalan ko. Nawala ang aking ngisi.
"I know what you are doing. Stop giving him false hopes. He'll end up crushed. Maawa ka naman sa kaibigan namin."
Bigla ay sabi ni Jeth sa akin. Nag iwas ako ng tingin bago napakuyom ng kamay.
"I am not doing anything."
Mariin kong sabi at malalim na nakipagtitigan sa kanya. Napailing iling siya pero hindi na nagsalita.
"Dude. What the fuck were you saying? Mamaya niyan lumayo nanaman si Yrah kay PJ. Mukhang masaya na nga iyong kaibigan natin kahit papaano."
BINABASA MO ANG
The Bad Boy (Completed)
General Fiction2ND GENERATION SERIES I For only one mistake, everything changed. And because she asked for it , he became a bad boy. #PHILIP JOAQUINE TEJARES & SABIRAH DE SILVA