🌹5

1.1K 27 0
                                    

👭

Nagising ako ng hindi ko maramdaman si sky sa paligid.

Bumilis ang kabog ng aking puso ng hindi ko siya makita sa paligid kahit ang prisinsya niya ay hindi ko maramdaman.

Hindi ako iiwan si sky nangako siya, walang iwanan..

Sabi ko sa aking isip habang hinahanap siya ng aking mata.

Sky nasaan ka?!!!

Sky!!!..

Paulit-ulit kong tawag sa kanyang pangalan, hindi niya ako kayang iwan dahil nangako siya sa akin.

Nakarinig ako ng kaloskos hindi kalayuan sa aking kina ruruonan, tumakbo ako paroon at napatigil ako ng makita ko siya. Hindi ko mapigilan ang pag tulo ng aking luha dahil sa saya at kaba.

Skyy!!!!

Sigaw ko sa pangalan niya, nakita ko ang pag tigil niya at pag angat ng kanyang ulo.

Hindi ko mapigilan ang aking sariling tumakbo papalapit sa kanya at yakapin siya ng mahigpit.

Ramdam kong nabigla siya sa ginawa ko.

A-kala ko iniwan mo na ako." Hikbing sabi ko sa kanya, naramdaman ko ang pag himas niya sa likod ko.

Sorry.... Tanging nasabi niya sa akin, kumalas naman ako sa pag kakayakap sa kanya at ngumite.

Saan ka ba nag punta? Tanong ko nalang sa kanya habang pinapahid ang luha ko sa pisnge.

Tinaas niya ang hawak niyang plastic na may lamang pag kain.

Napatingin ako sa dinaanan niya at doon tanaw ko ang isang malaking bayan, siguro sa lahat ng napuntahan namin ito ang napakalaking bayan.

Doon ka nag punta? Tanong ko sa kanya habang tanaw ko parin ang bayan.

Oo, kumain kana at may pupuntahan tayo." Sabi niya sa akin na kina tingin ko sa kanya?

Kahit nagugulohan ako sinunod ko nalang siya nakita kong umakyat siya sa isang puno at umupo sa isang malaking sanga at pumingit.

Hindi na ako nag tanong pa at kumain nalang.

The  Cursed Twins(complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon