🌹16

782 27 0
                                    


Ina... !! Ina...!! Tawag ng batang sky sa kanyang ina sa loob ng maliit nilang bahay sa gitna ng kagubatan.

Sky ..... Nandito ako sa kusina.." Sagot ng kanyang ina , agad naman tumakbo ang batang sky papasok sa kusina.

Bakit anak? Saan ang kakambal mo? Tanong ng kanyang ina ng makita nitong hindi nito kasama ang kakambal nitong si light.

Nasa harden sya ina binabantayan ang tanim niyang halaman." Magalang na sagot ni sky sa kanyang ina.

Ganon ba? Bakit ka nandito at hindi mo sinamahan ang kakambal mo my problema baMasoyong sabi ng ina ni sky sa kanya umiling - iling naman si sky bilang sagot.

Hmm kong ganon. May kailangan ka ba ? Tanong ulit ng kanyan ina.

Kasi ina yung isa naming kaklase ni light may kakambal din.? Sabi ng batang si sky..

Ganon ba so anong problema? Tanong into sa anak .

Kasi ina mag kamukhang mag kamukha sila, bakit kami ni light hindi mag kamukha, pero kayo ni light mag kamukha kayo kahit ang mata ninyo." Inosenting tanong ni sky sa kanyang ina, ngumite naman ang kanyang ina sa kanya at binuhat siya paupo sa lamisa.

Mahalaga ba ang anyo ng mukha para masabing mag kakambal kayo at mag kapatid? Tanong ng ina ni sky, umiling naman si sky.

Tama, hindi mahalaga kong mag kamukha kayo o hindi dahil ang mas mahalaga ay ang naramdaman at pag mamahal  ninyo bilang mag kapatid." Sabi ng ina ni sky ngumite naman ang bata at tumango tango.

Alam mo ba kong sino ang kamukha mo? Tanong ulit ng ina ni sky, umiling iling naman ang batang si sky..

Sa ama mo... Mag kamukhang mag kamukha kayo lalo na ang iyong mata na walang takot... Nakangiting sabi ng kanyang ina nag ning-ning naman ang mata ng batang sky sa kasayahan.

Puntahan mo na ang iyong kapatid at sabihin mong kakain na tayo"..utos ng kanyang ina habang binababa siya.

Opo ina....." Masiglang sabi ng batang sky at tumakbo palabas ng bahay para tawagin ang kapatid.

The  Cursed Twins(complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon