⚡
💭💬💭💬
❄Sky❄Nasa loob na ng closet ninyo ang uniform at iba pang kaiilanganin ninyo susundoin ko kayo dito bukas ng umaga para mihatid sa inyong klase.,
Aalis na ako para makapag pahinga kayo, kita nalang tayo bukas.." Rinig kong paalam sa amin ni violet at kasunod nito ay pag bukas at pag sara ng pinto.
Katahimikan ang bumalot sa aming dalawa ni light.
Sky tama bang pumasok tayo dito? " rinig kong tanong niya sa akin.
Alam kong nag alala siya hindi sa kaligtasan namin kong hindi sa lahat ng narito.
Kapahamakan ang dala namin dito pero kong walang makakaalam kong sino kami o ano kami mananatiling tahimik ang bayang ito.
Pero alam kong hindi nila kami titigilan hanggat hindi kami makita at makuha.
Ito ang tama light hindi habang buhay makakapag tago tayo." Sagot ko sa kanya, habang tanaw ang malawak na welton academy.
Maraming mapapahamak sky sa oras na malaman nilang nandito tayo.!! Nag alala niyang tugon sa akin .
Wag kang mag alala hindi pa man sila gumawa ng hakbang wala na tayo dito." Paninigurado ko sa kanya, ayaw kong may madamay problema namin ito at ako mismo ang tatapos into kahit kadugo ko pa ang makakalaban ko.
Hindi ko na siya narinig na mag salita kaya tinoon ko nalang ang pansin ko sa pag tanaw sa labas kong saan maraming istudante ang nag kalat.
Nag papasikatan, nag tatawanan at nag aasaran.
Minsan naitanong ko narin sa aking sarili paano ngaba nila nagagawa ang mga bagay na iyan na parang walang problema.
Paano sila nakakatawa..
..Dahil ako hindi ko magawang tumawa kahit ngumite man lang.
Si light...
Nakikita kong tumatawa siya sa akin at ngumingite pero hindi iyon umaabot sa kanyang mata.
Nilingon ko siya at nakita kong mahimbing na siyang natutulog sa malambot na kama.
Na minsan ay hindi pa niya nagawa simula ng mag kasama kami.
Hindi ko siya napapatolog sa magandang kama dahil sa takot na masundan nila kami sa takot na baka mawala sa akin si light siya nalang ang meron ako.
Nag palipat lipat kami kahit saan natutulog takot makahalobilo sa iba.
BINABASA MO ANG
The Cursed Twins(complete)
FantasyIsang buhay dalawang tao ... Mag kasalo sa lahat ng bagay . Sakit Bighati Kalungkotan At Kasayan Hindi mapag hihiwalay May ibat-ibang ugali ngunit nag kakasundo sa isang bagay.