🌹34

741 20 0
                                    

🔯

Hindi pa sumikat ang araw nag simola ng mag lakad ang mag kakaibigan papunta sa sinabing lugar ni aire.

Lahat tahimik at ang tanging maririnig lang ay ang mga tinig ng mga hayop.

Napatigil sila sa pag lalakad ng makarinig ng kaloskos, naging alerto silang lima.

Suminyas si sky sa kanila na manatili sa kanilang kinatatayoan.

Biglang nawala si sky sa paningin ng apat at ng kanilang nilibot ang kanilang tingin nakita nila ito sa ibabaw ng puno.

Palipat lipat ito ng puno hanggang makarating sa pinanggalingan ng kaloskos.

Anong gagawin ni sky?" Tanong ni snow sa mga kasama.

Nag kabit balikat naman sila bilang sagot .

Waaaaahhhh........ Wag ninyo akong sasaktan maawa po kayo..." Hiyaw ng boses bata agad napatakbo ang apat sa pinanggagalingan ng boses.

At nakita nila ang isang batang nag pupumilit pumiglas sa pag kakahawak ni sky....

Sky bitawan mo ang bata ako na ang bahala sa kanya." Sabi ni snow dito, binitiwan naman ito ni sky at umatras siya muli niyang pinag masdan ang paligid ng kagubatan.

Bata wag kang matakot hindi kami masasama, ako pala si snow harrison ang princesa ng ice land at sila naman ang mga kaibigan ko." Pakilala ni snow sa kanyang sarili at sa mga kasama niya. Nakatitig lang ang bata sa kanya habang nakasiksik sa malaking puno.

Bakas sa mukha nito ang matinding takot at truma.

Snow siya yong isa sa mga batang nawawala." Bulong ni windy sa kanya napa titig naman siya sa bata at tama nga si windy isa nga ito sa pitong batang dinukot.

Nandito kami para iligtas ka at ang mga kasama mo, pwede ko bang malaman ang pangalan mo?..." Naka ngiteng tanong ni snow para mabawasan ang takot ng bata.

I-loy..." Nanginginig na sabi ng bata.

Iloy ang pangalan mo?" Tanong ulit ni snow, tumango naman ang bata bilang sagot.

Iloy nagugutom ka ba?" Tanong ni fera, tumango ulit ang bata.

Binoksan naman ni windy ang dala niyang bag at nilabas ang isang supot ng tinapay para ibigay sa bata.

Agad naman itong kinuha ng bata at mabilis na kinain halatang ilang araw na itong walang kain.

Binigay din ni fera ang kanyang tubig na dala.

Nag katinginan ang tatlo at bakas sa kanilang mukha ang awa sa bata.

Nakatingin lang si sky at light sa bata at masinsinang nag uusap.

The  Cursed Twins(complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon