🌹30

744 21 0
                                    

💮

Guys nagawa ko ba? Ito na ba iyon?" Tanong ni fera sa kanyang mga kasama habang nililibot ang tingin sa paligid.

Nakakatakot naman dito?! Sabi ni snow habang hinimas himas ang kanyang braso.

Saang banda ba ito ng witch mountain ang ating napuntahan fera." Tanong ni windy habang nag mamasid sa paligid.

Hindi ko alam, basta ang inisip ko lang ay makarating tayo dito." Sagot ni fera sa mababang tinig.

Sa palagay ko nasa gitna tayo ng witch mountain, kailangan nating makarating sa toktok nito." Sabi ni light , hindi nila sigurado kong nasan sila dahil sa malalaking punong nakapalibot sa kanila.

Tayo na kailangan nating maka hanap ng ligtas na lugar na pag hihingahan natin." Sabi ni sky , tumango naman ang apat na kasama niya nag simula na silang mag lakad ng tahimik.

Sabay na nag lakad si sky at light habang ang tatlo ay nasa kanilang likod na naka sunod.

Sky napag kaalaman kong nandito rin ang element user." Mahinang sabi ni light sa kanyang kapatid.

At ang dalawa sa element user ay kapatid ni snow at fera at ang isa din sa kanila ay nobyo ni windy." Pag papatuloy ni light sa pag sasalita ng lumingon sa kanya si sky.

Napatingin naman si sky sa tatlong prinsesa na kasunod sa kanila at kita sa mga galaw nito ang pagod kahit hindi pa sila nakakalayo masyado.

At hula ko mukhang bihag ng mga mangkukulam ang mga element user kaya hindi pa sila nakakabalik hanggang ngayon." Sabi ulit ni light ng mag lakad sila ulit.

Tumango si sky bilang tugon ng maintindihan niya ang ibig sabihin ni light na hindi lang mga bata ang kanilang hahanapin kong hindi pati narin ang mga element user.

Pumito si sky ng hindi kalakasan at bigla nalang humangin na kinatigil ng tatlong prinsesa at napatingin sa mag kapatid.

Nanlaki ang kanilang mata ng makitang naboo ang hangin ng isang bulto ng babae.


The  Cursed Twins(complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon