Chapter # 16 Sleep over

280 13 0
                                    

*Shane's POV*

Ng makarating na kami sa bahay nila Gino. Napahinto nalang kami ng biglang...

*bugsh*

May nabangga kaming isang babae. Agad naman kaming bumaba ni Gino para tingnan yung babae.

"Miss okay lang po ba kayo? Bakit po kasi tumawid po kayo agad? " biglang tanong ko sa babae.

"Pasensiya na po kayo. Hi-hinahanap ko po kasi ang anak ko.... Ma-matagal na po kasi siyang nawawala eh.... Naglayas po sa bahay.... "Iyak ng babae.

"Hah? Ganon po ba? Ano po ba pangalan ng anak niyo? " ni Gino.

"S-si ---"

"Mama? "

Humarap kami sa likuran namin at nakita namin si Nico. Agad siyang tumakbo papalapit sa amin at niyakap ang babae

Ito siguro ang nanay niya.

"Anak? Saan ka ba nagpunta?" Tanong ng baba--- nanay pala kay nico

"Sorry po mama.... A-akala ko po kasi.... Hi-hindi niyo na ako ma-mahal eh" sabi ni Nico at niyakap ng mahigpit ang mama niya.

Napangiti nalang ako sa nakikita ko ngayon. Tapos tumingin ako Kay Gino at sinenyasan na umuwi na kami.

Tumango lang naman siya at sumakay na kami sa kotse.....

Sumilip muna ako sa binta at nagpaalam.

"Mauna na po kami. Alagaan niyo po mabuti si Nico. Sige po" sabi ko at tumango naman ang babae at umuwi na sila ni Nico.

Agad ko naman sinarado ang bintana at tumingin Kay Gino. "Tara na sa inyo, kukunin ko pa yung libro ko" sabi ko kay Gino.

Tumango naman siya habng nakangiti at nag drive na papauwi.

Magkaibigan na nga kami.

Ng makauwi na kami sa bahay nila Gino ay agad na kaming pumasok sa loob.

"Welcome back Sir Gino and welcome madam" sabi ng mga maid sa bahay nila.

"Sabi naman po sa inyo, shane nalang po ang itawag niyo sa akin" sabi ko sa kanila at ngumiti.

"Ma'am Shane? Ikaw nga po ba yan?" Tanong ng isang maid.

"Ako nga po. Sige po, kukunin ko lang po yung mga librong naiwan ko tapos uuwi na po ko" sabi ko sa kanila. Agad narin akong umalis at umakyat sa taas papunta sa kwarto ni Gino.

"Shane is that you?" Biglang may tumawag sa akin sa likod.

Lumingon ako at nakita ko si Tita Angely na naglalakad papunta sa akin. Ngumiti naman ako sa kanya.

"Ako nga po tita. Kukunin ko lang po yung mga librong naiwan ko at uuwi na po ako" sabi ko sa kanya at akma na sanang pupunta sa kwarto ni Gino ng bigla siyang nagsalita.

"But it's already midnight. Paani ka makakauwi niyan? "Tanong ni tita.

O_O

Agad kong tinignan ang orasan ko. Oo nga 12 na mahigit. Patay ako kay kuya ngayon.

"Nako po, lagot ako kay kuya" sabi ko.

"Okay lang ija, nasabi sa akin kanina nila yaya na umalis kayo ni Gino. Napansin ko narin na late na at di pa kayo nakakabalik kaya tinawagan ko na ng kuya mo at sinabing dito ka nalang muna matulog. Just for tonight" sabi ni tita na ikinagaan ng loob ko ngunit kinakabahan parin.

"Pero tita wala po akong dalang damit at wala rin po akong dalang pamasok para bukas" sabi ko

"Okay lang yan. Pahihiramin ka naman siguro ni gino eh" sabi ni tita.

The BADBOY'S Tutor (Complete)Where stories live. Discover now