Chapter # 11 Mom

303 14 0
                                    

*Shane's POV*

Nandito na ako ngayon sa school. Naglalakad lang ako dito sa hallway papunta sa room namin.

*bughs*

Nagulat nalang ako ng may biglang nangbato ng notebook mula sa likuran ko. Tiningnan ko kung sino yun.

Nakita ko sina Valleria, Victoria, at Vannesa. Ang sama ng tingin nila sa akin.

Tumalikod nalang ako sa kanila dahil ayokong gumawa ng scene.

"Hey! Stop right there!" sigaw ni Valleria mula sa likuran ko. Naramdaman ko naman ang pagsabunot niya sa buhok na nagpapikit sa akin sa sobrang sakin. "Don't you dare turn your back on me!" sigaw niya sa akin.

"Bitawan mo ako!" sigaw ko sa kanya.

"No way loser! Why should I let you go?" sabi niya at ngumisi sa akin.

"Ano bang ginawa ko sa inyo?" takang tanong ko.

"Oh....don't you dare denigh that you don't know what you've done" sarcastic na sabi ni Vannesa.

"No! I don't know what your talking about" sabi ko sa kanila.

Hindi ko naman talaga alam eh.

"Haha..... Well then..." binitawan ni Valleria ang buhok ko, ngunit hinawakan naman ako nina Vannesa at Victoria sa magkabilang gilid. "Listen up every one! I want you all to know that this girl here is a flirt!" sigaw niya sa mga taong nakatingin sa akin.

Nagulat ako sa sinabi niya. "Anong ibig mong sabihin? " takang tanong ko.

"Nagmamaang maangan ka pa. Nakita ka namin na kasama mo si Gino. Lagi kayong sabay umuwi at umuuwi ka pa sa bahay nila! Anong klaseng babae ang uuwi sa bahay ng isang lalaki. Hindi ka na nahiya" sigaw niya sakin.

So... Alam na pala nila? Napangisi nalang ako.

"Anong ngini-ngisi-ngisi mo diyan?" taas kilay na tanong niya.

*smirk*

"Matagal ko ng alam na tanga kayo, pero hindi ko inakala na ganito pala kayo ka tanga" sabi ko. Naramdaman ko naman ang pagdapo ng palaf niya sa pisngi ko.

"How dare you?!" sigaw niya sa akin.

"Bitiwan niyo ako kung gusto niyo pang mabuhay" malamig na sabi ko sa kanila.

"Hah! Why should I? At sino sa tingin mo ang matatakot sayo? Your so weak na baka isang pitik ko lang sayo ay tumumba ka na" sabi niya sa akin at ngumisi pa.

Hindi ko na talaga napigilan ang sarili kong matawa. "Hahaha........ So hindi ka sure? " tanong ko naman sa kanya.

Binigyan niya lang ako ng questionable look. "What do you mean by that? " takang tanong niya.

"Let me go now or else" malamig na sambit ko sa kanila. "You don't know me that much. Hindi niyo pa ako kilala. Kaya....." Humarap ako sa kanya ng may deadly glare. "Wag niyo akong piliting ilabas ko ang totoong ako" sambit ko sa kanila ng may masamang tingin.

"Go ahead....we're not scared" sabi ni Valleria.

Ramdam ko naman ang pagbitaw ng dalawa niyang alipores sa akin. Yumuko muna ako saglit na parang wala sa sarili.

"Halika na Valleria. Itigil na natin to!" Sigaw ni Vannesa kay Valleria.

"No! Gusto ko siyang makitang mabigo. Mas malakas ako sa kanya" sigaw naman ni Valleria.

Inangat ko ang ulo ko. Nakita ko ang bahagyang pag- atras ni Valleria ng makita niya ang masamang tingin ko sa kanya.

"You really wanna see me be a demon here?" Tanong ko sa kanya ng may malamig na boses.

The BADBOY'S Tutor (Complete)Where stories live. Discover now