Shane's POV
Nandito ako ngayon sa kwarto ko at nakamulat ang mata na nakatingin sa celling namin habang nakahiga sa kwarto ko. Hapon na ngayon pero hindi ko parin talaga makalimutan yung nangyari kahapon.
*knock*knock*
"Pasok" sabi ko nalang.
Bigla namang bumukas ang pinto at nakita ko si kuya. "Lalim ng iniisip ha. Kanina ka pa dito sa kwarto mo. Hindi ka na lumabas" sabi ni kuya at halatang nag aalala sa akin.
Umupo naman ako ng maayos sa kama ko at tumabi naman sa akin si kuya. "Marami lang akong iniisip kuya" yun nalang ang sinabi ko.
"Aish... Alam mo lumabas ka kaya muna ng bahay at ng malagyan naman ng araw yang balat mo. Kanina ka pa dito. Hindi ka pa nga yata naliligo eh" sarcastic na sabi ni kuya at inakbayan ako.
Tinulak ko naman siya. "Napaka mo! First of all, naligo na ako, Second kahit hindi ako maligo mabango ako, third hindi nalalagyan ng araw ang balat, na sisikatan lang. Aish" inis na sabi ko.
Tumawa naman siya. "Aahaha.... Niloloko lang kita. Ikaw kase masyado kang seryoso. Cheer up little sis. It's not the end of the word. And i know that Gino is okay" sabi niya sa akin.
"I really hope so kuya" sabi ko at niyakap siya.
Joshua's POV
"Gino ano ba tama na yan. Marami ka ng nainom oh" bawal ko sa kanya.
Kanina pa kasi kaming umaga dito. Ke aga aga bar agad ang gustong puntahan ng ugok.
"Pwede ba *hik* Wag niyo nga akong *hik* pakielaman. Buhay ko to kaya *hik* pwede wag kayo makielam" sabi niya sabay shot ulit ng isang glass my tequila.
"Anak naman ng putcha pare. Para saan pa at naging kaibigan mo kame. Naiintindihan namin na nasasaktan ka. Pero bro hindi naman tama ang ganyanin mo ang sarili mo. Ang gusto ni Shane maging okay ka, kay bro umayos ka" sabi ni Robin
"Ha! Si Shane gustong maging okay ako? *hik* kung gusto niyang maging okay ako dapat sabihin niyang*hik* mahal niya rin ako" sabi niya pa. At humawak pa ulit ng isang bote pero kinuha ko iyon.
"Give her time bro. Nalilito pa siya. Intindihin mo nalang siya. Wala siyang kasalanan kung hindi niya pa naiintindihan ang nararamdaman niya" sabi ko.
"Ibigay mo nga saakin yan!*hik*" sigaw niya at kinuha ulit sa akin ang bote. Tigas talaga ng ulo!
Kinuha ko ulit iyon. "Lumubay ka na at lasing kana" bawal ko sa kanya.
"Sinabing wag kang makialam eh!"
*boogsh*
Sinuntok niya ako ng malakas. Bigla naman siyang pinigilan ni robin. Pinunasan ko naman ang dugo sa labi ko. Hindi ko siya papatulan dahil naiintindihan kong nasasaktan lang siya.
"Bitawan mo ako Robin kung ayaw mong madamay!" sigaw ni Gino.
Lahat na ng tao dito sa bar ang attention ay nasa amin. "Tumigil ka a Gino" kalmadong sabi ni robin.
"Bitawan mo sabi ako eh! " sigaw ni Gino at pilit na kumakawala sa pagkakahawak sa kanya ni Robin.
"Sinabi ng tumigil ka na eh! "
*boogsh*
Sinuntik na ng malakas ni Robin si Gino. At dahil sa lasing narin si Gino ay nakatulog na ito. Mabuti nalang at nasalo ko.
"Anong ginawa mo?!" inis na sabi ko kay Robin.
"Sorry bro, hindi ko na napigilan eh" sabi niya sabay peace sign.
"Aish... Pano na ngayon to? Patay tayo sa kuya niya" sabi ko.
Wala kaming choice kung hindi ang buhatin siya papunta sa kotse niya at nag drive na ako pauwi sa kanila.
Ng pumasok kami sa bahay nila. Bwisit! Ang bigat nitong dala namin.
"Anong nangyari sa kanya?"
Paktay! Eto na nga ba ang sinasabi ko eh. Tiningnan ko naman si Robin at binigyan siya ng look na... 'Kasalana mo to. Ikaw magpaliwanag' look.
"Ahm.... Ano.... Kase.... G-galing kami sa bar eh sa sobrang lasing ayan nakatulog" palusot ni Robin. Naku hindi magandang palusot yan.
"Nakatulog may pasa siya sa mukha? At ikaw Joshua anong nangyari sayo may pasa ka rin tapos may sugat pa yang labi mo. Nag away ba kayo?" seryosong tong ni kuya Gio.
"Ahm....punta muna tayo sa taas at doon ko ipapaliwanag sayo ang lahat" sabi ko nalang.
Nagpunta naman kami agad sa kwarto ni Gino at inihiga siya sa kama niya at pagkatapos ay naupo kami sa sofa sa loob ng kwarto ni Gino at ikinwento ko na sa kanya ang lahat ng nangyari.
"He really loves her so much huh?" sabi ni Gio at tumingin kay Gino na natutulog parin.
"Parang ganun na nga" sabay na sabi namin ni Robin.
"Aigoo... How can I fight him when I already know the answer to Shane's questions" sabi niya sabay kamot sa ulo niya.
Nalito naman kami sa sinabi niya. "Ano namang ibig mong sabihin?" tanong ko.
"Noong sa pagkikita ulit namin ni Shane. Alam kong gulat siya. Nakita ko ang paraan niya ng pag aalala kay Gino. Nakita ko kung paano niya tignan ang kapatid ko na kahit kailan ay hindi ko naranasan. Alam kong may pagtingin na siya sa kapat.id ko. Pero mukhang nalilito pa siya dahil sa pagdating ko kaya gusto ko siyang tulungan na hanapin ang sagot sa mga tanong sa utak niya. And since you already knew what's on my mind kailangan ko na ngayon ang tulong niyo. Wala dapat makakaalam nito. Kundi tayong tatlo lang" sabi niya.
"Kahit kay Mark?" tanong ni Robin.
"Kahit kay Mark. Ano payag kayo o payag kayo? " tanong niya.
"May choice pa ba kami? " sarcastic na sabi ko.
Tumawa naman kaming lahat at hindi pa natatapo ang tawanan namin bigla nalang may unan na tumama sa amin.
"Kaiingay niyo. Dun kayo sa labas magtawanan at wag dito sa kwarto ko. Labas!" sigaw ni Gino.
"K-kanina ka pa ba gising?" tanong ni Robin.
"Kagigising ko lang. Nagising ako dahil sa lakas ng tawana ninyo. Labas na nga at nahihilo pa ako gusto ko pa matulog! " sigaw niya lumabas naman kami agad at pinagusapan na namin ang first plan.
Ayos to.
Gino's POV
"Ano payag kayo o payag kayo?"
"May choice pa ba kami?"
At nagtawanan na sila ng malakas kaya naman binato ko sila ng unan.
"Kaiingay niyo. Dun kayo sa labas magtawanan at wag dito sa kwarto ko. Labas!" sigaw ko sa kanila.
Kairita! Ang sakit pa naman ng ulo ko.
"K-kanina ka pa ba gising?" tanong ni Robin.
"Kagigising ko lang. Nagising ako dahil sa lakas ng tawana ninyo. Labas na nga at nahihilo pa ako gusto ko pa matulog!" sigaw ko.
Agad naman silang lumabas ng kwarto ko. Ano naman kaya ang pinaguusapan ng mga yun?
Aish! Lalo tuloy sumasakit ang ulo ko sa kaiisip! Makatulog na nga lamg ulit!
YOU ARE READING
The BADBOY'S Tutor (Complete)
ActionThis story is about the tutor which is: Nerd Strict tutor Pretty WITHOUT glasses A broken girl. Came from a broken family Her dad leaves them because he has an affair and that is the cause of her miserable life. That is why she never loved someone a...