Chapter # 17 New Look

285 12 0
                                    

*Shane's POV*

'Morning'

Nagising ako dahil naramdaman ko na parang medyo matigas yata ang unan ko.

0_–

–_0

0_0

S-si Gi-Gino? Ka-kayakap ko?

Lumayo ako ng dahan dahan sa kanya baka kasi magising at sabihing china-chansingan ko siya T-T

'Pero totoo'

Ano na ba sinasabi ng utak ko?

Bakit pag kay Gino nagiging baliw ako?

Hindi parin ako makaalis. Hindi lang kasi ako ang nakayakap. Pati siya, yakap yakap din ako.

Narandaman ko nalang ang pag-galaw biya kaya nag tulog tulugan nalang muna ko para malaman niya na tulog ako.

(A/N: malamang shane)

"Maganda ka pala pag walang salamin. Sabagay kahit naman meron eh *gigle*" sabi niya at bahagyang natawa.

"Maganda? Ako? Kahit walang salamin?" Sabi ko sa utak ko.

"Shane?" Gising niya sa akin.

"Hmmm" sabi ko at nagkusot kusot pa ng mata bago maupo sa kama niya.

"Good Morning" sabi niya ng nakangiti.

"G-good morning din" bati ko sa kanya.

"Maliligo muna ako. Diyan ka muna at ayusin mo ang mga gamit mo" sabi niya at nagpunta sa banyo.

Inayos ko naman ang kamit ko.

*knock*knock*

Agad ko naman binuksan yung pinto at nakita ko si yaya maita.

"Ma'am Shane heto na po ang damit niyo. Nilaban na po iyan at pin-lantsa na rin para hindi ko gusot gusot" sabi ni yaya maita.

"Salamat po" sabi ko.

"Sige ija. Marami pa kasi akong gagawin" sabi ni yaya maita at lumabas na.

"Sige ho salamat ulit" sabi ko at isinara na ang pinto.

"Sino yun" rinig kong tanong ni Gino mula sa likod ko.

dahan dahan akong humarap sa kanya"Ah wala, si yaya maita la--" tumalikod ako sa kanya ng makita ko na naka twalya lang siya.

"Ups.....sorry" sabi niya.

"H-hindi okay lang. M-maliligo na ako. Mauna ka nang bumaba" sabi ko sa kanya.

"Sige, sumunod ka nalang" sabi niya.

Agad naman akong pumasok sa banyo niya at naligo na.

"G-gino?!"

"Ohh?!"

"Pwede bang manghiram ng toothbrush mo? Wala akong dala eh!"

"Sige. Yung kulay pula nalang yung gamitin mo!"

"Sige thank you! "

Agad naman anong nag toothbrush at lumabas narin pagkatapos.

Nagbihis na ako. Itinali ko ang buhok ko at nag polbo at isinuot ang salamin ko.

Bumaba na ako sa hagdan at hinanap si Gino.

"Ma'am Shane, hinihintay na po kayo ni Sinyora at Sir Gino sa kusina" sabi sa akin ng isa sa mga katulong nila.

Agad naman akong nagpunta sa kusina nila.

"Oh ija, andiyan ka na pala. Halima at sabayan mo na kaming kumain" sabi ni tita angely.

The BADBOY'S Tutor (Complete)Where stories live. Discover now