CHAPTER # 25 Yes

260 12 1
                                    

Nandito na kami ngayon ni Gino sa cemetery papunta na kami sa puntod ng mommy niya, in just a minute nakarating narin kami.

Name: Naomi Argente
Date of birth: September 23,1970
Date of Death: January 27, 2009

"Eight years na palang patay ang mommy mo? " tanong ko sa kanya.

Tumango lang siya at naglagay ng tatlong pirasong Rosas sa puntod ng mama niya. Wala man lanh akong nadalang bulaklak para sa mommy niya. Ang dala ko lang kasi ay bulaklak para Kay lolo. Napahawak nalang ako sa ulo ko at mayroon akong nasalat. May bulaklak nga pala ako sa buhok ko. Design sa pamoni ko. Kinuha ko iyon at inilagay sa puntod ng mommy niya.

"Thanks for coming with me here. You don't know how happy am I cause you come here with me" biglang sabi niya.

Ngumiti naman ako sa kanya. "Masaya din naman ako na nakasama kita" sabi ko sa kanya.

Ilang minuto lang ay nagyaya narin si Gino. "Saan mo gustong pumunta?" Tanong niya sa akin habang naglalaad kami.

"Gusto ko sanang puntahan muna ang puntod ni lolo" sabi ko sa kanya.

"Ganon ba? Tara puntahan na natin"sabi niya.

"Anong meron. Bakit parang nagmamadali ka. May importante ka bang gagawin ngayon? Kaya ko namang pumunta doon ng mag isa eh "sabi ko sa kanya. Nakakahiya naman kasi na hindi siya makakapunta sa pupuntahan niya ng dahil sa akin.

"Wala naman. Sasamahan na kita" sabi niya at ngumiti sa akin.

Nagpunta na kami sa puntod ni lolo. At ng makarating kami dito at inilagay ko agad ang mga bulaklak na dala ko.

"Hi lo, nami-miss na po kita. Sana nga hanggang ngayon nandito ko pa. Sana hanggang ngayon buhay ka pa. Nami-miss na kita lolo"sabi ko. At naramdaman ko nalang na may luhang tumulo sa mga mata ko.

"Mahal na mahal mo talaga ang lolo mo no? "Tanong ni Gino sa akin.

Tumango ako sa kanya. "Oo, bata palang kasi ako siya na yung maging tatay ko. Siya yung gumagabay sa akin. Siya yung nagparamdam sa akin ng pagmamahal na katulad ng Kay daddy noon" sabi ko sa kanya.

"Pwede mo ba anong kwentuhan tungkol sa lolo mo? " tanong niya sa akin.

"Alam mo kasi si lolo ang tinuturing kong tatay nung mga panahong iniwan kami ni daddy.....

~•< Flashback >•~

"Happy birthday, apo. Oh... Bakit malungkot ka? " tanong sa akin ni lolo.

10th birthday ko Ito.

"Lolo? Mahal po ba ako ni daddy? " tanong ko.

"Oo naman, apo. Alam kong mahal na mahal ka ng daddy mo" sabi ni lolo at pinunasan ang luha na tumulo sa mga mata ko.

"Hindi niya ako mahal lolo. Hindi niya ako mahal! Iniwan niya ako. Iniwan niya kami nila kuya at mommy. Hindi niya kami mahal. Hindi niya kami mahal! " sigaw ko at umiyak ng umiyak.

"Don't worry, apo. Andito lang si lolo. Ako nalang ang magpapatuloy ng mga bagay na iniwan ng daddy mo" sabi niya at niyakap ako.

"Promise me lolo. Promise me na hindi mo ako iiwan" sabi ko kay lolo. Ngumiti naman siya sa akin at tumango.

"Promise. Halika na doon sa mga kuya mo. Tumahan ka na. Sayang naman ang ganda mo kung iiyak ka lang" sabi ni lolo kaya napangiti nalang ako.

The BADBOY'S Tutor (Complete)Where stories live. Discover now