Chapter 1

436 13 2
                                    



"Anong oras pasok mo, bunso?" tanong ni mommy sa akin. Ibinaba niya yung magasine na kanina niya pa binabasa.

It is the Time magazine. Nahagip ko yung topic nila "Salvatore Empire".



"2 pm pa po," sagot ko. Tinignan ko si mommy. Napansin ko ang bahagya niyang pagpayat nitong mga nakalipas na buwan.


"Sumabay ka nalang sa kuya Liam mo para tipid sa gasolina," ani nito.


Nakaramdam ako ng bahagyang pagkalungkot dahil mas gusto kong pumasok sa university sakay ni Phillipe, my Vespa PX motor na regalo ni dad nung 18th birthday ko.

Tumango ako.

Sabay kaming napatingin sa cellphone ni mommy nung tumunog ito.

Nahuli ko ang pag-iba ng reaksyon niya nung makita kung sino yung tumatawag.

"Excuse me, bunso.." ani nito bago lumayo at sagutin yung tawag.



"Nagning-ning ang launching ng newest product ng Salvatore groups of company dahil sa mga artistang nagsipunta. Spotted din ang magkasintahang si..." pinatay ko na yung tv dito sa sala at umakyat sa kwarto ko para mag-ayos na sa pagpasok.



Binigyan ko pa ng sulyap si mommy na nakikipag-usap sa cellphone niya.





Naligo at nag-ayos lang ako tsaka ulit bumaba.



Naabutan ko si kuya Leon na papuntang kusina.

"Kumain kana bunso?" tanong ni kuya Lancer.

"Hindi pa po," sagot ko.

"C'mon, sabay-sabay na tayong maglunch," ani ni kuya Leon.

Kinuha na ni kuya Lancer yung bag ko nung tuluyan na akong makababa ng hagdan. Sabay na kaming tatlong pumasok sa kusina.

Naabutan na namin si kuya Liam na kumakain habang busy sa laptop niya.

"Sabay na daw kami sayo, kuya," ani ni kuya Lancer.

"Thank you po," ani ko kay manang Cita. Ang bukod tanging natira sa mga katulong namin.

Umusog ako para bigyan siya ng space at malagyan yung baso ko ng juice.

"Si Lillie lang ang isasabay ko," sagot ni kuya Liam na hindi man lang nag-abalang alisin ang tingin sa laptop niya.

"Sabi kaya ni mommy," sagot naman ni kuya Lancer.

"Ayaw ko ng masikip. Si Lillie lang ang isasabay ko," matigas na sabi ni kuya Liam.

"Kuya naman! Ayaw kong magcommute. Kinuha ni mommy yung susi ng kotse ko," reklamo ni kuya Lancer.


"That's not my problem," pagtatapos ni kuya.


Sumimangot naman si kuya Lancer.

Tahimik lang na kumakain si kuya Leon.

Pagkatapos ko kumain ay inabot ko na yung lunch box ko sa cabinet at kinuha yung cookies ko na pinainit sa loob ng oven.

"Madami kang ginawa, bunso?" tanong ni kuya Liam.

Mabilis akong tumango tsaka inabot sa kanya yung maliit na plastic na may lamang cookies.


"Thank you. Ang sweet talaga ng baby namin," sabi ni kuya Lancer pagkatapos niyang agawin yung plastic na inaabot kay kuya Liam.

Beauty And Her BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon