Dumating ang araw ng libing ni manong Ben.
Pinilit naming huwag umiyak masyado dahil gusto naming maayos na ihatid si manong. Yung hindi depressing.
Pagkatapos ng libing ay naghiwalay na kami nila manang Teresita. Nangako ako sa kanila na papasyalan ko sila kapag nagka oras ako.
Pagdating sa maynila ay bagsak kaagad ako sa kama dahil sa sobrang pagod sa byahe.
"5 hours of driving sucks.." bulong ko bago tuluyang makatulog.
"Lillie!" Bigla akong umalog.
Sinilip ko kung sino iyon.
"Maurice?" Tanong ko. Paanong nandito siya sa Pilipinas?
"Hindi lang si Maurice ang nandito ah." Napatingin ako sa nagsalita sa likod ko.
"Daniel?" Nakahiga din siya sa kama ko katabi sila Casey.
Tinignan ko si ulit si Maurice tsaka tumingin ulit kay Daniel.
Bigla silang tumawa.
"Ayan, naanning na si Lillie. Binulabog niyo kasi ang tulog.." sabi ni Bunny na nakatayo sa may pinto.
Doon lang ako natauhan. Umupo ako bigla.
"Maurice!" Sigaw ko tsaka siya niyakap. Dahil siguro hindi siya handa ay nalaglag kami sa kama.
"Ouch!" Sabay naming tili.
Tinawanan lang kami nila Daniel.
Buti nalang at may carpet kaya hindi masyadong masakit.
"Kailan pa kayo nandito?" Tanong ko.
Tumayo ako para kunin yung tuwalya ko. Nakakahiya yung itsura ko ngayon.
"Nung isang araw pa. Hinintay ka talaga namin." Sabi ni Maurice.
Tumango ako tsaka pumasok ng banyo. Pagkatapos ko maghilamos ay inaya ko sila sa baba.
"Mom, dad mga kaibigan ko po sa America. This is Daniel, Casey, Annalize and Bunny." Pakilala ko
"Nice to meet you po!" Sabay-sabay nilang bati.
"Pakainin mo na sila, bunso. May food sa kusina.." ani ni daddy.
Inaya ko sila sa kusina.
"Tamang-tama, gutom na ako." Sabi ni Bunny.
Kumain lang kami doon habang nagkwekwentuhan.
"Inom tayo!" Aya ni Daniel.
"Go! Tigang na tigang na ako oh." Pagsang-ayon ni Bunny habang hinahagod ang leeg niya.
"Ano, Lillie? Go ka?" Tanong ni Maurice sa akin.
Medyo masakit pa ang katawan ko pero ayaw ko naman maging kj.
"Sure!" Sagot ko.
Hinintay lang nila ako matapos maligo at mag-ayos tsaka kami nagpaalam kila mommy.
"Dalhin mo nalang yung susi dahil sasama ako sa daddy mo sa Cebu para sa business matter. Sa linggo pa kami makaka-uwi." Sabi nito sa akin.
"Okay po." Sagot ko.
"Mag van nalang tayo para tipid sa gasolina." Sabi ni Daniel habang tinuturo yung van namin.
BINABASA MO ANG
Beauty And Her Beast
General FictionHe's a beast in business world. She's a beauty in his world.