Chapter 18

154 7 15
                                    


Nanatili siyang naka-akbay sa akin.

"Kilala kita. Mahilig kang bumali ng napagkasunduan. Kapag hindi mo tinupad ang two-week dating natin, magrereactivate ako at lalabas ang pangalan ko sa RS mo." Paliwanag niya.


Mahina ko siyang sinampal sa mukha.

"Napaka tuso mo talaga." Sabi ko. Tinawanan niya lang ako.


Tumayo siya.

"So paano ba yan. We have a deal. At magsisimula na iyon bukas so kung ako sayo, umuwi ka muna sa bahay niyo at magpaalam for a vacation." Sabi niya habang dinadala ako palapit sa pinto.

"Anong vacation?" Takang tanong ko.

"Sa Batangas." Sagot niya tsaka ako inilabas at sinaraduhan.

Naiwan ako doon tulala.

"Okay lang po kayo ma'am?" Tanong sa akin nung secretary niya.

Kumurap-kurap ako.

"Huh? Oo. Oo. Okay lang ako.."





















"Grabe! Ang witty talaga ni papa Adam!" Tili ni Annalize nung ikwento ko sa kanila ang nangyari.

"Tuso talaga!" Angal ko.

"Kasama daw tayo guys!" Sigaw ni Daniel. Hawak nito yung phone niya, I wonder kung sino ang nasabi sa kanya. Nandito ako sa room na pinag-i-stay-han nila.


Tumalon-talon naman ang mga baliw.

Pag-uwi ko para magpaalam ay inabot sa akin ni manang Cita ang isang box.

"Ano po ito?" Takang tanong ko.

"Hindi ko po alam basta para sa inyo daw." Sagot nito tsaka pumasok sa kusina.

Umakyat na ako sa kwarto ko at doon binuksan.



"Isang cellphone na may kasamang note."



"Call me when you receive it.

                   -Your Husband"



Halos tumirik ang mata ko.

"Ang korny.." nangingiti kong sabi habang binubuksan yung phone.



Tinawagan ko yung number na nakasulat. Isang ring palang ay sumagot na ito kaagad.



"I've been waiting for your call." Bungad nito.


"Galing pa ako kila Daniel." Sagot ko.


"Damn, I miss you already.." narinig kong bulong niya sa kabilang linya.



Bigla ay naramdaman ko din ang pagkamiss ko sa kanya.

Kinagat ko yung ibabang labi ko.


"Pwede bang dun kana matulog sa unit ko para sabay na tayo bukas. I want to inform you na beach iyon." Malambing niyang sabi.


Sobra-sobra yung kilig na nararamdaman ko ngayon.

"Hindi pa ako nakakapag-ayos ng dadalhin at magpapaalam pa ako kay kuya Liam." Ani ko.

"I'll wait. Maaga pa naman. Mag-ayos kana para masundo na kita pagkatapos ng meeting ko ngayon." Sabi niya.


"Wait?" Takang tanong ko.

"Nasa meeting ka ngayon?"

"Yes, pagtapos nito dadaanan kita dyan." Sabi niya.

Beauty And Her BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon