Halos kakatulog ko lang nang dumating si Adam at ginising ako.Noong una ay hindi ko maintindihan yung sinasabi niya. Nung marealize ko na si Adam yung nasa tabi ko ay mabilis ko siyang niyakap.
"Okay ka lang? Anong nangyari?" Nag aalala nitong tanong.
Hindi kaagad ako nakasagot dahil naramdaman ko na ang pagbabadya ng mga luha ko.
"Hey, Lillie. What happened? May masakit ba sayo?" Tanong ulit nito tsaka ako inilayo sa kanya para makita yung mukha ko.
Umiling ako.
"J-Just a nightmare." Sagot ko habang pinupunasan ang aking mukha.
Napatingin ako sa baba ng kama. May dalawang maleta kasi akong nakita doon.
Nagtataka ko siyang tinignan.
"Halos buong maghapon ko ito pinag-isipan. I also called your OB about this.." lalo nangunot ang noo ko.
Huminga ito ng malalim.
"Pupunta tayo ng Cebu..."
Nag-anunsiyo na ang piloto na malapit na kaming lumapag.
Sumilip ako sa bintana para makita ang napakagandang tanawin ng Cebu.
Halos nagyayakap ang modernisasyon at kalikasan.
"Are you hungry?" Tanong sa akin ni Adam habang papalabas ng airport.
Dala-dala niya yung mga bagahe namin.
Tumango ako.
Paglabas ay may nag-aabang na sasakyan sa amin.
Sa isang hotel kami dumiretso.
Sa restaurant din nun kami kumain ng lunch.
"Enough, baka hindi ko maubos." Saway ko. Naglagay na naman kasi siya ng gulay sa plato ko.
"You need to be healthy." Sagot nito. Napanguso nalang ako tsaka sumubo.
Tumingin ako sa labas.
Ang linis pala dito. Magaganda ang tanawin kaso nga lang hindi ko maintindihan yung mga nag-uusap.
Sa suite na nirentahan namin ay busy si Adam sa pagka-usap kay Luke. Nagpa-follow up sa nangyayari sa kompanya nila.
May nag doorbell kaya tumayo si Adam para tignan ito.
Tumayo ako at lumapit sa bintana para tanawin ang buong siyudad.
"Lillie.." tawag ni Adam sa akin. Paglingon ko ay may kasama na siyang lalaki sa likod.
Bahagya itong yumuko sa akin.
"This is Mr. Apek. Private Investigator. Siya ang magpapaliwanag sa atin ng tungkol kay Krisanto." Pakilala ni Adam. Nakipag kamay ako dito tsaka kami umupo.
May ibinigay itong brown envelop sa amin.
"Iyan po ang kasalukuyang physical appearance ni Mr. Krisanto. 54 years old. 30 years siyang nasa kalakaran. Pinaka mahal na gun man nung panahon niya hanggang nung huli niyang trabaho, six years ago." Nagkatinginan kami ni Adam. Posibleng yung kay Dianne ang tinutukoy nitong huling trabaho.
"May isa itong anak, si Kristine, isang madre. Hiwalay sa asawa si Krisanto at nabubuhay sa pamamagitan ng room for rent niyang business. Nag-iisa nalang siyang nakatira sa bahay niya. Nandyan na din ang complete address." Paliwanag pa nung P.I.
BINABASA MO ANG
Beauty And Her Beast
General FictionHe's a beast in business world. She's a beauty in his world.