Chapter 5

189 9 2
                                    


Isang buwan nang masakit yung katawan ko dahil sa pag-e-exercise.

Hindi naman kasi ako sanay sa mga ganito.

Isang linggo naman nung huli kong nakita si Adam.

Isang linggo na nung huli akong may kasabay magdinner.

"Manang Teresita..." tawag ko.

"Bakit, Lillie?" Tanong niya

"Ilang araw po ang pinaka matagal na wala si Adam?" tanong ko.

Nanuod ako ng pagluluto niya. Kay manang Teresita ako nagtatanong ng tungkol kay Adam. Pero sobrang limitado lang din ng alam niya.

Tinignan niya ako.

"Bakit? Namimiss mo na ba ang asawa mo?" Tudyo niya.

Nanlaki yung mata ko.

"Hindi po ah!" Pagtanggi ko. Nag-init na naman yung pisngi ko.

Tumawa ng malakas si manang kaya lalo akong nahiya.

"H'wag niyo na nga lang po sagutin!" Ani ko tsaka tumalikod.

Kay manong Gerry nalang ako makikipag-usap.








"Oh, bakit ka nakabusangot? Niloloko ka na naman ni Teresita ano?" Tanong niya.


Ngumuso ako tsaka tumango.

"Tinatanong ko lang naman po kung gaano katagal nawawala si Adam tapos sabi niya namimiss ko na daw ba siya."

Tinawanan din ako ni manong Gerry.

Tumulong nalang ako sa paggugupit ng mga halaman.


"Lillie!" Mabilis akong napatayo nung marinig ko yung boses ni Adam. Ilang beses na niya akong pinagsabihan na huwag maglalagi dito sa hardin.


Bumalik na naman yung kakaibang pintig ng puso ko.

Hindi ko alam kung takot o pagkamiss ba yung nararamdaman ko ngayon.

Naglakad ako palapit sa kanya.

Nasa may damuhan kasi ako.

Naka suot pa siya ng suit and tie.

Pagkalapit ko ay tumingin siya sa kamay ko na puro putik.

Kinuha niya iyon at inangat.


Sa halos isang buwan ko dito ay ngayon lang ulit nagdikit yung mga balat namin.

"Wash your hands..." sabi niya tsaka ako iniwan.

Masama ang tingin na ibinigay niya kay manong Gerry bago pumasok sa loob ng mansion.

"Hali na po kayo, huhugasan ko na yang kamay niyo.." kita ko ang takot sa mukha ni manong Gerry.

Pagkatapos ko maghugas ng kamay ay pumasok na ako sa loob.


Naabutan kong kumakain siya.

"Kumain ka din," utos niya.

Kahit halos kakakain ko palang ay umupo pa din ako. Namiss ko ang makasabay siyang kumain.

"Kamusta ang pagwowork out mo?" tanong niya.

"Ayos naman. M-Medyo naninibago lang yung katawan ko," sabi ko.

"Isang buwan ka nang nagwowork out, naninibago ka pa din?" takang tanong niya. Nakaramdam ako ng inis.


Kung alam niya lang ang pinapagawa sakin ni  Alexa.

Beauty And Her BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon