"Two years ago, bakit hindi mo ako sinundan noong umalis ako sa bahay mo? Bakit hindi ka man lang nagtaka kung bakit bigla akong nawala?" Tanong ko.
Matagal na yang tanong sa isip ko.
"Pumunta ako, Lillie. Hinabol kita. Nagmaka-awa ako sa mga magulang mo. Alam mo ba yung pakiramdam nun? Na mag makaawa sa taong pumatay sa babaeng una kong minahal? Yung taong pumatay sa anak ko?" Tanong niya sa akin.
Hindi ko iyon alam.
"Nung nalaman ko na nasa America ay binalak kong sundan ka. Oo, inaamin ko lahat planado. Gusto kong gumanti pero Lillie...nung makasama kita... When I saw how fragile you are para saktan ay hindi ko na itinuloy. Gusto ko sanang aminin sa iyo yun sa America pero kinausap ako ni Liam. Sinabi niya na kung talagang mahal kita ay hahayaan kitang makapag tapos ng pag-aaral at hahayaang i-enjoy ang buhay mo, na kung talagang mahal mo ako ay ikaw ang kusang babalik sa akin.." paliwanag niya.
Hindi ko din alam iyon.
Nawala lahat ng galit ko sa kanya.
"Bakit lagi nalang ganito?" Tanong ko sa sarili ko.
Tinignan ko siya. Naglakad ako papunta sa sofa at umupo doon.
Matagal ako hindi nagsalita.
"Kapag pinagkatiwalaan kita ulit ay baka saktan mo na naman ako. Pagod na ako Adam.." Ani ko sa kanya.
Mabilis siyang umiling at lumapit da akin.
"Wala na akong ibang itinatago sa iyon. Nakita mo na lahat." Sabi niya.
Tumayo ako at lumapit sa kanya.
Mahigpit ko siyang niyakap.
"Sige. Magpapakatanga ulit ako." Sabi ko.
Narinig ko ang bulong niya na nagpapasalamat.
"Kailangan kong patunayan sayo na walang kasalanan si dad. You have to help me." Sabi ko.
Matagal siya bago tumango.
Nagpasama ako sa kanya sa bahay para kunin yung ibang gamit ko.
Walang ibang nagawa sila mommy kundi tignan ako ng may pagka dismaya.
"Sana huli na ito." Sabi sa akin ni kuya Liam nung hinatid niya ako sa gate.
Naghihintay si Adam sa sasakyan.
"Parang kanina lang ay pinipilit kong makapasok dyan para kausapin ka." Sabi niya bago paandarin.
Natawa ako.
Baliw nga siguro ako.
Tinawagan ko sila Maurice para sabihing okay na ako.
Pagdating sa unit ni Adam ay nagluto ako. Tinulungan ako ni Adam para daw hindi ako masyadong mapagod.
Tinignan ko siya habang hinihugasan yung mga pinaggamitan namin.
"Ganoon ka ba talaga para makakuha ng deal?" Tanong ko sa kanya.
Tinignan niya ako tsaka bahagyang tumawa.
"I told you, I hate business. Ayaw ko ng tawaran kaya sa ganoong paraan ko kinakausap." Sabi niya.
Napa-iling ako.
"Tigilan mo na yang gawain mo. Ayaw ko na ipakain mo sa magiging baby natin ay galing sa pananakot at panggigipit mo sa kapwa." Sermon ko.
BINABASA MO ANG
Beauty And Her Beast
General FictionHe's a beast in business world. She's a beauty in his world.