Kakatapos ko lang mag work out routine.
Maliligo na sana ako nung may marinig akong boses sa baba.
Sumilip ako.
"Ichecheck ko lang kung buhay pa si Adam. Ilang araw nang hindi pumapasok sa opisina," isang lalaki na may kausap sa telepono niya.
Kumunot yung noo ko.
Wala naman si Adam dito sa bahay.
Napansin siguro nung lalaki na may nakatingin sa kanya kaya tumingala siya.
Nginitian niya ako.
"Ikaw pala ang asawa ni Adam.." ani nito.
Bumaba ako ng hagdan.
"I'm Gaston, at your service.." ani niya tsaka hinalikan yung likod ng palad ko.
"Naku, nakakahiya naman pawisan pa ako. Maliligo lang ako saglit," nakangiti kong sabi.
Tumawa naman siya.
"Just take your time, Mrs. Salvatore. Hahuntingin ko lang si Adam," Ani nito.
Tumango ako tsaka umakyat sa kwarto ko.
Natutuwa ako dahil may bagong mukha na akong nakita. Ilang buwan na akong nakakulong dito sa mansion ni Adam.
Pagkatapos ko maligo at mag-ayos ay bumaba na ako.
"Hoy, Salvatore, hinahanap kana ng mga babae mo. Ilang araw ka nang hindi pumapasok," narinig kong sabi ni Gaston.
Nasa may gilid sila ng mansion malapit sa may pool.
"You really like me, don't you? Talagang sinundan mo pa ako dito pa bahay ko," ani naman ni Adam.
Napalingon sa akin si Gaston.
"Tingin ko nga mapapadalas ako dito." Ani niya tsaka lumapit sa akin.
"Hi, Lillie. Balita ko ay masarap kang gumawa ng cookies. Alam mo bang iyon ang pinaka favorite kong pagkain sa buong mundo?" Ani nito sa akin.
Nakaramdam naman ako ng tuwa.
"Tsk.." napatingin kaming dalawa kay Adam.
"Okay lang namam sayo na gawan niya ako ng cookies diba?" tanong ni Gaston kay Adam.
Tumingin ito sa amin.
"The hell I care," sagot nito tsaka umalis.
Nagkatinginan kami ni Gaston.
"Talaga bang favorite mo yung cookie?" tanong ko.
"Super. Pwede mo ba akong gawan? Ayaw kasi ako asikasuhin ni Adam. Bad siya," sabi nito kaya natawa ako.
Sinama ko siya sa "Lillie's Heaven"
"Ito nga pala ang Lillie's Heaven. Pinagawa ni Adam ito para pwede kong tamabayan," sabi ko kay Gaston habang papasok kami.
"Indeed," ani niya.
"Parang paraiso tapos may anghel pa," dagdag niya sabay tingin sa akin.
Tumawa ako. Palabiro din pala siya. Kabaliktaran ni Adam.
Pumasok kami sa garden shed.
Kinuha ko lahat ng ingredients.
Tinuro ko din kung paano gumawa.
"Ikakayaman ko ba kapag binenta ko yung mga cookies mo?" Tanong niya.
BINABASA MO ANG
Beauty And Her Beast
General FictionHe's a beast in business world. She's a beauty in his world.