Chapter 19

136 5 2
                                    


Ilang oras lang ay nakarating na kami sa Batangas.

Ilang beses pa kaming huminto para magpicture sa daan.

Matagal na din kasi nung huling naka-uwi dito sila Daniel sa Pilipinas.



Pagdating sa beach resort ay kakaunti lang yung tao dahil malapit na mag ber months.


Pumasok na kami sa pinaka hotel.

May lumapit sa aming mga bellboy.

"Welcome sir." Bati nito kay Adam tsaka kinuha yung mga bag na dala namin.

"Woah, is this yours?" Tanong ni Daniel.

Nagulat din ako.

"Hindi. This is one of the Salvatore empire's property." Sagot ni Adam.

"Edi sayo nga.." sabi ni Casey.

Tumawa si Adam.


"Not totally.." sagot nito.

Sumunod kami sa mga bellboy.

"Same ng room yung mga girls ah." Sabi ni Daniel. Bigla naman akong natuwa, para lang kaming nagfifieldtrip.

"She's with me.." ani ni Adam tsaka ako hinila papunta ng elevator.

"What? Gusto kasama sila Daniel." Protesta ko.

Tinignan niya lang ako.

Hindi ko mapigilang hindi mapasimangot.

"After natin ilagay yung gamit pupunta ako sa kwarto nila Daniel ah." Nakatingala ako sa kanya.

Hindi pa din siya sumagot.

Lihim ko siyang inirapan.

Kinalabit ko yung bellboy na may dala ng gamit namin.

"Sir, pasama naman sa room nung mga kasama ko later. Okay lang?" Tanong ko.

"Hindi ka niya sasamahan." Singit ni Adam.

Tumalikod na ulit yung bellboy. Mukhang natakot kay Adam.

Sa sobrang inis ko ay tumigil na ako.

Pagpasok namin sa kwarto ay hinila na agad ako ni Adam sa kama.

"Adam, pupuntahan ko sila Casey." Sabi ko habang pilit na inaalis yung kamay niyang nakadagan sa tiyan ko.


Hindi na siya sumagot. Nakadapa ito at nakapikit.

Pagod kong hinilata yung katawan ko.

"Fine. Kung gusto mo matulog..sige.." ani ko habang nakaharap sa kisame.

"Sige hindi muna tayo makikijoin sa kanila. Dito muna tayo, magkulong, matulog.."

"Magpaka KJ ta—" napahinto ako nung marinig ang malalim na paghinga ni Adam.

Tinignan ko siya.

Mukhang tulog na tulog na.

Napangiti ako.

Inayos ko yung buhok niya.

"Sige na nga...dito muna tayo." Sabi ko tsaka umusog palapit sa kanya.

Napahaba yung tulog namin ni Adam dahil halos pawala na yung araw nung magising kami.

Ginising ko si Adam para makapag-ayos na kami.

Dumilat siya at tumitig sa akin..

Beauty And Her BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon